Marahan kong iminulat ang aking mga mata. Hindi ko alam kung anong oras ako nakatulog kagabi pero sigurado akong malapit na iyon sa hatinggabi. Akala ko ay malilimutan ko na iyon sa paggising, na lahat-lahat ng naganap ay papawiin lang ng hangin. Pero hindi. Sobrang linaw pa rin sa akin kung gaano kapusok ang nangyari. Umayos ako ng higa habang iniinda ang bigat ng mga braso’t binti ni Rio. Halos nakapalupot na siya sa akin kaya nahihirapan akong gumalaw. Damang dama ko ang init ng balat niya lalo na ang bigat ng hininga niya sa tuktok ng aking ulo. Nang subukan kong iliko ang leeg ko sa direksyon niya, sumalubong ang mabango at matipuno niyang dibdib. Nanginig ako bigla sa kaba nang i-angat ko ang paningin ko at nakitang tulog pa siya. Sa posisyon namin dito sa kama ay para kaming

