┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Sigurado ka ba na hindi natin kailangang magtungo ng Japan para harapin ’yung singkit na ’yon?" Tanong ni Chadwick habang inaayos ang relo niya, parang hindi mapakali at panay ang tingin niya sa paligid.
Umiling agad si Trenz, pero hindi siya nililingon. Napatingin lang siya sa isang sulok ng mall ng may marinig silang hagikgikan, kung saan may grupo ng mga babae na halatang nagpapansin at medyo kinakawayan pa sila. Halos sabay ang pagtili ng mga ito nang ngumisi si Cairo at kinindatan pa sila, sapat na para magtilian ang mga kababaihan.
Napapailing na lang si Trenz at siniko niya ang kanyang matalik na kaibigan. Tumawa naman si Cairo at muling nilingon ang mga babae at saka muli siyang kumaway, at pagkatapos ay nag-flying kiss pa siya kaya lalong nagtilian ang mga babae.
"Wala ka talagang kupas. Kakaiba ka pagdating sa kamanyakan mo." Mahinang sabi ni Trenz, natawa namang bigla si Cairo, pero hindi siya sumagot. Pero napalingon sila ng may marinig silang seryosong boses sa kanilang likuran.
"Feelingero ka rin, ano? Akala mo naman ikaw ang pinagkakaguluhan, pero ang totoo, 'yang mga kasama mo, lalo na ang pinuno natin." Pakli ni Kani sa mahinang boses habang naglalakad papalapit sa kanila. May halong biro ang tono, pero may diin din na parang sinasadya niyang sirain ang moment ni Cairo.
Hindi naman sumagot si Cairo. Tumawa lang ito, tapos nagpatuloy sa paglalakad. Halatang hindi niya gustong palakihin kung ano man ang sinabing pang-aasar sa kanya ni Kani.
"Sige lang, pangalawang taon na ito na hindi ninyo ako pinapansin kapag birthday ko. Malapit na akong magtampo, at malapit ko ng butasin ang bituka mo Cairo." Sabi ni Kani, nakataas ang kilay at siniko pa si Cairo.
"Huwag mong sabihin, Cairo na naglalaway ka na sa akin kaya kunwari ay hindi mo ako pinapansin, pero ang totoo, gandang-ganda ka sa akin." Pang-aasar pa ni Kani para lang mapakibo niya ang kanilang kaibigan.
Bigla namang napaubo si Cairo, halos mabulunan sa sariling laway. Natawa siya ng malakas, tipong gusto niyang ipakita na hindi siya apektado, pero inis na inis siya kay Kani. May ilang tao sa mall na napalingon, pero agad ding umiwas ng tingin nang mahagip ang presensya nila. Masyado kasing intimidating ang dating nila.
"Kany, inaasar mo na naman si Cairo. Baka mamaya niyan maniwala na ako na..." Hindi na natapos ni Gerchelle ang sasabihin dahil mabilis itong pinutol ni Cairo, medyo matalim ang tingin kaya natatawa na si Trenz.
"Subukan mong ituloy ang sasabihin mo Gerchelle at sisiguraduhin ko sa'yo na mababawasan ang ngipin mo sa harapan." Pagbibiro nito kaya tawa ng tawa si Gerchelle.
Napangisi si Kani, parang mas natuwa pa na nati-trigger niya ang inis ni Cairo. Pagkatapos ay bigla niyang inakbayan si Cairo at saka ito nagsalita.
"Para lang kaming magkapatid ni Cairo. Siya ang kuya, ako ang bunso." May kalakasan ang pagkakasabi niya, parang sinasadya talagang iparinig sa mga taong nakakasabay at nakakasalubong nila, lalo na sa mga magagandang chicks sa paligid.
Agad naman inalis ni Cairo ang kamay nito, inis na bahagyang tinabig habang busangot ang pagmumukha nito. Natatawa lang ang mga kasama nila sa asaran ng dalawa.
"Tigilan mo ako Kani. Baka ibig mong sabihin... ikaw ang ate at ako ang bunso. Ilublob kita sa inidoro, makita mo!" Wika nito kaya ang lakas ng tawa ni Kani. Gustong-gusto niya kapag inaasar niya ang mga kaibigan niya. Lahat naman sila ay nakaranas ng pang-aasar mula kay Kani.
"Tumigil na kayo, baka magkapikunan kayong dalawa." Sabi ni Trenz. Nakinig naman ang dalawa, tumigil sa pang-aasar si Kani at tumahimik na ito.
Trenz walked into a high-end restaurant, the kind of place where the lights were warm, the air carried the scent of fine dishes, and every corner whispered luxury. Dito sila magse-celebrate ng birthday ni Kani. Year after year, ito lang talaga ang gusto ni Kani tuwing dumarating ang espesyal niyang araw. Hindi siya mahilig sa engrandeng parties, walang hilig sa bonggang sorpresa o malalaking gatherings. She hated the noise and the pressure of too much attention.
For her, ang simpleng dinner in a place like this was enough, lalo na at elegant pa ang pinipili ni Trenz... tahimik, at may kasamang mga taong pinakamahalaga sa kanya. Walang fireworks, walang malalaking speeches, just laughter over good food and the comfort of familiar faces.
"Ang bango talaga ng fresh bread nila." Sabi ni Dustin at suminghot pa itong muli at napangiti. Mas lalo tuloy siyang nakaramdam ng gutom.
"I can already imagine their steak, tossed in butter, cooked medium-well, and melting in your mouth. Hmm... it’s making me hungry." Mahinang sabi naman ni Chase. Natawa ng mahina ang kasama nilang tatlong babaeng assassin na sina Gerchelle, Alice at Kani. Tinignan pa nila si Chase at si Dustin at saka ulit sila natawa.
Pagkaupo nila sa naka-reserba nilang table ay ilang saglit pa ang hinintay nila at nagdatingan na ang mga kasama pa nila... ang lahat ng bumubuo ng The Gray Hound organization.
Isa-isa na ring naglalapitan ang mga waiter na kukuha ng kanilang mga order, at makalipas lang ng ilang minuto ay naka-order na rin silang lahat.
"Small world." Boses ni Thomas, kasama nito ang kanyang asawa na si Agatha, si Chadwick at si Lexus Argonza, ang kuya ni Agatha sa ama.
"Yeah, small world. Sa dami talaga ng lugar, dito ko pa nakita ang ayaw kong makita." Mahinang bulong ni Kani. Pero kahit na mahina lang ang pagkakabulong niya, rinig na rinig naman nila ito.
"Sino ang tinutukoy mo na ayaw mong makita? Ako ba? bakit, gusto rin ba kitang makita?" Inis agad na tanong ni Chadwick, dahil pakiramdam niya ay siya ang tinutukoy ng assassin ni Trenz.
"Kung sino ang unang pumutak, siguro siya na 'yon." Sagot ni Kani kaya napasapo ng palad si Trenz sa kanyang mukha at sinaway na ang kanyang assassin. Pagkatapos ay hinarap na niya si Thomas at ang asawa nito.
"Good evening, Mr. and Mrs. Johnson. We’re here to celebrate Kani’s birthday tonight. Please, come join us, ikatutuwa naming lahat if you said yes." Sabi ni Trenz. Napakamot naman ng kilay si Thomas at ngumiti, saka ito napailing.
"I'm so sorry, but..." Agatha cut him off.
"Sure, nandito lang din naman kami para kumain, so why not? Thank you Mr. Jones." Pakli ni Agatha kaya napalingon sa kanya si Thomas, pagkatapos ay muli itong napakamot ng kanyang kilay at nagkibit balikat na lamang.
"Okay. Asawa ko ang masusunod." Sabi ni Thomas kaya natawa na si Lexus.
