The ambiance of this milktea shop is intimidating. Ipinupukol ko na lang ang paningin ko sa labas upang maiwasan ang pagtatama ng aming mga mata. Ang tagal ba naman kasi ni Drea sa cashier. Mag-d-drop lang ng order pero inaabot pa ng lagpas sampung minuto. Ewan ko ba ro’n, mukhang nakikipagkwentuhan pa sa kahera. Kahit sulyapan lamang sila ng tingin, mahahalatang magkakilala talaga sila. “Magkaibigan pala kayo…” Mabilis kong inilipat ang tingin ko kay Jaslo. Kunwari ay wala akong narinig kaya nagmaang-maangan pa ako. “Pardon me?” Mas umayos siya ng upo at kapwa ipinatong ang mga kamay sa mesa. Saglit akong napatitig doon at nakitang may litid pa ng ugat na lumilitaw sa kaniyang braso. S-hit. “Magkakilala pala kayo?” Nagbago ang tanong niya. Tumango-tango ako at ngumiti. “A-ah, oo. Ma

