Chapter 8 -Relax lang Trenz-

2131 Words
❀⊱Mary's POV⊰❀ Nasaan na ba si Celestina? Kanina pa ako dito sa harapan ng hotel ng kuya niya, pero hanggang ngayon, wala pa rin siyang paramdam. Ang usapan namin ay dito raw kami magkikita... dito mismo sa harap ng hotel entrance. Pero siya ang wala. Madadaganan ko talaga ang babaeng 'yon. Ang sarap niyang sabunutan. Dalawang linggo siyang nawala at nagpaka-busy sa England, tapos pagbalik niya, ako agad ang tinawagan niya at pinapapunta niya ako dito dahil mamamasyal daw kami, pero nasaan ang bruhang 'yon? Nakakaloka na nakakainis! Sinilip ko ang phone ko, nag-check ng messages, wala. Wala ring missed calls. Nag-aalangan naman ako kung itetext ko ba siya ulit o hahayaan ko na lang muna. Baka na-traffic? O baka may emergency? Ewan, hindi ko alam. Humugot ako ng malalim na paghinga at saka ko napagdesisyunan na tawagan si Celestina, pero wala pa rin... hindi pa rin sinasagot ng bruhang 'yon ang tawag ko. "Masasabunutan talaga kita!" Inis kong sabi. Sabay padyak ko ng isang paa ko at saka ko pinunasan ang pawis sa noo ko. Ang init-init tapos wala siya dito? Para hindi naman ako magmukhang estatwa sa tapat ng hotel, nagdesisyon akong pumasok na sa loob. Baka sakaling nasa loob na siya at hindi lang kami nagkita. Magtatanong na lang ako doon, marami naman akong kakilala sa loob. Naglakad ako papasok sa loob ng hotel, pero bago pa man ako tuluyang makapasok, napansin ko agad ang tingin sa akin ng guard. Tila ba sinusuri niya ako mula ulo hanggang paa. Yung tingin niya? Parang akala mo may balak akong masama. In fairness, intense ang pagkakatitig sa akin. Medyo natawa tuloy ako sa sarili ko... ano ba ng tingin niya sa akin, Reyna ng mga sindikato? Mukhang bago lang siya dito. Ngayon ko lang kasi siya nakita dito, at halatang hindi rin niya ako kilala. Unlike yung dating guard na palaging nakikipagchikahan pa tuwing dumadaan ako. Pero ang isang ito, kung makatingin akala mo magnanakaw ako ss loob ng gamit. "Good morning, Ma'am!" Bati niya sabay ngiti, na para bang biglang naging friendly mode. Nakakagulat kasi, akala ko haharangin niya ako o sisitahin at tatanungin ako kung saan ako pupunta. Napabuntong-hininga ako ng bahagya at ngumiti rin. "Good morning!" Sagot ko, sabay lakad papasok sa loob. Pero nakikiramdam pa rin ako kung haharangan niya ako para hindi ako makapasok ng tuluyan. Pero wala, nakatingin pa rin siya sa akin ng nilingon ko siya kaya ngumiti ako, pero parang pangisi na 'yung ginawa ko dahil litaw na ang ngipin ko. Jusko, akala ko talaga may action na mangyayari. Akala ko sasabihin niya sa akin na... 'Ma'am, bawal po kayo dito.' Naloka ako sa sarili ko. Ayoko na nga muna mag-isip, hanapin ko na lang si Celestina at baka nasa lobby lang ang bruhang 'yon, o kaya naman ay baka kumakain ng mag-isa, masasabunutan ko talaga siya pag nagkataon. Habang nakaupo ako sa sofa sa waiting area ng lobby, nag-aabang pa rin ako kay Celestina at baka nga nasa paligid lang siya. Ilang beses na akong sumulyap sa phone ko pero wala pa ring reply. Kanina pa ako dito, pero ni anino niya, wala. Medyo nainip na rin ako kaya nagdesisyon akong tumingin-tingin sa paligid kaya naglakad-lakad ako. Baka kasi nandito lang pala siya at hindi lang kami nagkita agad. Pero sa halip na si Celestina ang makita ko... ibang tanawin ang bumungad sa akin. Sa may elevator, nakita ko si Trenz at may kasama siyang babae. Hindi lang basta kasama. Nakaakbay siya rito, at sweet talaga sila. Parang komportableng komportable sila sa isa’t isa. Nag-uusap, nagtatawanan... at oo, sweet na sweet na talagang may halong lambingan. Humahagod pa ang kamay ng babaeng linta na 'yon sa dibdib ni Trenz. Hindi ko alam kung ano ang unang naramdaman ko. Gulat ba? Inis ba? O ‘yung parang may biglang humigit sa dibdib ko at para na akong aatakihin dito sa puso? Hindi ko maintindihan kung bakit ako naapektuhan ng ganito, pero masakit talaga. Ilang beses ko na rin kasi siyang nakikitang may kasamang iba’t ibang babae. Pero ngayon, ewan ko ba, mas ramdam ko yata ang matinding selos ko. Playboy talaga. Lagi na lang may bagong kasama. At kahit sinasabi kong wala akong karapatang magselos, hindi ko mapigilan. Lalo na at ilang beses na rin niyang pinaparamdam sa akin na parang may something sa aming dalawa kahit wala naman talaga siyang sinasabi na kahit na ano sa akin. Katulad ng mga simpleng lambing niya, ‘yung effort niya sa mga bagay na hindi naman niya kailangan gawin. Mga ganuong bagay na ginagawa niya ang nagbibigay sa akin ng karapatang magselos. Hay naku talaga! Naiinis talaga ako. Pakiramdam ko ay napaka espesyal ng babaeng 'yon sa kanya dahil sa nakikita kong ngiti niya. Bakit pakiramdam ko, sa lahat ng babaeng nakita ko na kasama niya... ang isang 'yon ang espesyal? Titig na titig lang ako sa kanila habang naglalakad na sila at hindi man lang ako napapansin. Masyado kasi siyang busy sa kasama niya. Parang sa babaeng 'yon lang umiikot ang mundo niya. Grrr nakakainis talaga! Ang sakit ss puso, nakaiyak. Pero natigilan akong bigla ng marinig ko ang boses ni Celestina. "Mary! Grabe, kanina pa ako naghahanap sa’yo! Nandito ka lang pala. Buti na lang ay itinuro ka sa akin ng guard." Napalingon ako sa kanya. Ngumiti ako nang bahagya, pero hindi ko maitago na medyo wala ako sa mood. Wala naman talaga ako sa mood dahil sa nakikita ko. Napatingin naman si Trenz sa direksyon namin. May konting gulat sa mukha niya nang makita ako, pero mabilis ding nawala. Parang wala lang. Parang hindi niya ramdam na may nakita akong masakit. Hindi siya nagsalita, ni hindi rin bumitaw sa pagkakaakbay niya sa kasama niyang babae. Nakakainis. Kahit wala kaming label, kahit wala siyang obligasyon sa akin... kahit hindi siya nagtatapat ng kahit na ano sa akin... nagseselos pa rin ako. "Celestina." Mahinahong tawag ni Trenz sa kanyang kapatid. "Anong ginagawa ninyo dito sa hotel ko? May importante ba tayong pag-uusapan na nakalimutan ko?" Sabi ni Trenz. Umiling naman agad si Celestina at natawa. Pagkatapos ay humalis siya sa kanyang kuya, pero hindi niya pinansin ang babaeng kasama nito. Tila pa nga inis siya sa kasama ni Trenz. Ang babae namang kasama ni Trenz? Mukhang ayaw bumitaw sa kanya. Para siyang linta. Halos nakadikit pa rin sa kanya, parang sinisigurado na wala ni sinong makakalapit at makakaagaw sa kanya kay Trenz. Tahimik lang ako. Tumingin ako sa ibang direksyon para hindi halatang affected, pero sa loob-loob ko, gusto ko talagang hablutin ang buhok ng babaeng 'yon at kaladkarin siya palabas ng hotel. "Hi Mary, nandito ka pala. Kamusta ka na?" Sabi ni impaktong Trenz. "Heto, maganda pa rin at sèxy." Sagot ko. Narinig ko ang nakakainsultong tawa ng babaeng kasama niya. Tumaas agad ang kilay ko, pero hindi naman ako magawang tignan ng haliparot na babaeng 'yon. "Ay totoo ka bestie. Kahit na medyo malusog ka, sobrang sèxy mo, at ang kagandahan mo ay tinaob ang ibang babae sa paligid na nagmamaganda, buto-buto naman." Pakli ni Celestina. Napataas tuloy ang isang kilay ko. Mukhang hindi talaga niya gusto ang babaeng kasama ng kuya niya. "Excuse me, ako ba ang pinaparinggan mo? Babe, 'yung kapatid mo, pagsabihan mo 'yan." Sabi ng babae. Aray ko! Babe talaga ang endearment nila? Sakit naman, sila na ba? Paano ako? Jusko, ang tagal ko ng hinihintay na marinig mula kay Trenz na sabihin ang magic word na... I love you. Tapos heto at mukhang may nobya na naman ang lalaking ito? Teka, pang-ilan na nga ba ito mula ng makilala ko siya? Hindi ko na yata mabilang pa. Nakakaiyak naman. "Hey, are you okay?" Tanong ni Trenz. Hindi pinansin ang sinabi ng babae, at bahagya pa siyang lumapit sa akin matapos niyang alisin ang pagkaka-akbay niya sa kasama niya. Inalis din niya ang kamay nito sa pagkakapalupot sa braso niya at naglakad palapit sa harapan ko. "Okay ka lang ba? Bakit para kang maiiyak?" Sabi niya, hinaplos pa niya ang pisngi ko. Jusko ang puso ko sasabog na yata. Paano naman ako hindi lalong mababaliw sa lalaking ito, kung lagi siyang ganito sa akin. "Trenz!" Galit na tawag ng babae sa kanya. "Tinatanong kita, okay ka lang ba? May problema ka ba?" Muli niyang tanong. Hindi pinansin ang pagtawag sa kanya ng kasama niya. "O-okay lang ako. May iniisip lang akong utang na tsinelas sa palengke. Wala pa akong pambayad." Sagot ko. Syempre hindi 'yon totoo. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa, pagkatapos ay hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko. Jusko naman, nanginginig na yata ang mga tuhod ko. "Bukas padadalhan kita ng maraming tsinelas para hindi ka na nangungutang." Sabi niya habang natatawa. Tumaas naman ang dalawang kilay ko. Si Celestina naman ay tumatawa na rin, tapos ay inirapan pa niya ang babaeng makulit na humihila na sa braso ni Trenz. "Let’s go, babe. Sabi mo dadalhin mo ako sa isang mamahaling botique. Tara na, iwanan mo na ang mga 'yan." Sabi ng babae. Sabunutan ko kaya ang hitad na ito? "Mary! Whew, buti at inabutan kita!" Bigla akong napalingon. Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Kenzo. Ano ang ginagawa dito ni Kenzo? "Huh? Bakit? May kailangan ka ba? Sino nagsabi sa'yo na nandito ako?" Gulat na gulat kong tanong. Napalingon pa ako kay Trenz na seryoso na ang mukha. "Ako ang nagsabi. Nagkita kami kanina sa kalsada habang traffic. Magkatabi 'yung sasakyan namin, tinanong niya ako kung nasaan ka. Sabi ko magkikita tayo dito sa hotel, kasi may lakad tayong dalawa." Si Celestina ang sumagot. Nagulat naman ako at napatingin kay Kenzo. "Sasamahan ko kayo sa lakad ninyo. Hindi naman ako busy ngayon." Sabi ni Kenzo. Pagkatapos ay napatingin siya kay Trenz at sa babaeng kung makakapit sa braso nito ay parang isang malaking sawa. "Hindi na kailangan. Ako ang kasama nila ngayon sa pamamasyal." Sabi ni Trenz na ikinagulat namin ni Celestina. Maging ang kasama niyang haliparot na babae ay nagulat din. "What?! Nangako ka sa akin na ipapamili mo ako ng mga bagong labas na signature bag and clothes, hindi ba? Sa akin ka sasama at hindi sa kanila." Sabi ng babae. Ang talim pa ng tingin niya sa akin. "Ganuon naman pala. Tara na, sasamahan ko kayong dalawa ni Celestina. Hayaan na lang natin sdi Trenz." Sabi ni Kenzo sabay akbay sa akin. Bigla namang pumagitna sa amin si Trenz kaya nabitawan ako ni Kenzo. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin ko. "Ako ang kasama nila Kenzo, kaya nandito sila sa hotel ko. Let’s go, naghihintay ang sasakyan ko sa labas." Sabi ni Trenz. Hindi naman ako makakibo, maging si Celestina ay nagkibit balikat na lang at naglakad. Si Kenzo naman ay nakasunod lang ng tingin sa amin, pero ilang saglit lang ay humabol din agad ito. "Okay, kasama ako. Sa akin sasakay si Mary at si Celestina. Sports car ang dala mo, kasya lang kayong dalawa ng babaeng kasama mo." Nakangising sabi ni Kenzo at kinuha na niya ang kamay ko at hinila na ako palabas ng hotel. Magkahawak kamay naman kami nj Celestina na tumatakbo na patungo ng exit. Tawa ng tawa si Celestina. "Bye Ma'am. Sana bumalik pa ulit kayo dito." Nakangiting sabi ng guard sa akin. Napakunot noo naman ako habang nakatingin ako sa kanya, pero ngumiti na rin ako. Ngayon ko lang natitigan ang mukha niya. Gwapo pala ang guard na ito. "Gusto mong mawalan ng trabaho? Mainit ang ulo ko, baka masisante kita." Galit na sabi ni Trenz sa guard. Nagulat tuloy ako sa kanya. Pero si Kenzo, parang nang-aasar pa at hinawakan ako sa kamay at iginiya ako papasok sa loob ng sasakyan niya, sa mismong unahan pa na katabi ng driver seat. Si Celestina naman ay sumakay ng kanyang sasakyan, susunod na lang daw sa amin. At ng marinig 'yon ni Trenz, agad niyang binuksan ang passenger seat ng sasakyan ni Kenzo at hinila ako palabas, pero hindi naman marahas. May halong pag iingat ang ginawa niyang paghila sa akin bago pa maikabit ni Kenzo ang seat belt ko. Gulat na gulat kami, at pagkatapos ay binuksan niya ang passenger seat ng sasakyan niya at duon ako pinasakay. Ang kasama niyang babae ay duon niya pinasakay kay Celestina. "Si Celestina ang kasama mo, pero kung kani-kanino ka sumasakay. Diyan ka sa tabi ko." Sabi niya. Inis yata sa akin. Hindi naman ako makapagsalita. Nagulat kasi ako sa nangyari. Pero hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko na lang at ng mapalingon ako sa babaeng kasama ni Trenz, binelatan ko siya at pinaharurot na ni Celestina ang sasakyan niya. Mataba man ako sa kanyang paningin, ako pa rin ang binigyang pansin. Ano siya ngayon?! Natawa na tuloy ako, pero hindi ko nililingon si Trenz.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD