Chapter 7

1641 Words
Chapter 7 Mary " What the hell are you doing here "  para akong nanlamig dahil sa tanong niya sa akin. " hindi ba sinabi ko sayo wag ka muna pumasok ngayon " bulong niyang sabi pero rinig ko pa rin,  naramdaman ko ang bigat ng pagkaka hawak niya sa akin pero hindi ko yun iniinda. Sa gitna nang pag titigan namin biglang sumulpot si Philip kaya agad nya binitawan ang pagkakakapit sa braso ko pero nananatili pa rin ang pagkaka titig nya sa akin. " Hey, let's go guys ! nag padagdag pa ako ng drinks. Let's celebrate your birthday Mary " para mawala ang tension ay sumunod ako sakanya habang hawak ang kamay ni Krystal, naramdaman ko ang pagpisil sa akin at kita ko sa kanyang mata ang pag aalala. Habang papalapit sa kanilang pwesto, unti-unti ko nakikita ang magandang mukha ng babaeng kinaiinggitan ko, parang nagkaroon ng kadena ang mga paa ko sa bigat ng bawat paghakbang ko. Ngumiti sya sa akin nang mabini ng kami ay nakaupo na. Nakita ko nang malapitan ang kanyang maamong mukha, kasunod namin si Liam na tumabi naman sa kanyang fiance. " Happy birthday!  I'm Ingrid by the way " nakatitig ako sa nakalahad niyang kamay. Inabot ko ito at magpasalamat, sa likuran niya ay ramdam ko ang titig sa akin ni Liam. I saw how his jaw clenched kaya agad ko binitawan ang malambot na kamay ng kanyang fiance at sabay baling ko nang tingin sa iba. Nandoon sila Fred katabi si sandy,  si Mike na may katabing dalawang babae. Bahagya akong nakaramdam ng hiya dahil sila ang mga lalaking nandoon sa Bachelor's Party. " Alright!  nandito na ang hot vocalist " na patingin naman ako sa tinutukoy nila, si Zion. Sumiksik naman siya sa tabi ni Krys na kahit wala naman siya halos maupuan doon Marami naman bakante bakit sumiksik pa siya doon?  something strange.. Umusog nalang kami hanggang sa  makomportable siya. Kahiya naman, napapa gitnaan ako ni Philip at ni Krys,  maya-maya ay kumuha naman siya ng dalawang baso na may lamang alak at binigay sa amin ni Krystal. " Guys, let's greet Mary,  a happy birthday. Cheers !! " pinagdikit nila ang mga baso at sabay lagok ng laman nito, syempre nakigaya na rin ako dahil birthday ko eh,  napangiwi naman ako at halos ma suka-suka dahil mas matapang ito kaysa sa ininom namin kanina. " So how old are you Mary? " napatingin naman ako kay Philip " 26 " maikli kong sagotn " Pwede ka na pala mag asawa "  sabay tawa ni Fred, na patingin naman ako sa katapat ko,  halos masamid ako sa sarili kung laway dahil sa halikang nagaganap sa aking harapan. The f*** !! " Yes! asawa na lang kulang  " hindi ko alam kung saang lupalop ko na hugot ang sagot na iyon kahit wala pa sa isip ko ang mga ganoong bagay. " What is your ideal man, Mary? "  tinitigan ko si Ingrid at hindi pinansin ang katabi niya. " Ah well, hindi naman ako pihikan basta kaya ako ipag laban " walang emosyon kong sagot. Ang iba naman naming kasama ay napahiyaw na parang manghang mangha sa sinabi ko. " Gusto ko iyong lalaking mas matanda sa akin " pahabol ko. " Ay sayang!  di na agad ako qualified " singet ni Fred na akala mo naman ay talagang nalungkot, siniko naman siya ni Sandy. " May chance pa ako well i'm turning 27 this year, hindi naman pwede si Liam at ikakasal na yan "sabay tawa ni Philip at nakipag apir oa kay Fred. Nakitawa na rin ako sa kanila na kunyaring may nakakatawa sa sinasabi nila. " You're just 26, pag-aasawa agad iniisip mo? " na tahimik ang lahat dahil sa pag singit sa usapan ni Liam. " And so ? wala naman siguro masama doon " mataray kung sagot " Why don't you first look for a decent job so you can have a better life " nagpanting naman ang tenga ko sa narinig ko. " May problema ba sa trabaho ko.. SIR?? " pinagdiinan ko ang huling sinabi ko na marealize nya kung saan ako nag nagtatrabaho na pagmamay-ari lang naman niya " What ?.. a stripper? " tugon niya na parang aasar.  Literal ako na napanganga at napabuntong hininga. Really?? Came from him??  hindi ko na napigilan ang sarili ko, tumayo ako at mabilis na binuhos sa kanya ang laman nang hawak kong baso, ramdam ko ang pagkabigla ng lahat dahil sa ginawa ko,  pati na rin ang fiance nya napatingin na rin sa akin. Well wala akong pakialam! masyado akong nasaktan sa sinabi niya. " How dare you! "  matalim ko siyang tinitigan at mabilis naglakad palayo sa lamesa nila, rinig ko pa ang pag tawag nila sa akin pero hindi na ako lumingon pa. Agad ko pinunasan ang luhang sunod-sunod na dumadaloy sa aking pisngi, pag labas sa bar hindi ko na mapigilan ang kanina ko pa nararamdaman at agad ako napa hikbi. Nag takip ako ng mukha upang hindi makita ng mga tao sa labas. " Tara Mary!  umuwi na tayo " sa tono ng pananalita ni Krys, alam kong galit ito. Hinila niya ako at sumakay na kami pauwi. Nagising ako na mabigat ang pakiramdam at masakit ang ulo, dala siguro ng magdamag na pagiyak kagabi. Dumiretso ako ng banyo, kitang kita ko sa salamin ang pamamaga ng mga mata ko, naghilamos ako para kahit papaano hindi mahalata pero parang walang pinagbago Niyaya ako ni Krys kumain habang hindi niya ako tinitingnan, diretso lang siya sa pagkain.  Tanghali na pala . " Huwag ka na pumasok Mary, baka mapatay ko yang amo mo " natigil ako sa aking pag sandok at huminga nang malalim. " Hindi pwede Krys, may utang pa ako sakanya--- " hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil sa oag kalampag ng kubyertos niya. " Putang inang utang na yan! niloloko ka na ata niyang amo mo eh ! " na pakapit ako nang mahigpit sa sandok na hawak ko at na payuko. Alam ko galit si Krystel, ayaw niya kasi nang naagrabyado ako o kahit sino man. Kasabay ng kanyang buntong-hininga ang pag hinahon niya. " Hindi ako galit sa'yo Mary, ayoko lang mag mukha kang tanga sa harap ng ibang tao. Hindi porque mapera sila may karapatan na silang insultuhin ka o hamakin ka, hindi porque nakuha na niya ang p********e mo mamaliitin ka na nya " parang may kung anong punyal ang tumusok sa dibdib ko sa mga narinig ko. Totoo ang sinabi niya, siguro mababa ang tingin sa akin ni Liam. Maruming babae kaya ganun niya ako itrato,  pero hindi ko maintindihan ang huling sinabi niya ang p********e ko. Tumabi siya sa akin at niyakap ako para patahanin " Mary, I want you to be strong. Sa mundo natin wala tayong makakapitan kundi ang sarili natin, paano tayo makakalaban at makakabangon kung sarili natin hindi natin pagtatanggol sa iba? " para akong batang umiyak sa balikat niya, natamaan ako sa lahat nang sinabi niya, nasaktan ako dahil totoo lahat ng iyon. " Twenty Six ka na pero para kang batang nagsusumbong sa nanay " napatawa naman ako at napuno ng sipon at luha ang aking mukha. " Anong plano mo ? " napaisip ako sa tanong niya. Nandito ako ngayon sa labas nang pinagtatrabahuhan ko, kung saan naganap ang masayang birthday ko. Oo masaya. Maaga pa naman pero sigurado ako na may tao na dito dahil sa maagang pumapasok ang ibang empleyado. Pagpasok ay agad ako nagtungo sa crew room. " Sandy " mahinahon kong tawag sa kanya " Mary kamusta ? " nag aalalang mukha ang bumungad sa akin. Hindi ko sya sinagot at tanging pag ngiti lang ang tugon ko. " Nandiyan ba si Sir Liam ? " Tanong ko, nagtataka siyang tumango sa akin at agad tinuro kung nasaan ang walang hiya.  " Sa penthouse niya, sa taas. Pag alis mo palang kagabi.. si Sir... " Agad ako nagpaalam sakanya at hindi na pinakinggan kung ano man sasabihin niya, wala na akong pakialam kung ano man ang nangyari kagabi. Tumalikod na ako at agad na nagtungo kung nasaan ang mabait kong boss,  na pahawak ako nang mahigpit sa bitbit kong bag, nakailang buntong-hininga ang nagawa ko at na kailangang pagkatok na hindi matuloy tuloy. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko, kaya ko ba siya harapin pagkatapos ng nangyari kagabi? Sa halos trenta minutos kung nakatayo sa tapat ng kanyang pinto ay nagkaroon na ako nang lakas ng loob,  hindi ko pa nalalapat ang daliri ko sa pinto ay kusa na itong bumukas,  literal na napanganga ako sa nakita ko. Dahan-dahan akong pumasok sa loob at bumungad sa akin ang magulong gamit dito, ano ang mga ito parang dinaanan ng bagyo,  mga basag na paso, paintings,  tv na basag na parang binato at kung ano-anong gamit ang nakakalat. Hindi ko na ito pinansin at agad ko syang hinanap sa paligid, dahil wala sa sala dumiretso ako sa opisina niya ngunit wala rin siya doon. Baka umalis na ? Sinarado ko nalang ang pinto ng opisina niya, lalabas na sana ako nang may narinig akong kaluskos sa isa pang pintuan at agad ako napatingin doon, dala nang kuryosidad tumungo ako doon at dahan-dahang binuksan ang pinto. Nanlamig ako at parang napako sa kinatatayuan ko nang mag tama ang mata namin, kalahating mukha niya ay natatakpan ng monitor kaya tanging mata lang ang makikita sa kanya. Ang kaba ko ay agad na palitan ng galit nang maalala ko ang nangyari kagabi, yung titig niya sa akin ay kung paano niya rin ako tinitigan kagabi. Agad ako pumasok sa loob at humarap sa kanya, hindi siya nag salita at nanatiling nakatitig sa akin. Nilapag ko sa lamesa niya ang kinuha kong papel mula sa bag ko.  Nakatitig pa rin siya sa akin habang unti-unti  niya binubuklat sa pagkaka tupi ito. Nang mabasa na niya ang nakasulat ay kitang kita ko ang pag tiim bagang niya at pag salubong ng kilay nya. Yeah! you read it right! " Magreresign na ako "  lakas loob kong sabi sakanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD