NANB 66: Kasal

1759 Words

PINAHID ni Tallulah ang luha sa mga mata niya habang pinagmamasdan ang mahimbing na natutulog niyang anak na si Callum. Lumapit siya rito at marahan niyang hinaplos ang noo nito. "I'm sorry, Anak kung pinagdamot ko sa iyo ang karapatan mong makilala ang iyong ama," bulong niya. Alam niya ang pangangailangan nito, ang kalinga at pagmamahal mula sa isang ama na alam niyang hindi nito naranasan. Hinalikan niya sa noo si Callum bago siya tumayo at humarap sa bintana. Niyakap niya ang sarili. Hanggang ngayon hindi pa rin niya alam ang gagawin niya. Naguguluhan siya sa nararamdaman niya o mas tama sigurong sabihin na hindi niya alam kung sino ang pipiliin niya. Ayaw niyang iwan si Gael kahit tanda pa niya lahat ng nakaraan nila. Sa kabila ng lahat ng nangyari, hindi pa rin pala niya lubusang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD