Maybe I still have the guts to ask more about his life. Pero naisip ko rin na baka sobra-sobra na `yon at mailang na siya. Aware pa naman ako sa limit ko. I just need to take some time to uncover everything. Sa mga sumunod na oras, nanatili lamang ako sa spare room upang magpahinga. Isinara ko ang pinto at wala akong pinapasok. Mabuti na ring hindi ko muna kausapin si Rio dahil sa dami ng iniwan niyang gawain. Hinintay ko na lang na sumapit ang gabi kung kailan na ako nakabawi-bawi ng lakas mula sa lahat ng nangyari. Kinagabihan, matapos kong maligo at magbihis ng basic white tee at comfortable pants, saka na ako lumabas upang hanapin si Alea. Abala lahat ng mga katulong sa kani-kanilang mga trabaho at lumapit ako sa isa sa kanila upang magtanong. Anila, nasa labas daw si Alea para

