"ANO'NG plano mo, Sir Gael ngayong alam na ni Tali na kilala mo siya?" tanong ni Hiro sa kaniya habang nakatayo siya at nakaharap sa veranda ng silid niya habang hawak ang kaniyang stick para maging gabay niya sa kaniyang paglakad. Walang emosyon ang kaniyang mukha. "Simple lang, ipararanas ko sa kaniya ang hirap. Paulit-ulit kong ipapaalala sa kaniya na siya ang dahilan ng lahat ng ito at hindi ko ibibigay ang kapanatagang hinahanap niya." Ngumisi siya. "Sinira niya ang buhay ko at iyon din ang gagawin ko sa kaniya." "We both know that you and Tali has a son, Sir Gael. Paano siya? Paano ang anak mo, maaari siyang maapektuhan sa gagawin mo," ani Hiro na tila ba hindi ito sang-ayon sa gusto niyang gawin. Natigilan siya. Dahil sa galit na nararamdaman niya kay Tallulah, nakalimutan niyang

