❀⊱Mary's POV⊰❀ Isang linggong mahigit na akong nandito sa Pangasinan, sa tahimik na lugar namin upang makapag-isip ako ng maayos na walang mga kaibigang mangungulit muna sa akin. At least ang hangin dito ay sariwa, may halong amoy ng bagong ani na palay at saka ng dagat na malapit lang para makatulong sa aking payapang pagmumuni-muni. Pero sa kabila ng kapayapaan na ito, parang may unos na nagwawala sa dibdib ko. Ilang araw ko na kasing napapansin ang pagkahilo ko, na parang lumulutang ang mundo ko sa tuwing tatayo ako ng biglaan, o kaya ay kapag naaamoy ko ang usok ng niluluto ni Nanang mula sa kusina, tapos parang masusuka na ako. Tapos, mahigit isang buwan na akong hindi dinadatnan ng buwanang dalaw ko. "Oh God, what if..." Bulong ko sa sarili ko, habang nakaupo sa gilid ng kama, haw

