Kabanata 20 Off "Devon.." tawag sa akin ni yano. Agad nawala sa telebisyon ang paningin ko at nagawi iyon sa kanya. Nakita ko ang bihis na bihis na yano na bumubungad ngayon sa pwesto ko. Kunot noo ko siyang tinitigan. Ano naman ba ang trip nito ngayon? Simula kasi noong sinabi ko ang tungkol sa paghihiwalay namin, narito siya laging nangungulit, laging nagpapalambing. What is his point of doing this things? "Magyayaya ka na naman bang lumabas?" walang gana kong saad. Dati rati ay kaunting pansin lang niya sa akin ay magkanda-matay matay na ako sa kilig. Isa ito sa mga pangarap ko na ngayon ay unti unti ng natutupad. Ngunit naroon sa akin ang lungkot sa bawat palaisipan. Hindi ko na kayang maging masaya habang ginagawa niya ang mga ganitong bagay, siguro ay totoong napagod na ako. Na

