┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Three years ang lumipas na hindi man lamang nagtatapat ng tunay na damdamin si Trenz sa kaibigan ng kanyang kapatid na si Mary. Si Mary naman, habang tumatagal ay mas lalong lumalalim ang pagtingin niya sa kapatid ni Celestina. Gustuhin man niyang balewalain ang nararamdaman niya para kay Trenz, pero hindi niya magawa. Lagi na lamang nandiyan si Trenz sa tuwing nakakasama niya ang kanyang mga kaibigan kaya sa halip na makalimutan niya ito, lalo lamang lumalalim ang damdamin niya para sa binata.
"Suko na yata ako sa kuya mo. Siguro kakalimutan ko na lang siya para naman makapag-hanap na ako ng ipapalit sa kanya. Buti pa si Kenzo, matyaga siyang nanliligaw sa akin, at kahit hindi ko siya sinasagot, hindi naman siya sumusuko. Ang kuya mo, panay lang paramdam, ano ba 'yan... multo ba ang kuya mo? Hindi ko tuloy alam kung gusto ba niya talaga ako o paasa lang. Nakakainis, nagmumukha na akong tanga na umaasa na baka magustuhan niya rin ako. Lagi niyang ipinaparamdam sa akin na nagseselos siya, pero wala naman siyang sinasabi kung gusto ba niya ako, tapos kung kani-kanino pa siya nakikipag-date. Bakit naman ganuon?" Wika ni Mary kay Celestina. Nandito sila ngayon sa resort nila Celestina sa Bataan. Magkakasama sila ngayon dito, si Mary, Amore, Celestina at si Nosgel.
"Ano ba kasi ang problema? Wala naman siyang sinasabi sa'yo na mahal ka niya, so kung ako sa'yo, magwalwal ka na. May mga nanliligaw naman sa'yo kahit na malusog ka. Bakit hindi mo na lang sila pansinin para hayaan mo na lang ang kuya ni Celestina." Sagot ni Amore.
"Honestly, I think Amore has a point. Why limit yourself to just one suitor kung pwede ka namang tumanggap ng maraming manliligaw? Kung wala ka namang nararamdaman na anything special with Kenzo, then give yourself the freedom to explore other options kasi maganda ka bff at nakikita namin 'yon. You deserve to be with someone who makes you feel genuinely wanted hindi 'yung umaasa ka lang diyan sa kuya ko. And as for my kuya, I wouldn’t take him too seriously. I mean... I have seen him with a bunch of different girls, and he doesn’t hesitate to sleep around. So, really, BFF, don’t worry about him at kalimutan mo na siya. Huwag mong aksayahin ang oras at panahon mo sa babaero kong kuya. Mag-enjoy ka lang at huwag mo ng isipin pa ang kuya ko. He’s not worth putting your feelings on hold kaya makinig ka sa akin ha, kalimutan mo na siya." Sabi ni Celestina.
Humugot ng malalim na paghinga si Mary. Tatlong taon siyang naghintay, ganuon katagal siya nagpakatanga dahil inaakala niya na may damdamin sa kanya si Trenz, pero hanggang ngayon, puro lamang kaunting selos ang ipinapakita nito kay Kenzo, pero never namang nagsabi sa kanya ng kahit na anong damdamin.
"Tignan mo ang lalaking 'yon, hindi ba ang gwapo niya? Kanina pa 'yan nakatingin sa'yo. Bakit hindi mo subukang tumanggap ng manliligaw? Ang ganda mo kaya kahit malusog ka. Sexy at higit sa lahat, mabait." Sabi ni Celestina. Napatingin naman si Mary sa grupo ng mga kalalakihan sa kabilang resort, at tama nga ito. Isa sa mga lalaking 'yon ay titig na titig kay Mary. Napangiti tuloy ang dalaga dahil tunay namang gwapo ang lalaking 'yon.
"Kung sabagay. Wala naman kasing sinasabi ang kuya mo sa akin, hindi ko tuloy alam kung aasa ba ako o huwag na lang." Sabi ni Mary kaya natawa ang mga kasama niya.
"Nakita ko ang lalaking 'yan kaninang umaga nag-jo-jogging sa dalampasigan. Gym instructor 'yata 'yan kasi ang dami niyang tinuturuan kanina na mga kabataan. Baka taga rito 'yan." Sabi naman ni Nosgel.
Nagsimulang maglakad ang lalaking gwapo na tinitignan nila papalapit sa kanila kaya nataranta si Mary at biglang ibinaling ang tingin sa ibang direksyon.
"Jusko naman, nakita pa yata niya tayo na nakatingin sa kanya. Nakakahiya, baka isipin niya na pinagpapantasyahan natin siya noh! Kung mayroon man akong pagpapantasyahan dito, si Trenz lang 'yon. Ang kuya mo lang Celestina." Natatarantang sabi ni Mary kaya tawa sila ng tawa.
"Hello. Sorry, I can't help but notice your beautiful face." Sabi ng lalaki. Nakatingin ito kay Mary kaya panay ang panunukso nila sa kaibigan nila.
"And so?" Bigla silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. It was Trenz with Cairo, Ellijah, Trev and Clay. Hindi naman nakakibo ang lalaki at nakatitig lamang ito kay Trenz.
"Nandito pala kayo? Kararating lang namin, mayroon kaming gagawing meeting dito, pero okay lang na mag-stay kayo dito sa resort." Sabi ni Trenz, pagkatapos ay tumingin si Trenz sa lalaking nakatitig sa kanya.
"This is my private property, and you have no right to set foot here without my permission." Sabi ni Trenz. Natahimik naman ang gwapong lalaki, pagkatapos ay tumango at humingi ng despensa. Pagkatapos ay umalis na rin ito.
"Teka lang pogi, ano ang pangalan mo?" Malakas na sabi ni Mary na ikinagulat ni Trenz.
"I'm Ace Zaire Gunner." Sagot ng binata.
"Mary Gandala." Malakas na sigaw ni Mary. Ang laki ng pagkakangiti ng binata at kumaway pa ito habang naglalakad palayo. Nagulat naman si Trenz at masamang tinitigan ang kaibigan ni Celestina. Hindi niya gusto ang nangyari kaya nilingon nito ang lalaking nagpakilalang Ace.
"Sayang noh? May dumating kasing isang malaking bangaw kaya ayun, umalis ang gwapong 'yon. Ang sungit naman kasi, parang may regla lang." Bulong ni Mary, tawa naman ng tawa si Celestina habang nakatingin sa Kuya Trenz niya.
"Why did you do that? Hindi mo naman siya kilala. Paano kung masama siyang tao o may masamang balak?" Inis na sabi ni Trenz, tinaasan naman siya ng kilay ni Mary, pagkatapos ay tumayo ito at saka lumapit kay Trenz.
"Single ako, not in a relationship or anything, and I can sense na mabait naman siyang tao. So, what's the big deal? Wala namang masama kung makipag-usap or makipagkilala, hindi ba?" Sabi ni Mary, tinaasan pa niya ng kilay si Trenz at saka dinuro nito ang gitnang dibdib ng binata.
"Hindi naman kita pinapakialaman when it comes to your dating life, kasi, to be honest... I don’t really care about your personal life, hindi ba? I mean... hindi mo naman ako nanay, I’m not your girlfriend or your wife, so technically, you can do whatever you want, same goes for me. Kaya please lang Trenz, let me live my life the way I want, okay ba 'yon? So, kung may gustong makipagkilala sa akin, hayaan mo sila dahil hindi mo na 'yon problema." Dagdag pa ni Mary. Tuwang-tuwa naman ang kalooban ni Celestina dahil sa sinagot ng kaibigan niya sa kanyang kapatid.
"Woah! Narinig mo ba 'yon, bro!" Pang-aasar ni Cairo sa kanyang best friend. Inis namang humarap si Trenz kay Cairo at saka niya ito siniko sa tagiliran.
"Shut up!" Wika nito. Napipikon dahil sa sinabi ni Mary.
"Really? Nasa property ko kayo, so that means wala siyang right na basta-basta na lang pumunta dito para makipag-usap sa'yo or kahit na kanino sa inyo. Naiintindihan mo ba 'yon?" Sagot ni Trenz, obviously irritated. Kita sa mukha niya na he’s not just annoyed... he’s jealous. His sharp gaze and the way he spoke made it clear na hindi niya nagugustuhan ang idea na may ibang lalaking lumalapit kay Mary.
"Oy, ganun ba? Sige, no problem! Ako na lang ang pupunta sa kanya para makausap ko siya nang maayos, kasi pinalayas siya dito. Mabait naman sana 'yung tao noh! So, technically, wala namang issue kung pumunta ako sa kabilang resort, hindi ba? Since interested naman siyang makipagkwentuhan sa amin, then I might as well be the one to approach him. Fair enough, right?" Sagot ni Mary, tapos tinaasan niya ng kilay si Trenz. Nagulat naman ang binata sa sinabi nito, at sasagot sana siya ng muling magsalita si Mary.
"Okay, Trenz, see yah!" She added, kumindat pa siya at pakendeng-kendeng na nagsisimulang lumakad, obviously enjoying teasing him. Naririnig ni Trenz ang tawanan ng kanyang mga kaibigan, pero kumuyom lang ang kamay nito at tumingin kay Mary.
"Mary Gandala, bumalik ka dito!" Sigaw ni Trenz, ang galit sa mga mata niya ay parang naglalagablab na apoy.
"Bakit, tatay kita?" Malakas na sagot ni Mary, habang nililingon niya si Trenz, may halong pang-aasar sa boses nito. Mas lalo tuloy nagtawanan ang mga kaibigan ni Trenz dahil sa isinagot ni Mary kay Trenz, pero walang pakialam si Trenz sa reaksyon ng mga ito.
"Bumalik ka sabi dito! Ginagalit mo ako!" Galit na sagot ni Trenz, at napatingin pa siya kay Celestina na tahimik lang, nanonood sa nangyayari. Nagtitimpi si Trenz, hindi siya makapaniwala sa ginagawa ni Mary. Umiling-iling siya, sabay hinga nang malalim, pero hindi pa rin siya pinansin ni Mary kaya lalong nag-aalab sa galit ang mga mata ni Trenz.
"Hayaan mo na lang siya, Kuya. Alam naman ni Mary ang ginagawa niya." Sabi ni Celestina, tila gusto na nitong matawa sa kanyang Kuya Trenz.
"Oo nga naman! Gwapo naman 'yung Ace, parang modelo, lalo na 'yung katawan. Yummy!" Sabi ni Amore, kaya naman nagsimula na ring magtawanan ang iba pa nilang kasama.
Hindi naman sila pinapansin ni Trenz, pagkatapos ay nilingon niya si Mary, umaasa na babalik ito, pero patuloy lang ito sa paglalakad patungo sa kabilang private resort.
Trenz’s patience was wearing thin, and the more he watched her walk away, the angrier he got. Pikon na pikon na ito, and he couldn’t understand why she was acting like this. He wasn’t used to being ignored, especially not by someone like Mary.
"Damn it! Mapapahamak ang kaibigan mo sa katigasan ng ulo niyan. Responsibilidad ko kayo habang nandito kayo sa resort ko." Inis na sabi nito, pagkatapos ay mabibilis at malalaki ang mga hakbang nito na pinuntahan si Mary.
Nang makalapit siya kay Mary ay walang kaabog-abog na bigla niya itong binuhat at pinasan sa kanyang balikat. Gulat na gulat naman ang lahat, lalo na si Mary na nakabaligtad sa balikat ni Trenz.
"Ibaba mo ako, Trenz! Ano ba talaga ang problema mo at pinakikilaman mo ang buhay ko? Ibaba mo sabi ako!" Galit na sigaw ni Mary. Inis na inis ito, pero nanlaki ang mga mata niya ng makita niya ang puwitang bahagi ni Trenz habang naglalakad ito.
"Ay wow!" Bulong ni Mary, mahina lang upang hindi ito marinig ni Trenz. Tinakpan pa niya ng kamay ang bibig niya at humagikgik ng palihim habang namimilog ang mga mata na nakatitig sa puwitan ni Trenz, kahit nakabaligtad siya.
"Ugh! Shiiit..." Bulong ni Trenz, ang mga kasama ni Trenz ay tawa ng tawa dahil sa nakikita nilang paglalakad ni Trenz sa buhangin.
"Need mo ba ng tulong?" Malakas na sigaw ni Cairo.
"Hindi! Kaya ko ito. Magaan lang ang babaeng ito para sa akin." Sigaw na sagot ni Trenz, at halos mag-ekis-ekis ang mga paa nito pabalik ng resort nila.
"Ulitin mo pa ito Mary, sinasabi ko sa'yo, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo. Ikukulong kita sa private island ko na wala kang makakasama na kahit na sino at walang way para makaalis ka sa isla. Try me, asarin mo pa ako at mangyayari talaga 'yan sa'yo." Napipikon na bulong ni Trenz, ngunit parang hindi naman siya naririnig ni Mary dahil busy na ito sa kakatitig ng bilugan na machong puwitan ni Trenz.
Pagkarating nila sa kinaroroonan nila Celestina ay ibinaba na ni Trenz ang dalaga at inis niya itong hinarap. Pikon na pikon siya dahil sa katigasan ng ulo nito.
"Mapapahamak ka sa ginagawa mo. Hindi ka nakakatuwa! At kayo, huwag ninyo akong tignan ng ganyan. Nag-aalala lang ako diyan sa kaibigan ninyo dahil nandito kayo sa poder ko kaya responsibilidad ko kayong lahat. At ikaw Celestina, kausapin mo 'yang kaibigan mo at baka mainis ako diyan eh itali ko ang babaeng 'yan sa puno na hitik sa malalaking langgam na pula. Hindi ako nagbibiro, gagawin ko talaga 'yan!" Inis na sabi ni Trenz, pagkatapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad palayo sa mga ito.
"Shiiit, ang sakit ng balikat ko, ang bigat..." Bulong ni Trenz, kaya ang lakas ng pagkakatawa nila Cairo.
"Selos lang 'yan, aminin mo na!" Pang-aasar ni Cairo.
"Gago! Hindi ako nagseselos!" Malakas na tawanan ang maririnig habang papasok na sila sa loob ng malaking rest house.