|CHAPTER TWENTY FIVE| NAGISING ako dahil sa maiingay na boses. Masakit ang aking likod. Masakit ang buong katawan ko. "Thank you." Pamilyar na boses ni papa ang narinig ko habang hindi parin ako nagmumulat. "You're welcome sir." Isa na naman ngayon na pamilyar na boses ang narinig ko. Ilang segundo ko lang na inisip kung kanino 'yon nang mapagtantong si Doc David 'yon! Dahan-dahan ko na binuksan ang aking dalawang mga mata. Medyo malabo pa ang aking paningin ngunit ilang sandali lang ay klumaro na ito at puting kisame kaagad ang aking nakita. Matagal akong nakititig doon nang mapagpasyahan kong balingan sina papa. Tumagilid ang aking ulo at nakita silang dalawa sa may pintoan na seryosong nag-uusap. Kumurap ako at mahinang tumikhim para marinig nila. Nagtagumpay nga ako at bumaling si

