NAPAPITLAG na lang si Tallulah nang marinig niya ang pamilyar na boses. "Tali! Tali, nasaan ka?" Napakunot ang noo niya at agad nabahala. Hindi siya pwedeng magkamali, boses iyon ni Kendrick. Ano'ng ginagawa nito rito? "Sir, pasensiya na po—" Nagmadali siyang bumaba ng kama. Bahagya pa siyang nahihilo pero hindi niya iyon ininda. Mabilis siyang lumabas ng silid at mas lalo siyang nabahala ng makitang kalalabas lang din ni Gael sa silid nito at nilapitan si Kendrick. "Pasensiya na po kayo, Sir pinigilan—" "Hayaan mo na siya, 'Ya, you may go back to your work," ani Gael sa katulong, saka hinarap si Kendrick na bakas ang galit at inis sa mukha nito. "What are you doing here, huh?" Ngumisi si Kendrick na bakas ang inis sa kaharap. "What I'm doing here?" Matalim nitong tinitigan si Gae

