"TALI, kumusta ka na? Can we talk?" Nag-angat siya nang tingin sa nagsalita at nakita niya si Donna sa harap niya na tila may gustong itanong o sabihin sa kaniya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya namalayang pumasok na pala ito sa kaniyang silid. Tumango siya. Umayos siya ng higa at sumandal sa headboard ng kama. Umupo sa tabi niya ang ina ni Gael at tiningnan siya na bakas doon ang simpataya. "Siya nga pala, sabi ng doctor na tumingin sa iyo kanina, you'll be fine. Kailangan mo raw ng pahinga. Na-trigger ang fear mo sa sobrang dilim at nahimatay ka. It was good that Zandy was there." Pinagdikit nito ang mga labi. Ngumiti siya na bakas doon ang lungkot at bahagyang yumuko. "Salamat po, Madam Donna sa pag-aalaga sa akin—" "No, Tali you don't need to thank me. It's my respons

