Pinuwersa kong ngumiti para lang `di niya maramdaman na nailang ako sa sinabi niya. `Cause him bragging that I am a mayor’s daughter makes me feel uncomfortable. “Paano mo naman nasabi `yan? Puwede namang makipagkaibigan kahit anak ako ng mayor, `di ba?” sambit ko. Ilang segundo ang ginamit niya upang titigan pa ako at pag-aralan. Talaga bang seryoso siya sa mga sinabi niya? “Sa bagay…” Humugot ako ng malalim na hininga. Muli akong sumulyap sa kumbento ngunit kaagad ding bumaling sa kaniya. “Nasa loob ba si Jaslo?” “Wala eh. Umalis siya kanina pero `di naman sinabi kung saan pupunta.” “Okay, mga anong oras siya babalik?” Muli siyang nagkibit-balikat, senyales na hindi pa rin niya alam kung anong isasagot. “Hindi ko alam eh. Hintayin mo na lang siguro sa gawing

