┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
Malalim ang iniisip ni Trenz habang nakaupo siya sa kanyang swivel chair, tahimik na nakatitig lang sa screen ng kanyang laptop. Kagabi lang sila bumalik ng Manila mula Bataan, pero mula noon, hindi na niya matanggal sa isip ang kung anu-anong bagay na bumabagabag sa kanya. Parang may mabigat sa dibdib niya na hindi niya maipaliwanag.
Humugot ng malalim na paghinga si Trenz, pagkatapos ay sumandal siya sa kanyang swivel chair. He closed his eyes, allowing himself to drift into the silence. But the moment darkness took over his vision, random thoughts began swirling in his mind... memories flooded in, regrets surfaced, and unanswered questions mixed together like a storm he couldn’t escape. Isang masakit na nakaraan at walang katapusan na pilit na bumabalik sa kanyang mga alaala, pilit niyang nilalabanan ang lahat ng ito, pero paulit-ulit siyang hinahatak pabalik ng kanyang masakit na nakaraan.
"Are you okay?"
Biglang dumilat si Trenz, agad niyang itinuon ang tingin sa kanyang harapan ng marinig niya ang isang boses na naging dahilan upang bumalik siya sa kasalukuyan. Tatlong babae ang nakatayo sa harapan ng kanyang desk... ang kanyang mga assassin na tinawagan niya. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi man lang niya napansin na nakapasok na pala sila sa opisina niya. He called them earlier, but he had been too lost in his own thoughts to realize they had arrived.
Titig na titig sa kanya si Kany, bahagyang nakakunot ang noo nito. Halata sa mukha niya ang pag-aalala. Natawa naman si Trenz at humugot ito ng malalim na paghinga bago siya tuluyang sumagot.
"Yeah, bakit naman hindi ako magiging okay?" Sagot ni Trenz, pilit na inaayos ang ekspresyon sa mukha niya. Pilit niyang ibinabalik ang sigla sa kanyang mukha, ngunit ang alaala ng imahe ng isang babae sa kanyang nakaraan ay nananatili sa kanyang isipan. Umayos siya ng pagkakaupo sa swivel chair niya, tinatago ang kung anumang bumabagabag sa kanya. Ayaw nilang makita na may kung anong gumugulo sa kanyang isipan.
Hindi agad sumagot si Kany. Sa halip ay pinagmasdan lang niya ang kanyang pinuno, tila sinusuri ang bawat galaw ni Trenz. Pagkatapos ay bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita.
"Naitanong ko lang, you look so stressed. Your face says it all. I guess something’s been bothering you lately, weighing on your mind more than you would like to admit." Sagot nito, mahina man ang pagkakasabi nito, pero sapat na 'yon na narinig ni Trenz.
Natawa si Trenz, isang mahina at walang emosyon na tawa ang lumabas sa kanyang bibig. Umiling-iling siya ng kanyang ulo at tinignan ang tatlo niyang assassin na nakatayo lang at hinihintay siyang magsalita.
"We're here because you called us earlier, informing us that we have a mission... to eliminate an enemy. So, sino ba ang patatahimikin naming tatlo?" Wika ni Gerchelle.
Tumango-tango si Trenz at hindi na niya sinagot si Gerchelle. Instead... binuksan niya ang drawer ng kanyang desk, at inilabas ang ilang folders. Pagkatapos ay marahang isinara ang drawer at inabot sa tatlong assassins niya ang mga dokumento.
"Here. Basahin ninyong mabuti ang mga 'yan. Siguraduhin ninyo na magagawa ninyo ang mga ipinag-uutos ko. Gusto kong makasigurado na mapapatahimik ninyo ang mga 'yan. Nandiyan ang mga detalye ng kung ano ang mga kasalanan ng mga 'yan."
Tumango ang tatlo at walang pag-aalinlangan nilang kinuha ang mga folders. Umupo sila sa mahabang sofa at isa-isang binuksan ang dokumento, inaaral ang bawat detalye ng misyon nila. Walang nagsasalita, tahimik lang at maging si Cairo at si Ellijah ay tahimik lang.
Ilang minuto ang lumipas, at isang may kalakasang tikhim ang bumasag sa katahimikan nang isa sa kanila, pagkatapos ay ipinatong ang folder sa ibabaw ng coffee table.
"Serious mission, but nothing we can't handle." Sabi ni Alice. Sumandal ito sa sofa at ipinikit ang kanyang mga mata.
Tumango si Trenz. Hindi siya nagdududa sa kakayahan nila. Kung meron mang mga taong hindi natitinag sa kahit anong panganib, sila 'yon. Kabisado na niya ang kanyang tatlong assassin na babae, at lahat ng misyong ibinigay niya sa kanila ay laging natatapos ng malinis, walang butas at walang maituturo sa grupo nila.
"So, bakit nga pala kami nandito ni Ellijah? Sabi mo ay may mahalaga tayong pag-uusapan? May misyon din ba kami?" Pakli ni Cairo. Sa halip na sumagot si Trenz ay tumingin ito sa kanyang orasang pambisig at saka ito nagbuntonghininga.
"Well?" Si Ellijah.
"Thomas is probably on his way now. He has a business proposal that I believe will catch your interest, which is why I asked you to come here. Who knows? You might find his offer appealing and even decide to invest by purchasing some shares." Sagot ni Trenz. Napangiti naman ang dalawa at sabay pa silang napatango.
"Well, we have to go para maisagawa na namin ang misyon namin." Sabi ng tatlo. Tumango naman si Trenz kaya nagsimula ng maglakad ang tatlo palabas ng pinto, pero biglang bumukas ang pintuan ng office ni Trenz. Bumangga si Kany kay Chadwick na pinuno ng private army ni Thomas, pagkatapos ay masamang tinitigan ni Chadwick ang dalagang assassin.
"Are you really that careless, or did you do that on purpose just to get my attention?" Inis na sabi ni Chad, sapo ang baba niya na tinamaan ng ulo ni Kany. Kita sa mukha nito ang pagka-irita, parang gusto niyang batuhin ng kahit na ano ang babaeng bumangga sa kanya pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.
"On purpose? To get your attention?" Kunot-noong sagot ni Kany, sabay tawa nang bahagya.
"Oh please, it was an accident! Ikaw nga itong nagreklamo agad sa halip na balewalain mo na lang, eh. Kitang-kita naman na aksidente lang ang pagkakabangga ko diyan sa yummy mong katawan, hindi ba? Pero teka... baka naman ikaw ang gustong makakuha ng atensyon ko? Hmmm, kasi sa tingin ko, ikaw 'yung nagkukunwaring galit pero deep inside, nag-e-enjoy ka naman! Aminin mo na, namimilog na nga ang mata mo oh, parang namumuso pa yata. Are you that mesmerized by me?" Pang-aasar ni Kany.
Halatang napipikon si Chad, lalo na nang mapansin niyang aliw na aliw si Kany sa pang-aasar sa kanya. Pero hindi pa tapos ang assassin sa pang-iinis niya.
"Am I just too beautiful for you to handle? Sorry yummylicious, pero Kany Perez is not interested sa kagwapuhan mong 'yan. Hindi ako madaling ma-impress! Pag-iisipan ko muna kung papasa ka sa klase ng lalaking gusto ko. Malay mo, may one percent chance ka... pero malamang wala dahil sa sungit mong 'yan. Huwag kang maglaway sa akin, ha? Wala akong dalang extra panyo para pamunas ng laway mo." Muli pang pang-aasar nito. Gusto niyang magalit si Chadwick dahil sa pagiging bastos nito sa kanya.
Tawang-tawa sina Cairo, Thomas, at Ellijah sa tinuran ng dalagang assassin, hindi sila makapaniwala na gagalitin ni Kany si Chadwick. Si Trenz naman ay sapo ang mukha habang napapailing na lamang sa nangyayari.
Galit na galit naman si Chadwick at para na itong bulkan na handa ng sumabog ano mang oras, namumula na rin ang mukha sa inis. Para itong nag-iinit na initan ng tubig na may whistle na handa nang sumurumpit ang usok sa sobrang galit, pero pinipigilan pa rin ang sarili dahil ayaw niyang mapahiya si Thomas.
"Bye, yummylicious! Huwag mo akong dadalhin sa panaginip mo, ha? Baka mas lalo kang maglaway sa alindog ko. Hindi ko kayang sagutin ang feelings mo, sorry na lang! Katakam-takam naman talaga kasi ang katawan ko kaya ganyan ka makatingin sa akin." Muli pang pang-aasar ni Kany, sabay kindat at nag-flying kiss pa kay Chad.
Umuugong ang malalakas na tawanan mula sa mga kasama nila, lalo na kina Cairo at Ellijah na halos mahulog na sa upuan sa katatawa nila. Si Thomas naman ay tahimik na tumatawa, pero halatang enjoy na enjoy siya sa panunukso ng assassin ni Trenz.
Akmang susugod na si Chad, mukhang handa nang patulan ang assassin ni Trenz. Para itong isang toro na nakakita ng pulang tela, pero bago pa siya nakakilos, mabilis siyang hinawakan ni Thomas sa braso at saka ito bumulong.
"Relax, huwag mong patulan. hayaan mo na lang."
Huminga nang malalim si Chad, pilit na inaayos ang suot niyang polo kahit maayos naman ito sabay hinga ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Pero bago pa siya makatalikod nang tuluyan at humarap kay Thomas, may pahabol pa si Kany na talagang nagpa-init ng ulo niya.
"Huwag mo nang ayusin ang polo mo para magmukha kang mas gwapo pa sa paningin ko... hindi ka pa rin papasa sa taste ko kahit magmukha ka pang K-drama oppa diyan!" Pahabol ni Kany sabay irap nito. Talagang ginagalit niya ito dahil sa pagiging bastos nito sa kanya. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya ginagantihan niya ito.
"That's enough!" Utos ni Trenz at hindi pakiusap. Tumango naman si Kany at tuluyan na itong umalis kasama si Gerchelle at si Alice.
Lumipas pa ang dalawang oras at natapos ang meeting ni Trenz na kasama sila Thomas. Naiwanan na lamang siyang mag-isa at babalik na lamang daw si Cairo. May mahalaga kasi itong tatawagan kaya kinailangan niyang pumunta ng rooftop upang walang istorbo sa kanya.
Muling napag-isa si Trenz. Pagod siyang sumandal sa kanyang swivel chair, pilit na pinapahinga ang sarili. He closed his eyes once again, hoping for a moment of peace. But just like before, the past came rushing back... unwanted memories, painful regrets, and mistakes he could never undo.
Pilit niyang kinakalimutan ang lahat ng nangyari, pero kahit anong gawin niya, hindi niya magawang takasan ang nakaraan. Para itong isang aninong laging nakasunod sa kanya, palaging nakabantay, hindi siya tinatantanan. It haunted him like a ghost whispering in his ear, reminding him of everything he had lost.
His chest tightened, breathing felt heavier. No matter how much he tried to move forward, the past kept pulling him back. Hindi niya alam kung kailan siya makakawala... o kung may pag-asa pa siyang makalaya. Maybe this was his punishment... his karma for the choices he made, at para sa taong nawala sa buhay niya na siya ang dahilan.
"Don't tell me, after all these years, siya pa rin ang laman ng isipan mo? After everything that happened, and after all the time that passed, hindi mo pa rin kayang kalimutan ang nangyari?" Boses ni Cairo, ang tanging nakakaalam ng kanyang lihim.
"It kept pulling me back, no matter how much I tried to move forward. The past refuses to let me go, like an invisible chain wrapped around my soul. I guess this is my karma... ito ang parusa sa nagawa kong kasalanan, for the pain I caused. I don't know if I can ever forget her, no matter how hard I try. And worse... I don't know if I can ever forgive myself for what happened. Maybe I don't even deserve to. Ewan ko Cairo. Hindi ko na alam ang iisipin ko. Alam mo kung ano ang nangyari, at pinagsisisihan ko ang lahat." Sagot niya. Makikita sa mukha niya ang matinding pagsisisi sa kung ano man ang nagawa niya sa kanyang nakaraan.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit ayaw mo na ulit sumubok?" Tanong ni Cairo. Hindi naman nagsalita na si Trenz. Umiling-iling na lamang ito. Hindi na rin nagsalita pa si Cairo, hinayaan na lamang niya ang matalik niyang kaibigan na makapag-isip-isip.
Alam ni Cairo kung ano ang buong pangyayari sa nakaraan ng kanyang matalik na kaibigan. Alam niya kung bakit hanggang ngayon ay mabigat pa rin sa kunsensya nito sa tuwing maaalala ni Trenz ang nakaraan nito. Sa tingin ni Cairo ay ito rin ang dahilan kung bakit takot na itong magmahal... kung bakit takot na itong makasakit ng damdamin. Humugot ng malalim na paghinga si Trenz kaya napalingon si Cairo.
"Kailangan mo nang kalimutan ang nakaraan mo. Walang mangyayari sa'yo kung lagi mong sisisihin ang sarili mo. Kung napatawad ka ng mga mahal niya sa buhay... bakit hindi mo patawarin ang sarili mo at muli kang sumubok? O dahil nakikita mo sa kanya ang pagkatao niya? Iyon ba ang dahilan? Takot ka na muling mangyari ang nangyari nuon?" Wika ni Cairo. Natahimik naman si Trenz. Muli lamang itong napabuntonghininga at sumandal sa kanyang swivel chair. Ipinikit ang mga mata at saka tumulo ang luha. Napapailing na lamang si Cairo, pero wala naman siyang magawa para sa kanyang kaibigan.
"How's Mariella?" Napamulat ng mga mata si Trenz at ngumiti.
"She's good... she's doing really well." Sagot nito, pinunasan ang kanyang mga luha at saka muling ipinikit ang kanyang mga mata.