Chapter 5 (part 1)

1451 Words
Nakaupo kami noon sa isang silid na ang ilaw ay ang liwanag ng mga kandilang lumulutang sa may kisami at may mahabang luxurious rectangular-shaped table na kayang umakupa ng sampu(10) hanggang labing-apat(14) na tao. Nakaupo ako noon sa dulo paharap sa pinto papasaok sa dining room at si Matthew naman ay sa kabilang dulo. Alam ko na nagiging maingat lamang siya pero paano kami makakapag-usap kung napakalayo niya sa akin? Pwede kong gamitin ang //Telepathic ability ko sa kaniya pero ginagamit ko lamang iyon kapag hindi ako interesado sa isang tao. Oh right, may super hearing nga din pala ako, pero nakakaasar gamitin dahil naririnig nito lahat ng ingay sa paligid at nakakaasar pakinggan chismisan ng mga mortal. Nakatingala sa itaas ang lalaking kaharap ko at tila namamangha sa kaniyang nakikita. I stared at him with great interest pero pinanatili ko ang pagiging expressionless ng aking mukha. Pinalagitik(snapped) ko ang aking kanang kamay gamit ang thumb at middle finger ko. Nagsimulang lumutang si Matthew mula sa kaniyang kinauupuan na talagang ikinagulat niya. Ang nakapagtataka sa kaniya ay hindi siya natatakot sa mga nangyayari, mas natutuwa pa siya at namamangha. "Para akong nasa Hogwarts." Ang manghang-manghang sambit niya habang nakalutang sa ere. Napansin ko na napahawak siya sa kaniyang kaliwang pisngi at nagbigay ng ekspresyon na hindi ko maintindihan. Pinalutang ko siya palapit sa aking harapan at pinahinto sa layo na 1 foot and 6 inches. Inilapit ko ang mukha niya sa akin sa layong isang pulgada(1 inch). Rinig ko ang kaniyang malalim na paghinga at nagkatitigan ang aming mga mata. (Napakaganda at napakamapanganib ng kaniyang mga mata.) {Ang manghang puri ng binata sa kaniyang isipan sa napakagandang babae na nasa kaniyang harapan.} "You interest me." Nang sabihin ko ito kay Matthew ay inilihis niya ang kaniyang tingin palayo sa aking mga mata. Napangisi ako sa naging reaksyon niya kaya naman itinigil ko na ang panunukso ko sa kaniya. Lumingon ako pakaliwa at iniurong ang upuan malapit sa akin gamit ang pagkumpas ng kaliwang kamay. Pinalutang ko siya papunta sa upuang iyon at doon pinaupo. "What will your first question be?" Hindi ko intensyon na sabihin iyon in a cold tone pero I ended up doing it anyway. "Anong pangalan mo?" Tanong niya. "Next question." "Wha? It's the most important and vital question upon meeting a complete stranger noh." Napatayo siya mula sa kaniyang kinauupuan habang pinapaliwanag ito sa akin. "Sit down." Pinaupo ko siya gamit ang pagturo sa kaniya ng index finger sa kaliwang kamay ko at biglaang pagbaba nito. "You're still not worthy to know my name. You can call me Miss Black-" "But you're white." Biglang singit niya. Napatigil ako sa pagsasalita dahil sa hindi ko naintindihan ang sinabi niya at tiningnan siya ng may pagkahostile. Kahit na nakita niya ang ekspresyon na ibinigay ko sa kaniya ay hindi siya nagpakita ng senyales ng pagkatakot. Tumingala siya sa kisami at pinagmasdan ang mga lumulutang na kandila. "Aren't you scared at all?" Ang nagtatakang tanong ko sa kaniya. Back then noong 15th century kapag iniharap mo ang isang taong kaanib ng kalaban sa amang hari ay halos maligo na sila sa pawis at nanginginig sa takot. Pero ang taong ito ay namamangha pa sa kaniyang nakikita. "At first yeah kinabahan ako. I mean who wouldn't?" Sagot niya habang nakatingla at sinusundan ng tingin ang isang kandila na lumulutang paikot sa kisami. "Pero I realized na hindi ka ganoon ka mapanganib na tao." "You don't know me." I replied. Expressionless as always. "Alam mo, rather than being scared, I am grateful." Napatingin ako sa kaniya nang sabihin niya ito. "There aren't many people who're lucky enough to experience something like this. Napapanood namin ang mga ganitong pangyayari sa mga palabas pero iyon ay dahil sa tinatawag na cgi, animations at minsan sa mga laro dahil sa programming. Pero to be personally here to experience it. It just feels different. There's no point in finding scientific explanations and logical reasoning when the proof itself is right in front of me. To be honest hindi talaga ako naniniwala sa magic at sa supernatural. Pero who am I to reject this reality?" Mababakas sa kaniyang mukha ang saya dahil sa kaniyang mga nakikita. ⸀Nang makita ko ang kaniyang mga ngiti ay nakaramdam ako ng pagkagusto na angkinin siya.