CHAPTER 04

2144 Words
"Let me just say that I really hate these clothes." Kasalukuyan na kaming nagpapalit ng damit para sa event. Mula pa kaninang umaga ay halos hindi na kami tumigil sa pag-asikaso ng mga kailangan para sa service. Kakatapos lang din namin na i-set up ang dining hall kaya naman magpapalit na kami para sa mismong event. Malapit na rin kasing magdatingan ang mga guest. Sa isang hall naman na konektado sa dining hall nakalagay ang mga painting at doon mangyayari ang art exhibit. Ibang mga tao naman ang nag-aayos doon kaya wala naman na kaming pakialam sa kanila. The day of the art exhibit finally arrived. Tapos na rin kami ni Zoe sa lahat ng mga school requirement. Matapos lang ang gabing ito ay balik na naman ako sa normal na buhay ko. "You look even smaller in those clothes," puna naman ni Zoe na nakaharap sa salamin at nag-aapply na ng makeup. "Para kang high schooler na naligaw lang dito." I'm currently wearing white long-sleeves na may kasama pang black vest. Hindi naman ganito usually ang uniform namin pagdating sa catering services, pero dahil mga high-class at mayayaman ang dadalo sa art exhibit ay mismong organizer ng event ang nag-request na ganito ang suutin namin. Sinabihan pa ako ni Ms. Laina na magpagupit lalo pa't hindi maayos ang buhok ko. "Buti na lang talaga at malakas ang AC," sabi ko naman habang inaayos ang kwelyo ko. "Stop being so whiny. Alam ko naman na masama ang mood mo dahil pagsisilbihan mo ang ka-staredown battle mo, hindi dahil diyan sa uniform mo," sabi ni Zoe. "Shut up," sabad ko naman. Alas-siyete ng gabi ang simula ng event. Bago ang alas-sais ay papapasukin na ang mga guest sa hall. Before that, kailangan ay nandoon na kami. Buti na lang at assigned ako sa table ng mga Alba kaya naman hindi ako maglilibot-libot habang may dalang mga drink at snack. Tatayo lang kami malapit sa table kung saan kami naka-assign. How convenient. Pagkatapos naming mag-ayos ay lumabas na kami. Naabutan namin si Ms. Laina at Ms. De Vera na naglilibot sa buong hall at tinitingnan kung may mga dapat pang ayusin. "Mr. Alba and his family will arrive at around half-past six," sabi ni Ms. De Vera sa team namin. "Kasama niya ang buo niyang pamilya, including his in-laws at mga pamangkin. Alam niyo naman na ang gagawin niyo. Make sure that everything is smooth and flawless. Hindi lang si Mr. Alba ang kailangang ma-satisfy sa serbisyo niyo." "Yes, ma'am." Hindi nagtagal ay binuksan na ang hall para sa mga guest. Si Ms. De Vera ang sumalubong sa kanila. Habang nagsimula nang maging abala ang mga kasama namin, kami naman ni Zoe ay nanghusga ng mga hitsura at suot ng mga tao sa event. Usual naman namin 'tong ginagawa para pang-alis boredom. Hindi lang namin pinapahalata at baka masubo kami sa gulo. "Jeez. . . That yellow gown is so yellow, my eyes are starting to bleed," sabi ko nang may dumaan sa harap naming dilaw na dilaw na attire. "Yeah. Maraming Vitamin C ang nakuha ko sa isang sulyap lang sa kanya. . . Oh, there's a cute guy over there. I wonder if he's rich. . ." sabi ni Zoe. Kung ako ay pag-aaral ang puhunan para yumaman, si Zoe naman ay pag-ibig ang investment. Her boyfriend, Marlon, is actually studying aeronautics. Investment daw niya si Marlon, pero hindi niya isinasara ang pinto para sa ibang mga oportunidad. We're a weird pair. Unti-unti nang napuno at umingay ang buong hall. Kagaya rin ng sinabi ni Ms. De Vera, dumating nga ang mga Alba at around thirty minutes past six. Pagkatanaw namin sa kanila ay agad pumunta ang iba sa amin sa kusina para kunin ang mga snack at iinumin nila. Nakaupo na ang buo nilang pamilya by the time na nakabalik ako. Malapit sa stage sa gitna ng hall ag table nila. Aside doon sa lalaki at sa kasama niya dati, may dalawa ring matanda na tila mga magulang niya. May dalawang babae rin na kamukha niya at kasama ang mga asawa yata nila at mga anak. The Skyler guy was wearing a grey coat. Maayos rin ang wavy niyang buhok. He's also wearing eyeglasses. Unlike his aura from before, he's all smiles and happiness today. Kanlong din niya ang isa sa mga pamangkin niya na kasalukuyan niyang kinukulit. Pagkalapit ko sa table nila ay agad kong pinalapad ang ngiti ko kasabay ng pag-hugot ko ng aura mula sa lahat ng mga bahaghari at unicorn sa buong sanlibutan. "Good evening, sirs and ma'ams," bungad ko sa kanila. "Would you like to have some champagne?" Agad na napaangat ng mukha 'yung Skyler. Pagkakita niya sa 'kin ay tila nagulat siya. Nagkunwari na lang akong hindi 'yun napapansin at nagpatuloy na lang ako sa pag-ngiti ko sa kanila. Dahil halos lahat sa kanila ay tumango, sinalinan ko na ang lahat ng mga wine glass nila. Umatras na ako para hayaan ang ibang mga kasama ko na mag-latag sa table ng mga dala nila, pero bahagya akong sinundan ng tingin ni Skyler habang nakatayo ako 'di kalayuan mula sa table nila. Alam ko na ang iniisip mo, bulong ng utak ko. Nagtataka ka kung bakit ang friendly ko today. Pasalamat ka at nasa trabaho ako. Kung hindi ay naging ice exhibit sana 'tong event mo. Lahat ng 'yun ay iniisip ko habang nakapalibot sa 'kin ang mga bulaklak at paru-paro sa ganda ng aura na pinapakita ko sa kanila. Thankfully, the Skyler dude finally turned his attention to the people around the table. "Alam mo, nakakatawa ka," bulong sa 'kin ni Zoe pagkatabi niya sa 'kin. "Ano naman?" "Pinapanood kita kanina. Hiyang-hiya ang araw sa tindi ng sunny aura mo today. Baka ma-sunburn ang mga tao rito," sabi niya. "Buti nga kung ganyan ang mangyayari," sagot ko. "Also, binabayaran tayo para pagsilbihan sila. We should at least smile at them. Ayoko namang masabihang masungit. . ." ". . .kahit totoo naman," panabay naming sabi ni Zoe. "Hay naku, Elio. Buti na lang talaga at walang mali sa utak mo, ano? Kung hindi ay napagkamalan na kitang may split personality," dagdag pa niya. "Shut up. Go back to work," sabi ko naman sa kanya bago ako lumapit sa table dahil tinawag ako ng isa sa mga tao roon. ●●● Skyler's POV "Ate Hildy, baka naman masobrahan ka ng inom. Ni hindi pa nga nagsisimula ang program," sabi ko sa kapatid ko nang magpa-refill siya ng champagne. "Don't be silly. Mataas ang tolerance ko. Besides, this is just my second glass. You sound a lot like mom," Ate Hildy said with a wave of a hand. Maging si Kelly ay nagpa-refill din. "Thank you so much," sabi niya doon sa waiter. Ngumiti naman pabalik ang huli. "Do you recognize him, sir?" baling sa 'kin ni Kelly nang bumalik na ang lalaki sa puwesto niya. "That was the guy who served our food back in the restaurant." "I know." Medyo nagulat ako kanina pagkakita ko sa kanya. I wasn't expecting naman kasi na isa siya sa mga waiter dito. He looks nicer and tidier today. Dala siguro ng uniform niya at ng malinis niyang gupit. Still, iba rin talaga ang behavior niya kapag nagtatrabaho siya. Well, at least he's being professional. "Aalis po muna ako," paalam ko sa mga tao sa mesa. "May time pa naman before the program starts. Kukumustahin ko lang ang mga bisita at ang mga bata." Kelly drained his wine glass. "Sasama po ako sa inyo, sir." "Okay. See you later, anak," sabi naman ni mama. As I turned away, pinadaanan ko ng titig 'yung waiter na nasa bandang likod ko. He's still all smiles and rainbows while holding the champagne bottle. However, I can see in his gray eyes a certain coldness. Umiwas na lang ako ng tingin at baka magkaroon pa kami ng staredown contest dito. My art exhibit tonight is also an auction event for my artworks. Fundraising na rin para sa charity na sinusuportahan ko. Financial donations will be given full to the charity. Malaking parte rin ng kikitain ngayong gabi ng mga paintings ko ay mapupunta sa funds ng charity na tumutulong sa mga batang may cancer. In fact, nandito ngayong gabi ang mga bata at ilang members ng staff ng charity. Malapit naman talaga ang loob ko sa mga bata. Isa rin sa mga rason kung bakit ayaw ko pang mag-settle down ay dahil sa mayroon naman na akong mga pamangkin. I love kids, but I don't really need to have my own. "Buti po at nakapunta kayo," sabi ko sa namamahala sa charity na si Mrs. Pelez. Nasa isang table sila malapit lang kung nasaan kami. "Salamat din po sa pag-imbita sa 'min, Sir Skyler. Maraming salamat din po sa tulong niyo," sagot naman niya. I am an artist, and aside from expressing what I want to say via my art, sinisiguro ko rin na nakakatulong talaga ang craft ko sa ibang mga tao. Kung hindi ko man mabigyan ng pera ang gusto kong tulungan, I raise awareness about their cause through my art. Hindi naman sa binubuhat ko ang sarili kong upuan, pero kilala naman ako internationally. Marami na akong natulungan. Habang nakikihalubilo ako sa mga bata ay biglang lumapit sa 'min si Ms. De Vera. "Mr. Alba, magsisimula na po ang program. Kailangan na po kayo backstage," sabi niya. "Oh, okay. Mauuna na po muna ako. Enjoy niyo lang po ang gabing 'to," sabi ko sa mga kasama ko. Habang naglalakad kami papunta sa backstage ay nakasunod naman sa 'kin si Kelly. "Ipapakilala ka po ng host, and then you will deliver your speech. Magbibigay ka rin po ng kaunting hint about your paintings. After that, dinner will commence. Actually, I think they're already serving appetizers. Be quick with your speech, sir," sabi niya. "I know. You don't have to remind me," sagot ko naman. "Just making sure, sir," sabi ni Kelly. "Anyway, babalik na po ako sa table natin. Good luck po!" Pagkarating ko sa backstage ay saktong nagsasalita na ang host. I took a deep breath and relaxed myself as the host finished his introduction. Nang tinawag na niya ako at nagpalakpakan na ang mga tao ay saka ako lumabas at naglakad papunta ng stage. I bowed a bit at the applauding people bago binigay sa 'kin ng host ang mic. "Good evening. I know that we're all hungry, so I'm going to keep this speech short. Please forgive me for stealing some of your time with your appetizers," I said with a small smile. The crowd laughed. "As you all know already, tonight's event is dedicated to the children of the Young Warriors Charity. This charity helps children with their battle against cancer. Not everyone knows this, but I actually love children. In fact, I have my own nephews and a niece whom I adore so much. They just take away all my stress and problems." "I had a happy childhood, all thanks to my family and friends. It was fun and enjoyable, and I was able to live my childhood as a, well, kid. Unfortunately, not all children in the world were lucky enough to experience my own childhood. Some of them had to grow up rather a bit too early. Some of them fight battles that are just too great for a child. Some of them don't get to live their childhood at all." My eyes suddenly caught the waiter from earlier who, just like everybody else, was looking at me intently ever since I started speaking. However, as I continued to talk about childhood, he seemed to lose interest before eventually heading towards the direction of the kitchen. "The artworks that you are about to see later tonight were inspired from the different battles that these children are fighting. They symbolize the purity in their fragility, the innocence in their vulnerability. . . The paintings that you are about to see tonight aren't just mere paintings. They're made of hopes and dreams and wishes. These paintings mirror not only the battles that these children are fighting, but also their very hearts and souls." I paused before scanning the people in front of me. "Once again, thank you very much for attending this art exhibit. Enjoy the rest of the evening, everyone," I said. The people applauded once more, and I stepped down from the stage before going back to my table. "That was good one, sir," Kelly said. "Yeah. Thanks," I replied. I looked behind me and saw that the waiter still hasn't returned from the kitchen. I don't really understand why or how, but I have a strange feeling that I offended him again because of what I said earlier.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD