|CHAPTER TWENTY EIGHT| NANATILI nalang ako sa opisina pagkatapos nang nangyari kanina. Hindi ko alam kung nakaalis na ba siya o nasa VIP room pa. Pake mo naman Astherielle? Tanong ng isip ko. Napabuntong-hininga nalang ako at napasabunot sa sariling buhok. Bakit ko ba siya iniisip? Wala na kami! Halata na ngang naka move on na siya saakin eh. Siguradong si Blythe 'yong hinihintay niya kanina. "Argh!" Mas lalo kong sinabunutan ang buhok ko at bahagyang inuntog ang ulo ko sa table. "Tama na Astherielle! Nahihibang ka na!" Saway ko sa sarili. Binalingan ko ang mga papeles. Pilit kong inasikaso 'yon pero nang hindi ko na makayanan ang pagkahibang ko ay tumayo ako. Kinuha ko ang bag ko. Bahala na kung maaga akong uuwi kesa sa nakasanayan kong oras. Lumabas nalang ako ng opisina at sin

