#WTMH Roll 14: Chasing Her pt. II

4739 Words
CALIFORNIA Baxter was reading a magazine on the lobby while waiting for Isaiah to come down from the top floor. May meeting kasi ang amo niya sa isang may-ari ng kompanyang balak bilhin ng mga Miller. Habang ang mata'y nakapako sa magazine, aabutin na sana niya ang Starbucks French brewed coffee niya nang tumindig ang balahibo sa likod ng sentido niya. Pagtaas niya ng tingin ay dumaan sa harapang ng building ang itim na Audi ulit. 'Shit... ang kotse yun kagabi 'ah.' Kinuha niya ang cellphone at tinawag ang isang kakilala sa Security Department ng department. "Hutton. Can I have a favor? Yeah..." Tumayo siya. "Minutes ago, there's a black Audi car that passed infront of the building. Can you check the CCTV for its plate number? Yes. Yes, just text me the number." Isaiah arrived sporting a dark grey slack and black shirt with sleeves rolled on his elbow. "Tara?" "Si Nadia po?" "Tawagan mo. Nasa kaniya phone ko 'eh. Sabihan mo nalang na dadaanan natin sa kanila." Nakapamulsa nitong lakad papunta sa exit. Employees and heads alike, upon seeing him, smile and nod on his direction. Susunod na sana si Baxter nang makatanggap ng text mula sa Security Dept. '3ZTYJ55' "Boyet?" Lingon ni Isaiah sa kaniya. "A-Andiyan na po, Sir." Silid ni Baxter sa cellphone nito sa bulsa. . . Nanlaki nalang ang mata ni Baxter nang makita ang malaking kissmark ni Nadia sa leeg nito nang sumakay ito sa sasakyan. "Ohoyy~ kaya pala di ka agad nakapasok. Ano pa nobyo mo? Isda? Laking kissmark yan 'ah!" "Shut up and drive." Namumulang hila ni Nadia sa seatbelt. "Good morning, Sir." Bati nito sa amo sa likod. Isaiah just nod while looking outside the window. As Baxter starts the car's ignition, his hands freeze from holding the car's steering wheel upon seeing the black car again from the side mirror – parked three cars away from them. "Anong --- " "Drive, Boyet." Napatingin si Baxter sa rearview mirror. "Sir, nakita niyo po --- " "I know." Isaiah's blue-eyes sharpen as he was also looking at the side mirror showing the Audi. "Nahalata niyo rin, Sir?" Naguguluhan, pinaglilipat ni Nadia ang tingin sa dalawang lalake. "B-Bakit? Ano meron?" "This is their 3rd day, in fact." Sumandal si Isaiah sa upuan. "Tatlong araw na silang sumusunod sa atin, Sir?!" Gulat na lingon ni Baxter sa kaniya. "Kagabi ko lang nahalata." "That's a new Audi model. Released last week. Kahit sinong marunong magmaneho'y alam na alam na bago ang sasakyan na 'yun." Dahil tinted ang bintana ng Chevrolet nilang kotse ay malaya silang lumingon kahit saan sa labas na di nakikita sa loob. Isaiah turns and looks at the Audi. "It caught my attention at first since it's a new car. Then I noticed that I've been seeing it wherever we go." "H-Hoy..." Kinakabahan na singit ni Nadia. "What's going on?" "Where's my phone, Nadia? I'll call back-up. Papalibutan muna natin sila bago natin palalabasin sa kotse nila." Nagkukumahog na kinuha ni Nadia ang cellphone ng amo sa bag nito at agad ini-on. "O-Opo." "Sir, paano pag may baril?" Tanong ni Baxter. "No, we'll stay here. Pasasaan ba't lalabas rin ang mga iyan at lalapit pag nagtakang di tayo umaalis dito sa loob ---- " Napalingon nalang silang dalawa kay Nadia nang magkasunod-sunog na umingay ang Iphone niya. "What's wrong, Nadia?" Nagulat nalang si Nadia sa daming text na natatanggap. "S-Sir... 133 messages from your mother." "From mom?" Nagsalubong ang kilay niya at inabot ang cellphone. PHILIPPINES Walang gana si Lizbeth na nagsasampay ng mga nilabang kurtina sa likod ng bahay nito. Di sumasagot ang anak niya sa tawag at messages niya. Nawawala pa ang isang anak-anakan niya. Gusto niyang maiyak sa lungkot. Sa pag-aalala 'ata siya gusto patayin ng mga ito. Di niya mapigilang maluha. Di talaga kailanman mararamdaman ng dalawa kung gaano siya kapraning ngayon. Ang isa nawawala. Ang isa piniling mawala. Sana naging pusa nalang mga anak niya. Gagala sa gabi, pero uuwi talaga sa umaga. Hahablot na sana siya ng isang basang kurtina sa planggana nang marinig ang isang pamilyar na tono. "T-Teka? Cellphone ko 'yun ah!" Mabilis niyang takbo papasok sa bahay. Napabalikwas pa nang bangon si Peashooter mula sa prenteng pagkahiga nito sa sahig ng kusina. 'HUKLLLLLUBBBAAAAN!!!' Lizbeth immediately grabs her phone. "Hello? I-Isaiah???" Isaiah: "Mom? You sent me ---" "LETSE KA, ISAIAH!!" Inis na inis na singhal at iyak ni Lizbeth sa cellphone. "BA'T ANG TAGAL MONG SUMAGOT SA TAWAG KO! SAAN KA BA NAGPUNTA HA!!! Papatayin niyo b-ba ako??" Hagulhol niya. Isaiah: "What's wrong?" "S-Si Isla..." Hikbi niya. CALIFORNIA Isaiah turns to look at the black car. "Mom, about her... I think we should really move on." Nakaparada pa ito. "She has a different life now – different name. It won't be easy but --- " Lizbeth: "ANO BA PINAGSASABI MO?!" It ticks him off. "All I'm saying is we should forget her --- " Lizbeth: "KALIMUTAN?! NAWAWALA SIYA, ISAIAH!!" He froze. "What?" Lizbeth: "NAWAWALA SI ISLA, ISAIAH!!! MAY NAGHANAP RITO NA MGA TAGA-SCOTLAND... ILANG ARAW NA SIYANG NAWAWALA." His clutch on the phone tightens. Nagkatinginan nalang sila Baxter at Nadia sa biglang pananahimik ng amo nila. PHILIPPINES "I-Isaiaaaah~" Hagulhol ni Lizbeth. "N-Nawawala ang anak ko.... n-nawala si Isla..." Parang naupos na kandilang napaupo siya sa sofa at tulad ng isang nag-aalalang ina na di alam kung anong nangyari at saan ang anak, para siyang nababaliw sa daming masasamang ideyang pumapasok sa isip niya. "Isaiah... hanapin mo si Isla, anak... Para na akong namamatay rito, anak..." CALIFORNIA "Mom..." His voice quivering with anger. "C-Calm down." FUCK! He can't even f*****g calm himself down. Buong pagtitimpi niyang pinakalma ang ina. "I-I'll find her. I promise." Kahit di sabihin ng ina'y gagawin talaga niya. At pag nakita niya ito'y literal na tatalian talaga niya ito ng kadena sa paa. Damn her for f*****g his emotions!! He turns off his phone. "Sir?" Untag ni Baxter. Marga's been missing for days. He turns to look at the black car again. This has been following them for days as well. "f**k back-up!" Halos itulak niya pabukas ang pintuan ng kotse. "SIR!!" Natatarantang labas na rin ni Baxter at Nadia. Isaiah walks towards the Audi. With thinning patience and suppressed anger, his face was blank yet resentful. May lumabas na isang lalakeng naka-itim na tuxedo. "Mr. Miller, I'm Hughes from ---- " Bago pa mapigilan ni Baxter ang amo ay agad na dinaklot ni Isaiah ang lalake sa kwelyo at malakas na dinamba ito sa kotse ng mga ito dahilan para magsilabasan ang mga kasamahan nitonng naka-itim rin. They