⸥ Ito ang unang beses na nakaramdam ako ng ganito. Pinakiramdaman ko ang aking dibdib gamit ang kanang kamay ko. Nakaramdam ako ng tatlong t***k mula sa puso ko. Napatitig ako sa aking dibdib at tiningnan lamang ito, pinapakiramdaman. Sino ba talaga ang lalaking ito? "Ay oo nga pala itatanong ko!" Ang biglang bulyaw niya sabay tingin sa akin. Marahan kong itinaas ang aking ulo para tingnan siya habang nakadampi pa din sa aking dibdib ang kanang palad ko. "Ayos ka lang ba?" (Matthew) (Kailangan kong makumpirma ang isang bagay.) Nilakasan ko ang pwersang pumipigil kay Matthew at pinasandal siya sa upuan. Nagsimulang mamatay ang mga kandila kasabay ng isang malakas na hangin at sumara ang pinto ng dining room na nagpakawala ng malakas na kalabog. Tumila na din ang malakas na ulan sa labas at nagsimulang lumitaw ang kalahati ng buwan mula sa itim na mga ulap. Pumasok ang liwanag mula sa pabilog na bintana na nasa aking likuran at inilawan nito si Matthew na noo'y walang kaide-ideya sa mga nangyayari. "Wag kang gagalaw." Ang mahinang utos ko sa kaniya. "Paano ako makakagalaw eh ginamitan mo ako ng kapangyarihan mo." Ang kabadong sagot niya. "May kailangan lang akong kumpirmahin." Inilapit ko ang upuan niya sa akin at sa pangalawang pagkakataon ay nagkatamaan ang aming mga mata. "Iba ang titig mo kumpara kanina ah. Hindi ko gusto yan." (Matthew) Pinadampi ko sa kaniyang dibdib ang aking kanang palad at pinakiramdaman ang t***k ng kaniyang puso. Isa, dalawa, tatlo, apat...patuloy sa pagtibok ang kaniyang puso samantalang ang sa akin ay tatlong beses lamang tumibok. "Itatanong mo kung paano ka napunta sa lugar na ito hindi ba?" Tanong ko sa kaniya. Hindi siya makapagsalita dahil sa iniiwasan niya maidikit ang mukha niya sa aking napakalapit na mukha. Naisipan kong lumayo sa kaniya at alisin sa pagkakapatong sa kaniyang dibdib ang aking kamay. Nakahinga siya ng maluwag nang makalayo ako sa kaniya. "Am I that scary?" Tanong ko sa kaniya in a cold tone. "No that's not it. Nagulat lang ako dahil biglang bumigat ang pakiramdam ko tapos bigla kang lumapit at ipinatong ang kamay mo sa dibdib ko." "Were you expecting something?" "Like what?" Tanong niya pabalik. "Never mind." Ikinumpas ko ang kanang kamay ko at nagkaroon muli ng sindi ang mga kandila. "Turns out we share a special connection." "Connection? Like?" "I still don't know what it is. Iyon siguro ang dahilan kung bakit ka napunta sa lugar na ito." Paliwanag ko sa kaniya. 'Hindi kaya dahil iyon sa paulit-ulit na paglitaw niya sa projection ng salamin?' Ang mahinang sabi ko sa aking sarili sabay kagat sa dulo ng kuku sa kanang hinlalaki(thumb) ko. Narinig ito ni Matthew kaya naman napatayo siya sabay turo sa akin ng kaniyang index finger sa kanang kamay. Napatingin ako sa kaniyang index finger at sumunod ay sa kaniyang ulo. "AHA! Ikaw pala yun ha!" Binigyan ko lamang siya ng malamig na tingin. "Tatlong araw akong nag-isip kung ano yung naramdaman ko habang nagkaklase online. Kagagawan mo pala yun." "Now you know, well done." "Why are you spying on me?" "Observing." "Sounds similar to me." "No, it's not." "Napapaenglish na din tuloy ako. Look Miss Clock-" "Black." "That's racist. Anyway, look Miss Black. I know na bored ka kasi pandemic pero hindi ka dapat gumagawa ng espionage-" "Observation." Singit ko. "Observation sa isang tao na walang kaalam-alam. Paano kung naliligo yung inoobserbahan mo?" "Done that." Natigilan siya sa kaniyang pagsasalita at napatitig sa akin. "Seriously?" "It's boring to watch people take a bath anyway." Itinaas ko ang aking kanang kamay at nagpababa ng isang kandila mula sa kisami. "For 500 years I've observed the changes that this world has experienced. Back then when I was still a normal 18-year-old Princess." {Ang mga sumusunod na pangyayari ay tanging kathang-isip lamang at walang kinalaman sa mga kaganapang nakatala sa kasaysayan.} _ _ _ _ _ _ {June 20,1521: Birthdate of the Crown Princess of the Imperio Del Sol Poniente Malayang lumilipad ang mga ibon sa bughaw na kalangitan. Maririnig din ang hampas ng alon sa dalampasigan kalmadong karagatan. Nagpatuloy ang grupo ng mga ibon sa paglipad patungon sa isang kastilyo sa likod ng mga nagtataasang puno ng narra. Nang marating nila ang ibabaw ng isang tore ay dumapo doon ang mga ibon upang mamahinga. Biglang tumahimik ang paligid at napatingin ang ibon sa araw. Mali. Hindi iyon ang haring araw, kundi isang bolang apoy.} NEXT>>
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD