HINDI mapigilan ni Tallulah ang mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata. Naguguluhan siya at hindi niya alam kung ano'ng dapat gawin. Nahihirapan siya sa sitwasyong hinayaan niyang mangyari. Paano niya tatapusin ang komplikadong kinaroroonan niya, gayong masasaktan lang silang lahat? Tumingala siya at pinigilan ang sariling humagulhol. Nasasaktan siya dahil lahat ng ginawa niyang desisyon, hindi niya gustong gawin. Mahal niya si Gael pero hindi na magiging masaya kung pipiliin niya ito dahil mas masasaktan ang mga taong nandiyan no'ng mga panahong kailangan niya ng presensiya ng mga ito. Kailangan pa ba niyang mag-stay sa relasyong wala nang pag-ibig at hindi na siya masaya? Maraming bagay ang kailangan niyang i-consider para piliin ang tamang desisyon. "Mommy, umiiyak po ba kayo?" Ag

