Para akong binunutan ng malaking tinik sa lalamunan nang malakas na tumunog ang kampana. Sabay-sabay na nabaling ang atensyon ng lahat sa simbahan hanggang sa unti-unti na silang nagpaalam upang maglakad na at pumasok. Nakahinga ako nang maluwag. Laking pasasalamat ko dahil wala talaga akong maisasagot na matino kung pipilitin ko pa ang sarili.
“Anong kabobohan `yon, Raphia? Simple lang ang tanong pero `di mo masagot-sagot nang mabilis!” paasik na bulong sa akin ni Lola nang magsimula na kaming maglakad papasok ng simbahan. Nakapagitna pa rin siya sa’min ni Papa habang hawak-hawak ang de-tupi niyang pamaypay.
I ignored her the way I ignore her wrath every day.
“Sa susunod, kapag alam mong tinatanong ka nang maayos, sagutin mo nang mabilis at walang pang-aalangan. Paano ka mananalo niyan kung tatanga-tanga ka?”
“Ma, tama na `yan. Baka may makarinig pa sa'yo,” singit ni Papa.
“Ang hirap palagpasin nitong anak mo. Paano kung uulitin na naman niya mamaya? Diyos kong mahabagin. Mahihimatay yata ako sa galit ko rito.”
“Hayaan mo na, babawi na lang `yan mamaya.”
With what Papa has said, I don’t think I can do it. Bumawi? Ni hindi ko nga alam kung anong mga sasabihin ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko i-e-express ang kasinungalingan ko. Heaven knows how I hate being involved in that election, ito pa kayang magsalita ng kung ano-ano bilang pangako sa mga kabataan sakaling ma-elect man ako bilang chairman o president?
Manalo o matalo, ang punto ko ay ayaw ko dumaan sa proseso. I hate uttering words that in the end, I couldn’t fulfill. I hate making promises when in the first place, I refuse to win. Ibigay na ang puwesto sa mga nais tumakbo, mas gugustuhin ko pang matalo kaysa humawak ng posisyong hindi ko sigurado kung mabibigyan ba ng hustisya.
Nang humakbang na kami sa main entrance, sabay na nag-sign of the cross sina Lola at Papa. And as usual, iyong mga tao ay hanggang tingin na lang muna bilang respeto sa magsisimulang seremonya. Dire-diretso kaming naglakad sa aisle kaya mas lalong umagaw ng atensyon. Natanto ko na lang na sa pinakaharap kami uupo kung saan bakante at tila nilaan para sa kagalang-galangang alkalde.
Pagkaupo, doon na nagsimulang umahon ang kaba sa puso ko. Hindi dahil sa negatibong dahilan kundi dahil sa nag-aambang pagsimula ng seremonya. Tumulala ako sa altar habang sina lola ay nakikipagbatian sa mga nasa likod namin. Walang kahit na sinong makikita roon kundi mga santo at ilang mga equipments na gagamitin sa misa.
Nasa pinakaharap kami— isang bagay na hindi nangyari noong isang linggo. Last week kasi, nasa gitna pa kami noon. I don’t know kung strategy na naman ba `yon para mas maging involved sila Papa sa mga tao, basta ang tanda ko ay taliwas talaga akong sumama noon.
Pero ngayon… ngayong may dahilan na ako’t magandang rason, wirdo man kung isipin ay ito na lang talaga ang pinanghahawakan ko. Kundi dahil sa kaniya, tiyak na wala akong kagana-gana ngayon. I can’t really seem to find any motivation… unless if it’s him.
Mayamaya pa’y may pumuwesto na sa harapan upang sabihin na magsitayo na ang lahat para sa entrance procession. Nagsimula na ring kumanta ang choir at marami sa mga narito sa harap ay napalingon sa likod. Sa puntong ito, nang ibaling ko sa main entrance ang aking tingin, tila bumagal ang pag-ikot ng mundo ko. Napatulala ako dahil mga grupo ng sakristan ang nasa unahan… at nangunguna roon si Jaslo na sobrang angelic sa suot niyang sutana.
Dala niya ang may kataasang pole kung saan ang itaas na parte ay makikitaan ng krus. He has a stoic face, malamig ang mga mata at seryosong seryoso. Ganoon din ang mga sakristan sa likod niya na ang iba ay may dalang insenso at maliliit pero maiingay na kampana. They all look so decent at animo’y hindi kailanman nakagawa ng masama.
Alam ko naman na walang perpekto sa mundong ito. At gaya namin, itong mga church servants ay nagkakamali din. But am I blinded enough to think that they are so angelic, pure, and innocent? Lalong lalo na si Jaslo Viendijo! Ang gwapo-gwapo!
Sa lalong paglakad nila at paglapit sa altar, pansin kong hindi man lang siya lumilingon o napapatingin sa kahit na sino. Hanggang sa makalagpas na siya sa amin at pumwesto na sa altar. Hindi man nagtama ang aming mga mata, walang wala pa rin iyon sa ganda ng pakiramdam na naidudulot niya. I am so obsessed with him. Walang makapapantay sa kagwapuhan niya kahit mga sikat at kilalang artista.
Hindi ko namalayang nakarating na rin pala ang pari dito sa harapan. May kung ano silang ginawa bilang paghanay sa kani-kanilang mga puwesto hanggang sa matapos ang tugtugin ng choir at saka may nagsalita. Pero wala akong naiintindihan dahil masyadong lunod ang atensyon ko kay Jaslo. He’s just standing their quietly, waiting for his next turn as they finish the opening rites of this ceremony.
Nang maabisuhan na ang lahat na umupo, saka pa lang nawala sa paningin ko ang mga sakristan. Pumasok sila sa pintong nasa gilid at iilang church servants na lang ang natitira roon. It was then that I began to feel sleepy. Pero nilabanan ko na lang dahil nasa harapan kami at kitang kita kung nakikinig ba kami nang mabuti o hindi.
**
Dalawang oras ang inabot bago natapos ang misa. As usual, kahit pinipilit ko lang makinig at i-grasp ang banal na mensahe, masasabi kong busog pa rin ako mula sa paninitig ko sa hinahangaan kong sakristan. Panira lang talaga ng mood si Lola dahil lihim niya akong kinukurot kapag humihikab. Eh sa inaantok ako e, anong magagawa ko?
As usual, nang matapos na ang ceremony, heto na’t nagpabango na naman si Papa. Hanggang sa paglabas namin, buong ingay kaming dinaluhan ng mga tao upang bumati sa nag-iisang alkalde. Ito namang si Papa ay todo kaway at ngiti sa mga nasasakupan niya. It’s as if ang laki-laki ng naitulong nito sa masa kaya siya napapansin nang ganito.
Despite the fact na may nagawa siya, deep in my heart, ako ang nakokonsensya para sa kaniya. My mother once told me that the island deserves more; na may ilalago pa ang lugar kung tama ang distribusyon ng mga pondo sa projects na ipinapatupad nito. Kung may makikita man daw ang mga tao, partikular na sa imprastraktura, mga tinipid lang daw iyon at hindi naman sagad sa buto ang tibay. Wala akong ideya kung paano ang proseso ngunit kahit sabihin pang ten percent lang ang nakakamkam sa pondo para sa mga nasasakupan… ang korapsyon ay mananatiling korapsyon.
And one time, I heard Papa’s conversation when someone visited the house. Hindi ko alam kung pulitiko rin ba o sadyang kaibigan niya lang. Nasa kusina ako noon, kumakain, at hindi naman kalayuan ang sala sa lugar kung nasaan ako. Narinig ko na hindi na raw niya kailangan pang alalahanin kung paano niya babayaran ang mga utang niya sa casino dahil may pinagkukuhanan naman daw siya.
Siyempre nagulat ako. Nawindang ako na sumusugal pala siya. Kapag umaalis siya ng bahay, ang akala ko lang ay sa munisipyo ang tungo niya o kung saan mang conference. Ngunit dahil hindi nga niya ako pinapansin dahil sa nangyari noon sa mall, wala akong choice kundi manahimik, mahiya, at hindi rin siya kibuin. Matanda na siya at alam na niya ang ginagawa niya. If he’s aware of all the consequences, ginusto pa rin niyang gumawa ng mali.
Habang hindi pa rin tumitigil ang mga tao sa paglapit sa amin, nag-isip na agad ako ng paraan upang lumayo rito at hanapin si Jaslo. Paraan ko na rin ito upang makaiwas sa kung sino mang magtatanong sa akin. Mahirap pero kung gugustuhin, may paraan.
“Lola, puwedeng humiwalay muna ako? May kakausapin lang akong… kaibigan.”
Mula sa pakikipagngitian sa mga taong nakapalibot sa amin, thankful ako na narinig niya ang boses ko. Bumaling siya sa akin nang may pekeng ngiti.
“Sinong kaibigan, hija?” tanong niya sabay paypay sa sarili. Ngumiwi ako.
“Uh… si Drea po,” pagsisinungaling ko kaya napakurap-kurap ako. “Kapartido ko po siya sa SK elections.”
“Nasaan?”
“Nakalayo na po kaya kailangan kong habulin.”
“O sige, balik ka na lang agad. Hihintayin ka namin dito ng Papa mo.”
I nodded before I decided to face the opposite direction. Naglakad na ako nang panay usal ng excuse dahil dikit-dikit ang mga nakaharang. Iyong iba ay nakahanda na ang camera para makapagpa-picture.
Hindi ko inalintana ang hirap hanggang sa makawala na ako sa crowd. Labis ang habol ko sa paghinga ko at naglakad pabalik sa loob ng simbahan. May iilang mga naiwan; tahimik, nakaluhod, at taimtim na umuusal ng dasal. Nang tingnan ko ang altar, may nakita akong isang sakristan doon na nagliligpit at naglilinis ng equipment. Hindi man iyon si Jaslo pero naglakas-loob na akong lumapit upang magtanong sa kaniya.
Nang marating ko ang dulo ng aisle, huminto ako at nagpapansin sa tahimik na sakristan. Ngumiti lang ako at kumaway. Hindi ko magawang magsalita o kahit bumulong dahil paniguradong aalingawngaw ito sa buong simbahan. Nakakahiyang gumawa ng ingay.
Mas lalo ko pang inilawak ang ngiti ko nang sa wakas ay bumaling na ito sa akin. I am sure na may koneksyon siya kay Jaslo dahil pare-parehas lang naman silang sakristan. I can say na may kagwapuhan din naman ito. Simple, innocent-looking, at disente sa barber cut nitong buhok.
Sumenyas ako na lumapit siya sa akin. Tumango siya at iniwan muna ang ginagawa, saka lumapit.
“Bakit, miss?”
I cleared my throat before speaking. “Bago ang lahat, ako nga pala si Raphia.”
“Raphia Alcaras, `yong anak ni Mayor?”
“Uhm… oo.”
“I see, anong maitutulong ko?”
Huminga ako nang malalim upang humugot ng lakas. Oh God, this is it. Sana’y pagbigyan niya ang request ko.
“Alam mo kung nasaan si… J-jaslo Viendijo?”
Tumango-tango siya. “Nasa kumbento siya ngayon. Kakausapin mo?”
“Oo sana… may sasabihin lang ako. Okay lang kung magpahatid ako sa`yo kung nasaan man siya?”
“Oo naman, walang problema,” aniya na mas ikinaaliwalas ng ekspresyon ko. Lalo akong na-excite sa pag-asa na mas makikilala pa namin ang isa’t isa.
Goodness. Sana nga ay makapaglaan siya ng kahit ilang minuto lang para kausapin ako. Matagal rin kasi akong naghintay bago mangyari ito.
Pinaghintay muna ako ng sakristan upang tapusin ang naudlot na gawain. Saglit lang iyon dahil kaagad naman siyang bumalik at inanyaya na akong maglakad patungo sa isang pinto sa gilid ng simbahan. Iba ito sa main entrance. Mukhang ito nga ang daan na magdadala sa amin sa kumbento.
“Oo nga pala, ako si Matthew,” pagpapakilala niya sa gitna ng aming paglalakad. “Tatlong taon na akong sakristan dito.”
“Oh, matagal-tagal na pala…”
“Naku, kung patagalan ang usapan, `di hamak na mas matagal si Jaslo. Mag-a-anim na taon na `yata iyon e.”
Namangha ako roon. Grabe, nakayanan niya ang anim na taon na iyon?
Pero sino ba ako para magulat para roon? Kung nagtagal nga siya rito, ibig lang sabihin ay ganoon talaga siya ka-passionate sa ginagawa niya. Masasabing malakas ang pananampalataya at na-e-enjoy ang pagiging servant.
Napaisip tuloy ako kung naisip na ba niyang sumuko.
Ilang hakbang at liko pa ang tinahak namin hanggang sa marating na namin ang sinasabing kumbento. Naningkit ang mga mata ko sa ganda ng mga halaman sa paligid, partikular na sa exterior design na mapaghahalataang matagal na mula nang itayo. I can feel the vibes of spanish era. Tahimik sa parteng ito at malayo sa ingay na nagmumula sa gawing kalsada.
My heart skipped a bit when Matthew told me to stay beside this huge door. Nang pumasok na siya upang tawagin si Jaslo para sa akin, napatitig lang ako sa pinto at tinitigan ang mumunting detalye nito. Kulay kayumanggi iyon at gawa sa mamahaling kahoy. Walang karatula pero nasisiguro kong ito ang quarters ng mga sakristan. Goodness. Nablangko na lang ako bigla. Paano ko nga ulit sisimulan ang usapan kapag kaharap ko na siya?
Should I tell him my name first? O kumustahin muna at tanungin kung kumain na ba siya? Wala na akong pakialam kung mainip na sila Lola at Papa kahihintay sa’kin. This is my great opportunity to unwind and refresh kaya kahit pagalitan, mas nanaisin ko na ito.
As I wait here, nakarinig na ako ng footsteps mula sa loob. Dahil dito’y pasimple akong lumapit at sumilip sa gilid ng pinto. Kahit na may kutob akong siya na ito, ang makita siyang naglalakad patungo sa akin ay higit pa sa langit na natagpuan ko. Gumaan ang pakiramdam ko hanggang sa magtama ang aming mga mata at tingnan ako sa paraang hindi ko kailanman makakalimutan.