"Sabi ko sa'yo bro. Takot ka talaga sa asawa mo. Wika nito habang hinihila ang upuan. Natawa naman si Thomas habang inaalalayan na niyang maupo si Agatha.
"Happy birthday. Kung alam ko lang na may dadatnan kaming selebrasyon dito, sana nakapaghanda ako kahit na maliit na regalo." Wika ni Agatha. Isang malaking ngiti naman ang gumuhit sa mga labi ni Kani.
"No need. Simple lang naman ang gusto ko sa tuwing sasapit ang aking kaarawan. Simpleng salo-salo." Nakangiti niyang sabi.
"Natural, baka wala kang pambayad ng engrandeng party." Mahinang sabi ni Chadwick. Inis ito mula pa ng dumating sila sa restaurant at narinig ang sinabi ni Kani.
"Chad, enough." Mahinang sabi ni Thomas. Hindi na kumibo pa si Chadwick, pero ramdam nila ang inis nito.
Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na ang maraming pagkain sa ibabaw ng table. Lahat ay enjoy na enjoy sa masasarap na pagkaing nakahain. At hindi nagtagal, isang malaking cake ang dumating kaya nagulat silang lahat. Maging si Kani ay nagulat kaya tinignan niya si Trenz.
"Don't look at me. Hindi ako ang bumili niyan." Sabi nito. Napatingin naman si Kani kay Cairo, pero tumawa ito ng may kalakasan dahil hindi daw siya mag-aaksaya ng kahit na piso pambili ng cake para sa kanya, kaya sa inis niya ay binato niya ito ng carrots na kinuha niya sa vegetable salad. Tawa tuloy sila ng tawa, pagkatapos ay napatingin sila kay Thomas at Agatha, pero maging sila ay mabilis na tumanggi. Wala daw silang alam kaya nagkibit balikat na lamang si Kani.
"Baka alam ng may ari ng restaurant na birthday mo, kaya may free kang malaking cake." Sabi ni Alice.
"Baka nga. Ang bango, at hindi mumurahin ang cake." Sabi ni Kani. Kinuha naman ni Trenz ang kanyang lighter at sinindihan ang nag-iisang kandila na nakatulos sa gitna ng bilog na cake.
Sabay-sabay silang kumanta ng happy birthday, maliban lang kay Chadwick na busy lang sa kung sino ang kausap nito sa phone. Pagkatapos ay saka lang siya tumigil ng tapos na silang magkantahan.
"We have to go. Ihahatid ko pa ang asawa ko. Kailangan kong makipagkita kay Marcus, may mahalaga kaming pag-uusapan. Sorry, hindi na namin matitikman pa ang cake, kailangan na talaga naming umalis." Sabi ni Thomas. Tumango naman si Trenz at inilahad ang kamay niya kay Thomas. Pero sa halip na abutin ito ni Thomas, isang bro hug ang ibinigay niya sa pinuno ng Gray hound.
"Thank you bro sa masarap na dinner. Enjoy lang kayo." Mahinang sabi ni Thomas. Nagpasalamat din sila Lexus at Chadwick at saka sila nagtayuan upang umalis na. Pero bago tuluyang maglakad si Chadwick ay napahinto ito at nilingon si Kani.
"Enjoy your cake. I guess magugustuhan ninyo 'yang strawberry cake. Happy birthday Kani." Wika ni Chadwick na ikinagulat ng lahat, at maging si Kani ay nagulat, pero agad na nagtaas ng isang kilay.
"Sabi ko na, may pagnanasa ka sa akin." Sabat agad nito kaya muntikan ng mabilaukan sina Cairo at tuluyan na silang natawa.
"Baliw. naaawa lang ako sa'yo dahil wala kang cake. Huwag mong bigyan 'yan ng kahulugan. Napipikon ako sa'yong babae ka." Inis na inis na sabi ni Chadwick, pero agad siyang hinila ni lexus palabas ng restaurant. Tawa sila ng tawa dahil talagang napikon si Chadwick.
"Utang mo 'yan, bayaran mo 'yan sa akin bukas." Inis na inis na sabi pa muli nito. Natawa na ng tuluyan sila Trenz at saka hinarap si Kani.
"Ibinili ka na, inasar mo pa. Buti hindi naglabas ng baril." Natatawang sabi ni Trenz.
"Masanay sila sa akin. Mahilig talaga akong mang-asar. pero masarap ang cake. Akalain mo, nagawa pa niyang umorder online para lang mabigyan ako ng cake. Baka nalaglag ang brief sa sobrang ganda ko." Makalokohang sabi ni Kani kaya muli silang nagkatawanan.
"Kung ako kay Chadwick, hindi ako mag-aaksaya kahit na singkong duling sa'yo. Baka nga naawa, kasi wala kang cake." Mapang-asar na sabi niEllijah. Muli silang nagkatawanan habang si Trenz ay napapailing na lamang ng kanyang ulo.
"Happy birthday!" Malakas na pagbati ni Trenz at ng kanyang mga kaibigan, at maging ang mga kumakain sa restaurant na 'yon ay bumabati ng magandang kaarawan kay Kani kahit hindi naman sila kilala ng mga ito.
Makalipas pa ng kulang isang oras ay naghiwa-hiwalay na din sila. Si Trenz ay kasama si Cairo at dumiretso na sila sa kanyang mansyon.
Tahimik lang si Trenz na dumiretso ng kanyang mini bar sa unang palapag. Kasunod lang niya si Cairo, tahimik at nakikiramdam lang. Alam niya na malalim ang iniisip ni Trenz, alam niya na kung ano man ito ay may kaugnayan sa nakaraan nito.
"Iinom ka na naman?" Boses ni Cairo. Seryoso at titig na titig kay Trenz. Natawa ng mahina si Trenz at naupo lang ito sa bar stool.
"Iniisip mo na naman ba? Nakausap mo na ba si Mariella? Don't tell me na iniiwasan mo na naman siya? Maayos ba ang kalagayan ni Mariella?" Sunod-sunod na tanong ni Cairo. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Trenz.
"Kakausapin ko rin siya, pero maayos ang kalagayan ni Mariella kaya wala kang dapat na alalahanin." Sagot niya. Natahimik saglit si Cairo at tumabi ito sa kanyang pinuno. Kinuha niya ang bote ng alak na hawak nito at saka niya sinalinan ang dalawang baso.
"Are you really planning to keep your sisters in the dark about her forever? How long do you think you can carry that secret on your own? Don’t you think it’s finally time to sit them down, look them in the eye, and tell them the truth you’ve been hiding all this time?" Wika ni Cairo. Umiling naman agad si Trenz, dahil sa ngayon, wala siyang balak na sabihin kahit na kanino ang tungkol sa kanyang nakaraan.
"Para saan pa? So they can point out kung gaano ako kasamang tao? No, bro. Mas mabuti pa na tayong dalawa lang ang nakakaalam ng lahat tungkol sa nakaraan ko. Hindi naman nila kailangan pang malaman ang tungkol sa nangyari sa aking nakaraan.
Hayaan mo na lang na kainin ako ng konsensya ko araw-araw sa tuwing bumabalik sa isip ko ang mga pagkakamali ko nuon. That’s my punishment, and I’ll live with it. Just let me be, bro... one day, darating din siguro ang oras na magiging manhid na ako sa sakit, na baka sakaling makalimutan ko rin kahit papaano lahat ng nangyari sa nakaraan ko. But until then... let me carry it on my own." Sagot sa kanya ni Trenz.
"Hindi mo naman ginusto ang nangyari kaya wala kang..." Trenz cut him off.
"Hindi ko ginusto? Ako mismo ang nag-udyok sa kanya na gawin 'yon. Ako mismo. Sa bibig ko nanggaling!" May galit na sabi niya. Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Cairo at saka tinapik niya sa balikat ang kaniyang kaibigan.
"Okay, fine. Have it your way."