┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈ Halos hindi nakatulog si Mary, her eyes heavy with the weight of unshed tears. Ramdam niya ang sakit sa puso niya... sakit na dulot ng pag-ibig na inakala niya na totoong pagmamahal. Akala niya naging matalino na siya. Akala niya ay hindi siya masasaktan ni Trenz, pero nagkamali siya. Maling-mali siya ng naging desisyon. Sana hindi agad siya naniwala na may tao nga na seseryoso sa kanya, lalo na at isa itong katulad ni Trenz na sobrang gwapo, sobrang yaman at kinatatakutan ng marami. Ito ang dahilan kung bakit ayaw niyang magpakatanga sa pag-ibig... dahil naniniwala siya sa mga sinasabi ng mga babaeng lumalait sa kanya na walang magseseryoso sa kanya dahil sa katabaan niya. They called her names behind her back, whispers that echoed like cruel echoes in her mind. Bata pa

