Chapter 6

1880 Words
Chapter 6 Mary 3:30 p.m. na ako nang magising, na pahaba ang tulog ko dala na rin siguro ng pagod. Papungas pungas pa ako ng mata patungo sa kusina nagising kasi ako sa mabango at masarap na naaamoy ko, agad ko namang nakita si kristel na abala sa pagluluto. " Gising ka na pala Mary, umupo ka muna diyan malapit na ito " sinunod ko naman siya at umupo sa lamisita habang inaantay ang niluluto niya.  Namilog ang mata ko sa dami ng putahe na nilapag nya sa lamesa. May adobong manok, shanghai at pansit meron ding panghimagas na coffee jelly at maliit na chocolate cake. " Anong meron Krys? Ang dami mong niluto. Birthday mo? "  tanong ko na may pagkamangha. Agad ko naman nilantakan ang shanghai. Napaharap siya sa akin kasabay ng pag halukipkip niya Nakalimutan mo no? " nagtataka akong tumitig sa kanya. " Haaay.... today is your birthday Mary, tsk! "  rinig ko ang pagkadismaya niya sa boses niya, ako naman ay agad napatakbo at tiningnan ang maliit naming kalendaryo. August 29 ngayon. " Ibang klase ka talaga! kahit birthday mo nakakalimutan mo " bumalik ako sa lamesa at tumabi sa kanya,  napa titig ako sa kawalan. Simula kasi ng mag-isa ako nakalimutan ko na ang mahalagang okasyon sa buhay ko, feeling ko kasi wala rin namang saysay ito kung hindi mo naman kasama ang pamilya mo, kaya laking pasasalamat ko may kasama na ako, nandito ang pinsan/bestfriend ko na si Krys. " Ano pala nangyari kagabi at bakit ka inumaga ?" tanong niya sa akin habang nag sa sandok ng pagkain, hindi agad ako nakasagot kaya na patingin siya sa akin at parang naghihintay kung ano man ang aking sasabihin. Kinuwento ko sa kanya ang lahat ng nangyari mula sa opisina ni Sir Liam hanggang sa makauwi ako " Grabe naman pinagdaanan mo Mary, unang araw palang delubyo na " aniya habang napapailing pa " Pero in fairness naman diyan sa sir mo, knight in shining armor ang peg pero mukhang pera! bakit niya pa papabayaran damit niya eh ginusto niya rin naman yung nangyari sa inyo " agad namilog ang mata ko sa sunod sunod na rebelasyong sinabi ni Krys,  feeling ko tuloy pulang pula na ang mukha ko sa kahihiyan dahil sa sinabi niya. Tumahimik na lang ako kasi ayaw ko pag-usapan ang nangyari noong gabing yun. "Saan mo pala gusto pumunta ngayon? nasabi ko kasi sa kanya na hindi mo na ako pinapasok ng boss ko dahil sa nangyaring insidente. Tamang tama naman daw at kaarawan ko ngayon makaka gala ako. " Gusto ko lang sana dito lang sa bahay, tutal na paghandaan mo naman ako at sapat na sakin ito" banayad naman ako ngumiti sa kanya " Naku wala yun no! saka hello 26 kana! Mag aliw-aliw ka naman nang matanggal ang negative vibes mo diyan sa katawan mo " saad niya sabay taas baba ng kilay niya, napangiti naman ako sa mapanukso niyang titig. " Ok sige, pero saan tayo pupunta? " Kunot noo akong nakatitig sa salamin habang pinagmamasdan ang kabuuan ko, suot ko ngayon ang regalo niya sa aking kulay pula na bodycon dress na nagpatingkad lalo sa kaputian ko, hapit na hapit ito sa akin at halos makita na ang hinaharap ko. Tinernuhan ko ito ng black stiletto, naglagay ng konting kolorete sa mukha at hinayaan ko lang nakalugay ang mahabang buhok. Pwede na to! Dinala kami ng taxi sa isang pamilya na lugar at sa pagbaba namin doon ko nakumpirma. " Teka Krys, bakit dito tayo nag punta? " " Jusko!  ano pa? Edi magpa party!,  saka day! maganda dito. Mga mayaman ang nag pupunta dito malay mo makabingwit tayo dito ng mayaman "  sa boses ni Krys halatang excited na excited ito. Napa kamot naman ako sa ulo " Dito kasi ako nagtatrabaho, baka mapagalitan ako ng boss ko " bulong ko sa kanya " Jusko ano naman Mary, ano siya tatay?  Tska diba sabi mo rest day mo ngayon kaya wala silang pakialam kung ano man gawin mo at hello birthday mo ngayon huwag nga silang KJ dyan! " sabay hila niya sa akin, wala na akong magawa nagpa tinuod na lang sa kanya. Bago makapasok ay binati ako ng mga bouncer, nakakatuwa naman kahit baguhan ay kilala nila ako. Napahiyaw pa si Krys pagpasok namin, as usual madami pa rin ang tao. Agad kami nagtungo sa bar counter. " Hi Mary! " masayang bati sa akin Jeff, ngumiti naman din ako sakanya. " Teka, okay ka na ba ? " muli niyang tanong hindi pa man ako nakaka sagot ay sumingit na si Krys. " Two margarita please, di kasi ako sanay ma OP  eh hehe " sabay peace sign nya, natawa sa kanya kanya si Jeff at agad kinuha ang order. " Two margarita for the two lovely ladies "  sabay baba nya sa dalawang maliit na baso. " Hi I'm Krystal and you are? "  sabay lahad nya ng kamay, inabot naman nito ang kamay ni Krys at napakagat labi pa ang gaga. Sobrang landi  este friendly talaga ni Krys, maya-maya ay kinuha ni Krys ang baso at itinaas it,  na patingin ako sa kanya nang kinuha niya rin ang kamay ko at nilagay sa baso " Happy birthday Mary, cheers !! " masayang sigaw niya at pinagdikit ang baso namin at sabay lagok ng laman nito, wala sa sarili ay ginaya ko din ang ginawa niya, pag-inom ako ay bahagya pa ako napangiwi, kasi naman tumanda ako na di nag iinom kaya di ako sanay sa ganitong panlasa " So it's your birthday? " napalingon ako kay Jeff at tinanguan ko ito. " Dahil dyan sige, libre ko na yan pa birthday ko sayo Mary " " Yahoo!! alright bring it on, bawal tumanggi sa grasya Mary masama iyon " sabay halakhak nya, natawa narin ako sa sinabi niya at lihim na napangiti.  Kung hindi dahil kay Krys, para sa akin ay normal na araw ko lamang ito, yung tipong itutulog mo lang tapos lilipas rin ang araw na ito. Nag lapag naman ulit si Jeff ng alak at sabay namin ininom ito ni Krys. Hanggang sa mapuno ng tawanan sa sobrang lasing " Hey, Mary,!"nakita ko sa aking gilid ang isang maamong mukha ng babae " Sandy " sabay beso sa kanyang pisngi " Kumusta? okay na ba ang pakiramdam mo? Sabi kasi ni Sir Liam... " bago pa  nya matapos ang kanyang sinasabi ay sumingit na si Krys. " Hi i'm Krystal! " sabay lahad nya ng kanyang  kamay  " Sandy  " tugon nya na puno nang pagtataka. Tumitig sya sa akin at tinanggap niya pa rin ito. " Pinsan ko "  ulit ko sabay hinging pasensya sakanya,  napatingin naman kami sa umakbay kay Sandy si Fred. " Mary, how are you ? what are you doing here? akala ko masama pakiramdam mo? "  napa kunot noo naman ako, bakit ba sila nag aalala na parang nagkaroon ako ng malalang sakit? Ah siguro dahil sa nangyari kagabi. " Hi,  i'm Krys, pinsan niya " sabay lahad ulit ng kamay niya kay Fred, napangiti nalang ulit ako and i mouth " sorry " natatawa na lang nyang tinanggap ang kamay nito, na isip siguro nila dala ng kalasingan, napailing nalang ako dahil sa kakulitan ni Krys at panay bati sa akin nang paulit-ulit. " Really Mary ?  Hindi mo man lang sinabi na birthday mo. C'mon doon tayo sa table, kumpleto ang barkada. My treat! " aniya "  Thank you nalang po Sir Fred, siguro po sa susunod na lang kami pupunta " sagot ko,  hindi ko naman maiwasan na mag palinga-linga sa likod niya " Looking for something? ...  I mean someone ? " then he chuckled. " Don't worry, andito na din mamaya yun, may sinundo lang, sige una na kami sunod kayo doon ha "  tumango ako at sinundan sila nang tingin kung saan sila nakapwesto. " In fairness ang gwapo talaga niya, sayang may jowa na " taka akong napatingin kay Krys pero hindi ko na lang din pinansin.  Lumagok na ulit ako ng alak at napatitig na lang ako sa baso na na sa aking harapan. Hindi ko namalayang natulala ako nang maalala ko ang huling sinabi ni Fred. May sinundo siya?  sino kaya iyon ? hindi kaya.... Bumalik ako sa ulirat nang may magsalita si Krys. " Mary tara! doon sa dance floor " yaya niya sa akin, umiling naman ako at tinaas ang baso ko,  hindi na niya ako mapilit ay umalis siya kasama ang isang lalaking nagpakilala sa kanya. " Andyan na si Sir Liam " sigaw ni Jeff, walang ano ano agad ako napalingon sa aking likuran,  bumilis ang t***k ng puso ko na para bang tumakbo na napakalayo. Kitang-kita ko ang bulto ng kanyang katawan, ang mata ko sa kanya lang nakasentro kahit marami ang nakapalibot ay siya lang ang nakikita ko, nakangiti sya habang papunta sa kanyang mga kaibigan. Ang kanina kong kasabikan na makita siya ay napalitan ng kirot, nakita ko mula sa kanyang likod ang hawak niyang babae, ay hindi... isang magandang babae. Bigla ako balungkot. Oo nga pala, ikakasal na siya, sino ako para makaramdam ng ganito ? binalik ko ang aking tingin sa hawak kong baso halos nanginginig pa ang aking kamay at wala sa sariling nilaklak lahat ng laman nito ( playing alipin ) Nanahimik ang paligid dahil sa tumugtog na live band, di ko makita kung sino ang kumakanta pero naninigurado ako na napakaganda ng boses nito, napangalumbaba na lang ako sa table habang dinadama ang kanta. " Wow! happy birthday self! masaya na naman ang araw mo,  pinapalungkot ka pa lalo ng kanta "  tumingala ako para hindi tumuloy ang anumang nagbabadyang luha sa mata ko, kinukuha ko ang bawat alak na dala dala ng mga dumadaan na waiter. " Ganito pala pag may dinadamdam ka no?  mapapa inom ka nalang talaga " " Uy Mary, okay ka lang? Hindi ko na namalayan na naka lapit na pala sa akin si Krys na ngayon ay nasa tabi ko na,  napatitig nalang ako sa kanya, gusto kong magsalita at sabihin ang nararamdaman ko kaso may kung ano sa puso ko ang tumututol. Sino ako para magselos, hindi ba? Napatingin kami sa grupo na may malakas na hiyawan, agaw pansin talaga sa pwesto nila,  kitang kita ko sa mata niya na masayang masaya siya. Syempre kasama ang fiance, sino ba ang hindi sasaya na kasama ang mahal niya ? kitang kita ko kung paano niya ito titigan at alalayan,  kung hawakan niya ito akala mo mamahaling bagay na hindi pwede magasgasan o mabasag. Parang may kung anong tumusok sa puso ko sa nakikita ko, nasasaktan ako kahit alam kong wala naman akong karapatan. Dahil hindi ko na kaya ang nakikita ko, niyaya ko na si Krys umuwi. Dinahilan ko na nahihilo na ako sa dami nang nainom ko. Totoo naman pero kaya ko pa naman, sadyang may masakit lang sa mata akong nakikita, sa kabilang banda kami balak dumaan para makaiwas sa pwesto nila pero bago paman makaalis ay may nakapansin na sa amin. " Hey, Mary! the birthday girl, come here, join us " nanigas ako sa pagkakatayo ko, wala akong balak lumingon at nag diretso sa paglalakad, kunyari di ko na lang sila narinig. Binilisan ko pa ang paglalakad kunyari di ko na lang sila narinig binilisan ko pa ang paglalakad na halos paliko liko na ako dahil sa nahihilo na ako. Halos mawalan ako ng balanse dahil sa may humigit ng braso ko, nanlaki ang mata ko nang lingunin ko kung sino ang humawak sa akin. Si Liam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD