Kabanata 19 Art Napaigtad ako ng may yumapos sa beywang ko habang nag aahin ako ng pang umagahan. Inabot ng mainit na kamay ang umbok ng tyan ko at malamyos niya iyong hinaplos. Hindi mapigilan ang pagtataasan ng mga balahibo mula sa leeg hanggang sa dulo dulo ng katawan ko. Naramdaman ko rin ang marahang halik nito sa aking tainga, pababa sa leeg ko. "Good morning" he whispered after. His voice sent shiver down to my spine. God, yano! "Yano.." asik ko sa kanya. Naiilang kasi ako. Gusto ko sana ay tigilan na niya ang pagiging ganito pagka't hindi naman na ito kailangan. Handa naman na akong pakawalan siya, hindi na dapat niya ako pinapaasa pa. "How was your sleep?" he asked. Ganoon parin ang ayos niya. Hindi parin niya ako binibitawan kahit anong pagwaksi ko sa kanya, para siyang i

