The next few minutes, I was just literally speechless. Bumalik lamang ako sa loob ng kotse habang hinihintay silang dalawa sa pagkukumpuni ng makina ng kotse. Hindi ko inakala na ganitong rebelasyon pala ang mahihinuha ko para lang matukoy kung bakit pamilyar sa akin ang mukha ni Kairo. Ito pala ay dahil silang dalawa ni Jaslo ang magkamukha! Kung iisipin ko nang mabuti, kuhang kuha ni Jaslo ang ngiti nito, ang itsura kapag naka-side view, at lalo na kung titingin nang mata sa mata sa akin. Kairo has really got this certain type of features na kay daling maikumpara sa kaniyang anak. Saka halata naman kasing hindi mag-ama biologically sina Kuya Jaguar at Jaslo. Halatang may lahi ito na tila pang-latino, isang bagay na hindi ko magawang maaninag sa panlabas na kaanyuan ni Jaslo. Pero alam

