|CHAPTER TWENTY FOUR| SUMUNOD ako sa kaniya hanggang sa pool. May mesang gawa sa metal na nakalagay doon at may mga bangko rin. Doon kami sa gilid pumunta at siguradong walang makakarinig saamin pwera nalang kung sisigaw. Humarap ito saakin pagkatapos maglakad at agad akong binungaran ng galit at madilim na mukha. "Talagang hindi ka pa nakuntento at sumama ka pa dito para lang i-anunsyo 'yang pagbubuntis mo?!" Sigaw niya saakin. Napakagat ako ng labi. "S-Si Ashton po ang may gusto na—" "Hindi ka pa ba titigil?! Gusto mong pati lahat ng kayamanan niyo ay kunin ko?!" Sigaw niya parin. Nagulat ako sa sinabi niya. So totoo nga na siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to? Lahat ng mga problemang kinakaharap ko ngayon? "I said leave my son! Leave Ashton!" Dagdag nito. Yumuko ako at pilit n

