bc

The Paintbrush Deal

book_age18+
672
FOLLOW
5.4K
READ
family
opposites attract
comedy
sweet
bisexual
humorous
lighthearted
campus
city
mxm
like
intro-logo
Blurb

Independent, no-nonsene, insolent—those are the words that best describe Elio Rivera. Living on his own has contributed to his toughened personality. Working as a waiter to support himself, he has learned to be tough and unyielding at such a young age.

After ruining an expensive painting in an art exhibit, Elio finds himself between a humongous debt and a lifeless, detached painter—Skyler Alba. Left with no choice, Elio agrees to live in servitude to the painter as a way of repaying his mountain of debt.

Join Elio and Skyler as their personalities clash like water and oil in this newest romance story by theashtone. As their story develops, Elio and Skyler will soon learn that they might just be the perfect people for each other who met at the best possible time.

Question is, are they brave enough to let go of their past? Or are they just going to commit the same mistakes for the second time around?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 01
"Thank you for waiting!" Isang malapad na ngiti ang ibinigay ko sa mga customer sa isang table kasabay ng paglatag ko ng mga order nilang pagkain. Marahan ko namang inayos ang mga gamit sa mesa bago ako umatras at yumuko nang bahagya sa kanila. "Enjoy your meal, ma'am and sir!" Babalik na sana ako sa kusina nang may sumenyas sa 'kin na isang customer sa isang table. Agad ko namang binunot ang notepad ko bago ako naglakad papunta sa table niya. "May I take your order, sir?" Alas-otso na ng gabi kaya naman rush hour na sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho. Wala naman sa 'king problema kahit na minsan ay kaliwa't-kanan na ang tumatawag sa 'kin. I've grown accustomed to the chaos and disorder of this place ever since I started working here. Halos dalawang taon na rin kasi akong nagtatrabaho rito. Noong una ay halos mabaliw-baliw ako kapag rush hour na. Madalas akong pagalitan ng mga chef at ng manager. Nalilito rin ako sa mga order at minsan ay maling pagkain pa ang naibibigay ko. Himala nga na hindi ako kaagad na natanggal sa trabaho. Thankfully, I eventually found my groove. Ngayon, maning-mani na lang sa 'kin ang pag-handle sa mga customer. "Thank you very much for dining with us, ma'am!" sabi ko sa isang babae matapos niyang makapagbayad. May inabot naman siya sa 'king pera. "Thank you very much, too. Here, your tip." Mas lalong lumapad ang ngiti ko bago ko nilagay sa bulsa ko ang tip. "Thank you. Come again, ma'am!" Agad ko namang dinala sa dishwashing area ang mga pinagkainan. Habang nilalatag ko ang mga hugasin ay tumabi naman sa 'kin ang isa ko pang katrabaho na kaibigan at kaklase ko rin. "Ang lakas na naman ng hatak mo ngayon," sabi ni Zoe. "Naka-ilang libo ka na naman ba?" tanong pa niya sabay hampas ng tray sa bulsa ko. "It's all in the smile," sagot ko naman sabay bungisngis. Tumawa na lang si Zoe. "Subukan mo lang na ipakita ang totoo mong ugali sa mga customer. Tingnan lang natin kung may makuha ka pa kahit na isang singkong duling man lang." I rolled my eyes. "You don't have to tell me. Kaya nga ako cheerful at approachable dahil kailangan na maganda ang impression natin sa mga customer para mataas ang chance na makakuha tayo ng tip. At the end of the day, we're all just working for money." "And there goes the real Elio Rivera-driven and motivated by a single thing: money," sabi ni Zoe. "Shut up. Go back to work," sabad ko naman. Well, she said the truth. I've always believed that people on this planet, including me, are driven by money. Ika nga nila, money makes the world go round. Totoo naman. Whether we like it or not, kailangan natin ng pera para mabuhay sa mundong 'to. No matter how ugly it might sound, it's the truth. Hindi ko naman ipagkakaila na noon ay ibang-iba ang pananaw ko sa buhay. At some point of our lives, we all believed in magical songs that can fix all problems in an instant. Naniwala rin tayo na maging mabait lang tayo ay magiging mabait na rin sa 'tin ang lahat ng tao sa mundo. We all believed that we could live happier lives if we just stay true to ourselves. Unfortunately, the world doesn't work that way. That same manner of thinking was the reason why my life nearly flipped upside-down many years ago. I learned. I learned the hard way. From that point on, nagbago na ang tingin ko sa mundong 'to. I think it's natural for people to think that way, especially when they are still younger. We all want to think that the world was made of peaches and cream. Eventually, as we grow older, the world slaps us with the harsh reality and we are left with no choice but to accept that the world we're living is probably the most f*cked-up planet in the entire universe. As we grow older, we discern reality a lot easier, and it makes us grow out of our childish thoughts about the world being a happy, hopeful place. "Elio, bring this to kiosk 3. May kausap si Ms. Laina. Ikaw na muna raw ang mag-asikaso ng mga tao roon. Magsama na muna kayo ni Zoe," sabi sa 'min ng isang chef sabay latag ng ilang plato ng pagkain sa counter. I frowned. "May bisita po?" tanong ko habang nilalagay ang mga tray ng pagkain sa mga braso ko. Bibihira lang kasing maupo ang branch manager namin, at kapag nangyayari 'yun, madalas ay may importante siyang bisita. "'Yung para sa event yata," sagot ng chef. "Of course," panabay naming sabi ni Zoe. Over a month ago ay nakatanggap kami ng reservation para mag-provide ng catering service sa isang event. Mukhang high-class at mga mayayaman ang dadalo dahil ilang linggo nang naghahanda ang buong chain ng restaurant kung saan kami nagtatrabaho. Sa pagkakaalam ko, art exhibit yata ang seserbisyuhan namin. Tumatanggap din naman kasi ng catering requests ang restaurant namin. Madalas kaming makuha sa mga mamayaman na parties at mga selebrasyon. At gaya ng iniisip niyo, syempre tuwang-tuwa ako kapag may ganoon dahil nakakarami ako ng pera. May mga kiosk ang restaurant namin sa mga may gusto ng privacy. Of course, may additional fee lalo pa't high-end naman ang restaurant namin. "I almost forgot na may event nga pala tayong pupuntahan. Kailan nga ulit 'yun?" tanong ni Zoe habang papunta kami sa mga kiosk. "End of the month, next month," sagot ko naman. "Buti nga at hindi nasakto sa exams natin. Kung nagkataon, hindi sana tayo makakapunta," sagot ko naman. "Oo nga. Mawawalan ka ng pagkakakitaan. Mukhang pera ka pa naman," sagot ni Zoe. I tried to trip her. Buti na lang at naka-ilag siya agad. Pagkarating namin sa kiosk ay nandoon nga si Ms. Laina kasama ang tatlong bisita niya. Isang babae at dalawang lalaki. As the manager ng main branch, si Ms. Laina na rin ang general manager ng chain ng restaurants. Ibig sabihin, siya ang nag-aasikaso ng lahat ng catering requests. "Here's your food," nakangiting sabi ni Ms. Laina doon sa tatlo bago siya bumaling sa 'kin. "Thanks a lot, Elio. Bring them here." I didn't pay much attention to her guests. As usual, ngumiti na lang ako at nag-emit ng mga sinag ng araw habang nilalatag ang mga order nila. Baka naman kasi may masungkit akong grasya mula sa kanila. "Sweet and spicy shrimp with pickled onions. . ." Nagtaas ng kamay ang babae. "That's mine. Thanks." "Medium rare steak and vegetable salad. . ." Nagtaas ng kamay at ngumiti 'yung lalaking pinakabata sa lahat. "Thank you," sabi niya pagkalagay ko ng pagkain sa harap niya. "Grilled salmon with asparagus and lemon. . ." 'Yung isang lalaki naman ang nagtaas ng kamay. "Mine," he said in a cold, flat voice. Pinalapad ko na lang ang ngiti ko para kontrahin ang aura niyang tila mas mabigat pa kaysa sa aura ko kapag wala ako sa mood. The guy and I locked eyes for a moment, and I saw mesmerizing hazel-brown eyes which seemed to pierce right through my soul. Doon lang rumehistro sa mga mata ko ang wavy na buhok ng lalaki, kasama ng mga mata niyang tila inaantok at walang buhay. Despite his seemingly flat and lifeless expression, my feet and hands tingled as I took in his gentle facial features. The guy looked away first, and I had to blink several times to shake off the hypnotic effect of his gaze. Marahan pa akong sinipa ni Zoe dahil halos hindi na ako gumagalaw sa puwesto ko. "Enjoy your meal, ma'am and sirs," sabi ko bago ako umatras at yumuko nang bahagya sa kanila. Habang naglalatag si Zoe ng mga drink nila ay kinausap naman ako ni Ms. Laina. "Magpagawa ka ng desserts, okay? Tapos dalhin mo rito mga thirty minutes later," sabi niya. "Sige po," sagot ko naman. "Pero magsasara na po tayo in fifteen minutes. . ." "Just do it. Kinakausap ko pa sila tungkol sa final preparations para sa mga ise-serve na mga pagkain sa art exhibit next month. Also, kailangan pa kita nang kauting oras kaya 'wag ka munang umuwi. Dagdag mo na lang sa overtime mo," sagot niya. Well, isa ako sa mga pinagkakatiwalaan ni Ms. Laina. Kaya nga ako mismo ang pinatawag niya para mag-serve dahil na rin sa magandang performance ko rito sa restaurant. Parati rin akong kasama sa mga events. Let me just clarify na hindi po ako sipsip. Sadyang maayos akong magtrabaho kaya maganda ang record ko at nakuha ko ang tiwala ng mga tao rito. Everyone knows it. Mukha man akong pera, but I will never resort to shady, underhanded tactics para makaangat. Tao pa rin naman ako kahit na negative ako mag-isip. Agad akong dumiretso sa kusina para magpagawa ng dessert. Kagaya nga rin ng sinabi ko, papasara na rin kami dahil halos alas-diyes na ng gabi. Makalipas lang ang ilang minuto ay nag-aayos na kami ng mga silya at mesa. Na-serve ko na rin kanina ang mga dessert na hiningi ni Ms. Laina at pinayagan na niya akong umuwi. Mukha kasing maaga naman silang matatapos sa usapan nila. "I think I know that guy," bulong sa 'kin ni Zoe sabay nguso sa kiosk kung nasaan ang apat. "Who?" tanong ko naman habang nagva-vacuum ng sahig. "Skyler Alba," Zoe replied. "He's an artist. A painter, to be exact. I heard he's really good. Sikat siya hindi lang dahil sa artworks niya. Malaking factor din ang good looks niya. Balita ko nagkaroon na rin 'yan ng art exhibit sa ibang bansa." I rolled my eyes. "I'm pretty sure he's one of those people who rely on their looks instead of skills to become famous. Painter my ass. Drawing lang naman 'yun sa tela," sagot ko naman. Zoe laughed. "Look who's talking." Inumang ko sa kanya ang vacuum na hawak ko. "For your info, I have the skills. Palagay mo ba pagkakatiwalaan ako ni Ms. Laina kung puro lang bungisngis ang puhunan ko? Ginagamit ko lang ang sunny aura ko para makatulong sa skills ko. Don't lump me with that guy over there," sabad ko naman. "Oh, 'wag defensive. Also, 'wag mo namang sabihin na puro lang mukha 'yan si Mr. Alba. I'm pretty sure that he's talented. Duh, he's hosting an art exhibit! First time yata natin na pumunta sa ganyang event. You should be thankful to him, too. Kung hindi dahil sa kanya, wala ka sanang extra income," sagot niya. I rolled my eyes. "Whatever. Tapos na akong maglinis. Magpapalit na ako. Bilisan mo na ang ginagawa mo't uuwi pa tayo. Gusto ko nang magpahinga. May pasok pa tayo bukas. May exam pa sa hapon." The bathrooms in the main restaurant are much bigger than the ones in our locker room, kaya naman doon ako parating nagpapalit at nag-aayos kapag uuwi na kami. Wala namang problema kay Ms. Laina lalo pa't wala naman nang customer. Nakapagpalit na ako at nag-aayos na lang sa harap ng salamin nang biglang may pumasok sa bathroom. 'Yung lalaki kanina. Pinadaanan ko siya ng titig bago ako umusog nang kaunti palayo. Hindi ko na lang siya pinansin habang naghuhugas siya ng mga kamay. I really can't deny na may hitsura nga siya. He's probably a bit older than me, but his facial features make him look younger. He has such a distant look on his face. Tila malalim parati ang iniisip niya. Hindi pa doon nakatulong ang mga mata niya na tila parating inaantok. "Do you need something from me?" The flat and cold voice snapped me back to my senses. Saka ko lang na-realize na nakatitig pa rin ako sa kanya habang sinusuklay ko ang buhok ko gamit ang mga kamay ko. In short, mukha akong tanga habang nakatitig sa kanya na naghuhugas ng mga kamay. I blinked. "What?" "Do you need something from me?" tanong ng lalaki. "No. . . Nothing. . ." I stammered. The guy sighed before staring at me with his piercing hazel-brown eyes. "In case na hindi mo alam, it's rude to stare at someone while they're doing something. Next time, learn to give other people personal space," he said. With that, he straightened his coat and walked out of the room. Nanatili lang akong nakatitig sa ere sa loob ng ilang sandali. Inabot pa ako ng ilang segundo bago ko na-realize kung ano ang sinabi niya sa 'kin. Napalingon na lang ako sa pinto pero wala na siya doon. "WHAT?!" Well, that was frosty.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG III

read
354.1K
bc

SECRETS MY DADDY NEVER TOLD ME SEASON 1 [COMPLETED]

read
54.7K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

Seducing Mrs. Perez (GxG)

read
56.9K
bc

The Jerk and The Transgender (Hot Trans Series #1)

read
58.8K
bc

BAYAW

read
82.0K
bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook