WALA nang nagawa si Kendrick kung hindi hayaan si Tali at Gael na mag-usap kasama si Callum at ang kaniyang ina. Kita niya ang sakit sa mga mata nito dahil kahit gusto nitong kasama siya roon, alam nitong hindi maaari. Hindi niya magawang tumingin kay Gael dahil kahit anumang sandali ay mapapako ang kaniyang titig dito. Ayaw niyang maging marupok at muli na namang magkamali. Kita naman niya ang saya, ligaya at pananabik sa mga mata ni Gael habang pinagmamasdan nito ang anak. Nararamdaman niyang gustong-gusto na nito yakapin ang bata habang hindi naman niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat kay Callum sa paraang maiintindihan nito ang lahat kahit alam niyang sa edad nito ay nauunawaan na nito ang ilang mga bagay. "Callum, apo gusto mo bang tumabi sa kaniya?" tanong ng kaniyang in

