{Tumama ang bolang apoy sa gitna ng tore at tumagos at kabila. Naging sanhi ito ng pag-collapse ng foundation ng tore at bumagsak sa mataong kalsada.
Sa labas ng mataas ay puting pader ng palasyo ay ang napakaraming Shadow Soldier na nasa anino ng makapal na ulap na nagmula sa kaharian ng Oscuridad Eterna. Isang bansa na nababalot sa walang katapusang dilim na pinamumunuan ng Nameless Fuhrer.
Ang pakay ng hukbo ng Eterna ay ang Pale Gemstone na nasa pangangalaga ng Familia Imperial at nakatago sa puso ng kastilyo.
Si Crown Princess Alisha Dei Rosevolia Imperial I ang nakatakdang makatanggap ng blessing mula sa nasabing bato na siyang magwawakas sa Eternal War sa pagitan ng mga Filipino at Demonio Necrófago at hudyat ng panibagong simula para sa mga mamayan.
Pero dahil sa hindi inaasahang pagsalakay ng pwersa ng Eterna ay hindi nila napaghandaan ang seremonya na kailangang isagawa upang maging matagumpay ang proseso ng pagpapataw ng korona at mga abilidad na napapaloob sa gemstone alinsunod sa propesiya. Dahil nasa labas na lamang ng kastilyo ang pwersa ng mga kalaban ay kaagad na ipinatawag ang Crown Princess Alisha at pinapunta sa puso ng kastilyo suot ang kaniyang. Pinaikutan ng mga mahikero ang prinsesa na nasa gitna ng asul na pentagram kasama ang nakalutang na Pale Gemstone.
Ang Amang Hari at Inang Reyna ay nasa loob din ng silid.}
_ _ _ _ _ _
"Ako ng mga sandaling iyon ay nakakulong sa nakakandado kong silid. Humihingi ng saklolo. Dahil sa naiiba ang kulay ng aking mga mata ay itrinato nila ako na hindi nila kauri. Binigyan nila ako ng karapatang mabuhay at hindi ibinigay ang titulo na dapat ay sa akin.
Ang pagiging Crown Princess ng Imperio.
Nanatili akong nakakulong sa aking silid mula noong ako'y mag ika-6 na kaarawan. Hindi nila ipinadama sa akin ang pagmamahal ng isang ina at isang ama. At habang isinasagawa nila ang ritwal para ibigay ang kapangyarihan ng pale gemstone sa aking kapatid na ninakaw ang aking titulo ay pinasok ang kwarto ko ng mga sundalong anino."
"Nang magising ako ay hawak-hawak ko na ang isang rapier sa aking kanang kamay ang puting dress na suot ko noon ay may mantya na ng napakaraming dugo. Maging ang kaliwang kamay ko nang tingnan ko ito ay may bahid ng dugo.
Iniangat ko ang aking ulo at tumingin-tingin sa aking paligid.
I killed them.
The magicians, my father, my mother, and my sister. I didn't feel my heart beating and didn't felt any remorse from my actions. Napansin ko din na kulay puti na ang aking buhok."
{Maglalakad na sana paalis and abandoned princess nang hawakan siya sa kanang binti ng noo'y kritikal at nakadapang si Alisha.}
"T-tingin mo ba patatawarin ka ng bathala dahil sa, sa ginawa mo? N-ninakaw mo ang para sa akin." Ang naghihingalong tanong niya sa akin.
Tiningnan ko siya ng walang emosyon at yumukod para makita ng malapitan ang kaniyang namumutlang mukha.
"You may be the Crown Princess in title. But let's clear our misunderstanding here. Hindi ako ang nagnakaw ng kung ano ang para sayo. Ikaw ang nagnakaw ng kung ano ang para sa akin.
You really believed the lies that the one in the prophecy is you. And because of that you were rejected by the gemstone."
Inilapit ko ang ulo niya sa akin sa pamamagitan ng pagpapalutang sa kaniyang walang lakas na katawan.
'Goodbye sister.' Ang mahinang sambit ko sa kaniya sabay halik sa kaniyang kanang pisngi.
"I did love you. All of you. But you abandoned me."
Nang makalabas ako sa kastilyo ay nagsimula itong gumuho dahil sa tindi ng pinsalang natamo nito dahil sa mga pagsalakay gamit ang mga bolang apoy. Nagsimula akong lumutang sa ere at kaharap ko ay ang mga Shadow Soldier ng Oscuridad Eterna. Halos hindi na makita ang katapusan ng bilang ng mga kalaban dahil sa dami nila.
"You attacked my home..."
Nagsimulang lumutang ang dugo ng mga nasawi sa labanan at magtipon sa dulo ng blade ng rapier na hawak ko sa aking kanang kamay. Maging ang dugo na nakamantya sa aking suot ay napiga at sumama naiipon na dugo.
'This empire will be forgotten...'
Nang maging perpektong bilog na ang naipong dugo ay nagsimula itong lumiit hanggang sa maging isa na itong Radiant Cut Red Diamond. No, hindi lang basta diamond kundi isang Blood Crystal.
Lumutang papunta sa aking harapan ang blood crystal.
"...and you will be erased with it."
Nang imulat ko ang aking mga mata ay nagsimulang mabasag ang blood crystal.
//Juicio...Carmesí.
Isang malaking pulang pentagram ang lumitaw sa ibabaw ng hukbo ng Eterna at nagsimulang higupin paitaas ang mga sundalo. Ang pentagram ay patuloy sa paglaki ng naakupahang lawak hanggang sa marating nito ang kastilyo. Nagsimulang mabuwal sa pagkakabaon ang mga puno at maging ang malalaking tipak ng gumuhong kastilyo ay hindi pinalampas ng malakas na pwersa. Ang mga natitirang tao sa loob ng pader at hindi rin nakaligtas sa walang patawad na paghigop sa mga nasa ilalim ng pentagram.
"Now, perish."
Nagkaroon ng saglit at nakakasilaw na pulang liwanag sa gitna ng napakalaking pentagram at huminto ang lahat sa pag-angat.
Pinalutang ko ang rapier papunta sa aking harapan at itinutok sa basag na blood crystal.
//Encender.
Nang tuluyang mabasag ang krystal ay kumawala ang isang napakalakas na pagsabog mula sa gitna ng pentagram at sinimulang lamunin ang lahat ng madaanan nito.
Pinanood ko lamang ang lahat na walang kahit anong emosyon na ipinapakita. Maraming tao din noon ang madadamay dahil sa pagsabog pero hindi ako nakadama ng pagkaawa sa kaniya. Mayroong mga sumisigaw ng saklolo, ang iba nama'y isinusumpa ako dahil sa nakatakdang mangyari sa kanila pero ang mangyayari sa kanila ay kahit kalian man hindi maikukumpara sa pagmamalupit na dinanas ko sa kamay ng aking pamilya at higit sa lahat, ang naging trato ng sarili kong mga nasasakupan.
'Be grateful for dying in a painless way.'
Ang sambit ko sa mga taong nakalutang sa ere. Mabilis silang nilamon ng apoy at kagaya ng sinabi ko. It was painless.
Siguro ay biyaya ang kakayahang natanggap ko noong araw na iyon. Pero para sa akin ay isa iyong sumpa. Ang mga inosenteng tao na namatay sa araw na iyon ay biktima ng aking poot at galit sa aking Imperio.
"This is my sin to bear."
Lumipad ako paalis sa isang maalikabok at patag na lugar.
To be continued...
[Foreign words used:
Imperio Del Sol Poniente - Empire of the Setting Sun
Oscuridad Eterna - Eternal Darkness
Fuhrer - Ruthless Leader
Demonio Necrófago - Ghoul
Familia Imperial - Imperial Family
Imperio - Empire
Juicio Carmesí - Crimson Judgement
Encender - Ignite ]