immediately pull their guns out and aim it at Isaiah. "Sir!" Hawak ni Baxter ni Isaiah sa braso nito. Yet Isaiah's grip on the man's collar is not loosening at all. Instead he pulls it up, choking the man. "LET HIM GO!" Sigaw ng isa nitong kasama. "S-Sir... m-may baril sila." Pilit na hila ni Baxter sa amo. Despite Baxter's force on pulling Isaiah's arms and the imminent danger around them, he remains unmoved. Face red with anger, ready to kill with his bare hands, he gritted his teeth. "Where. Is. Margaret..." "UGH!! UGH!!" Ubo ng nagpakilalang Hughes na halatang di makapagsalita dahil sa pagsakal ni Isaiah rito. "UGH!!" "SIR! MAPAPATAY MO SIYA!!" Sigaw ni Baxter. Dahan-dahan na may tinaas ni Hughes na isang sulat. Doon na lumuwag ang hawak ni Isaiah na agad na binitawan ang lalake. His eyes immediately scan the paper. It was an interrogation warrant. [A/N: Interrogation Warrant - is generally an order that serves as an authorization that the holder of that document can take anyone into custody and question/investigate them about a case – whether they like it or not. Declining such warrant is a ground for criminal offense.] Andoon ang pangalan niya. They are searching for the right time to serve the warrant and question him if he knew anything about the princess' disappearance. What shake Isaiah's mind was not seeing his name on the paper. But the fact that Margaret is really missing. The warrant has the seal of Scotland. Therefore, the Queen already exhausts all her efforts on searching every corners of Scotland and finds out that the princess was not in Scotland anymore. Ganitong nagpadala na talaga ito ng tao... sa Pilipinas man o dito sa Amerika ay desidido talaga ang reyna na mahanap ang nawawala nitong apo. 'Where are you, Marga...' He crumpled the paper with contempt and concern. "Mr. Miller," Hinihingal na tawag sa kaniya ni Hughes. "We need to take you to a nearby police station t-to question about --- " He raises his chin. "Tell the Queen to f**k off." Bilang matapat na tauhan ng reyna'y nagalit ito. "YOU IGNORANT FOOL --- " Isaiah smirks, danger still lurking his dark azure eyes. "Fool?" Lapit niya rito. "Sirrrr...." Buong lakas na hila ni Baxter sa braso nito para pigilan itong basagin ang mukha ng kaharap. Isaiah slams his fist on their Audi's roof, denting it to the men's shock. "Sabihin niyo sa reyna at sa prinsipe..." Sa malalim pero makamandag na boses niya, nanigas sa takot ang mga tauhan ng Scotland. "Unahan nalang kaming hanapin ang prinsesa. Once I find her... tell the Queen... to look for another princess to rule her country because I'm not returning her back." Napalunok si Hughes na nakatitig sa kaniya. "Don't forget to remind Queen Mary.... the message is from an Isaiah Miller." Doon palang nakahinga ng malalim si Hughes nang lumayo ito sa kanila. Pigil-pigil si Isaiah na wag ihambalos ang cellphone sa kalsada sa sobrang galit. He still needs to call someone. DENMARK Sumilip si Hunter sa asawang kumakain ng ice cream sa sala ng kanilang nirentahang vacation house sa Denmark. They are still in the middle of their honeymoon when Naomi, out of nowhere, stops talking to him. Ayaw na rin siya nitong kausapin. They are supposed to be under the sheets right now, making the best out of the cold water by making love. Ano bang nangyayari sa asawa niya? Ito ba ang sinasabi nilang naglilihi? Gusto man niyang magtampo pero pilit niyang iniintindi ito. Dami niyang binasang pregnancy books kagabi para alamin ang mga signs ng first trimester. Baka lang naman kasi may junior na siya --- Napatalon siya nang nag-vibrate ang phone niya. His eyes are still on his beautiful wife when he answers the phone. "Lin." Isaiah: "Hunter. I need a plane. To Philippines." "Isaiah ---- " Isaiah: "I need it here. 7PM later." "No can do, bud. Walang direct flight papuntang Pilipinas. Mag-s-stop over kayo sa Hong Kong. That's the best and short route you'll have." Isaiah: "Done." "Para saan ---- " At pinutol na nito ang tawag. "Huh? Ba't kailangan pa niyang manghiram sa akin 'eh ang dami nilang eroplano ----" "DI BA SABI KO SA'YO, AYOKONG MARINIG ANG BOSES MO!!" Sigaw ni Naomi mula sa sala. "ANG PANGIT!" Dinama ni Hunter ang dibdib niya. "Wife, that really hurts. You always love the way I whisper in your ear --- " "SHUT UP!" Tinaas nalang ni Hunter ang dalawang kamay bilang pagsuko. CALIFORNIA Throwing clothes into a sports bag, Nadia just follows her boss' movement with her eyes. "Uhhh... s-sir... Aalis po ba kayo --- " Natahimik si Nadia nang lumingon ito sa kaniya. "S-Sir?" "Di'ba magkaibigan ang boyfriend mo at si Marga?" "S-Si Alban p-po? Opo." "Did he tell you anything about Marga?" Nanlumong umiling si Nadia. "W-Wala po, Sir 'eh. Wala siyang nabanggit." Binagsak ni Isaiah ang katawan nito sa kama. With one arm covering his eyes, he mutters her name. "Margaret..." "Tanungin k-ko po si Alban, Sir?" Umiling ito. "Don't. Alban has a soft spot for Margaret. He might send his own troop to find her. It's chase between me and the Queen, Nadia. So, don't tell him." "Opo." Nakita ni Nadia sa mukha ni Isaiah ang pagkahapo at matinding pag-aalala sa babae. "Sir... y-yung mga schedules niyo po?" "Hold them all off. I'll assign an officer-in-charge." "Y-Yung lola po ninyo?" And that was the reason he didn't use any airplane of the Miller Aviation Corp. Mawawala kasi siya uli sa opisina at alam niyang hahanapin siya ng abuela niya --- she can immediately trace him. "K-Kasi po... bibisita na naman 'yun at itatanong --- " "Nadia." Putol niya rito. Bumangong paupo siya sa kama. "P-Po?" "I am the Miller and she's not." Napatitig ang babae sa kaniya "So you listen... only to me." Unti-unting gumaan ang pakiramdam ni Nadia. Ngumiti ito. "O-Opo, sir." "I get the final say if you're out or not." Tumayo ito at tinapik ang balikat niya. "Do I have your loyalty?" Tumango si Nadia at sumaludo pa. "100%, Sir!" "Good. If Grandma comes by at the office. Tell her to mind her own business. I got your back." Humagikhik si Nadia. "Sir, kung alam mo lang gaano ko na kagustong sabihin 'yan sa lola mo at kay Doc. Diana." Lumapit uli si Isaiah sa close at pinagpatuloy ang pagsilid ng mga damit sa bag. "Sir?" "Hmm?" He turns to her. "Mahahanap niyo rin po si Miss Marga." He sighs. "I know." His eyes look down on the green jersey he's holding that Isla loves to wear. "Because I don't know what I would do if I don't." Malungkot na ngumiti si Nadia. Here's the man... weak without his better half. BATANGAS | PHILIPPINES Eyes wandering the terminal she arrived into, Marga clutches the strap of her backpack to calm her nervousness. Di pa siya nakapunta rito kaya medyo naduduwag siya kung ipagpatuloy pa ba niya o hindi. 'Kaya mo 'to, Marga.' Pagpapakalma niya sa sarili. It's already late to back-out plus, from almost 9-10 hours travel she had, she's far away from home. It's now or never. Hinubad niya ang backpack at sinalag ito sa ulo para protektahan ang sarili sa matinding init ng tanghali papunta sa panibagong ticketing booth para magtanong. How she wished she is on the right track. "Magandang hapon po." Bati niya sa matandang lalake na nakaupo sa likod ng lamesa. "Magtatanong po sana ako. Ano po ang sasakyan papuntang..." BRGY. TAGPI "Chichi!!!" Sigaw na tawag ni Junrey mula sa bintana barong-barong nilang bahay. "Tama na sa kakasayaw, bwesit kang bakla ka!!! Di ka pa tapos sa labahan mo!!" Pawisang huminto ang may mahabang blonde na buhok na may taas hanggang bewang na si Chichi mula sa pagtuturo sa mga bata ng sayaw na Kill This Love ng BlackPink. "Paps naman! Tinutulungan ko lang sila sa dance challenge. Baka makuha nila atensiyon ni Jessica Soho tapos ma-#KMJS tayo." "Pag itong kamao ko bumaon sa mukha mo, ma-K-KMJS ka talaga!!!" Ngumiwi si Chichi at pinusod ang buhok. "KJ mo naman!" Nilingon niya ang mga batang babae. "Bukas uli. Doon na tayo sa may barangay hall magpapa-practice para di kita ni Papshieee~" Nang magsitanguan ang mga ito at isa-isang masayang umalis, binagtas ni Chichi ang lumang riles ng tren papunta sa bahay. Itutulak na sana niya pabukas ang pintuan nang may nahagip ang paningin niya na dalawang lalakeng naka-pormal na itim na suot. Nakatayo ang mga ito sa lilim ng isang puno. "Hmm? Sino sila?" Di niya alam saan ang mga ito nakatingin kasi naka-shades rin ang mga ito ng itim. "Chichi!" Sigaw ng ama niya sa loob. "Pag di ka pa pumasok, puputulin ko yang alagang-alaga mong buhok!!" Natauhan siya. "Yung t**i ko nalang putulin mo, Paps!" Sabay pumasok sa bahay. STA. CLARA HOME FOR THE AGED "Sister Gina." Lapit ng isang bagong madre sa nakakatandang madre. "A-Ayoko po maging praning.. p-pero.." Naudlot ang paggugupit ni Sister Gina sa mga tanim nilang bonsai sa hardin. "Ow? Bakit, Sister Anita?" "Kanina po kasi, nung umalis ako para mamalengke. May nakita akong tatlong nakaitim na damit na mga lalake sa harap ng gate natin. N-Ngayon p-po kasi.." Lingon nito sa gawi ng gate. Pumasok na roon ang mga lalakeng naka-itim na para bang mga bodyguard ng isang kilalang tao. "Sino po sila?" Tanong ni Anita sa matandang madre. Umiling si Sister Gina. "Di ko alam. Tawagin mo si Sister Faustina sa opisina niya, Sister Anita." Agad naman tinaas ni Anita ang skirt ng puting damit pang-madre niya hanggang tuhod at tumakbo papalayo. BRGY. de ASIS Kasalukuyang winawalis ni Celestina ang mga tuyong dahon ng talisay sa munting bakuran nila habang nag-iigib naman ng tubig ang panganay niyang si Redor mula sa kalapit na poso papunta sa kanilang banyo. "Punuin mo na rin ang mga balde sa kusina, 'nak." "Opo, Ma." Sagot nito. Niyuko ni Celestina ang mga nagkukumpulang dahon sa lupa para sunugin. Nang simula na itong umusok, humakbang siya patalikod. "Mama?" Boses ng bunsong anak niyang si Roxanne. Nilingon niya ito. "Oh?" Pero ang tingin nito ay di sa kaniya kundi sa may dakong labas ng gate nila na gawa sa pinagtagpi-tagping plywood. Sinundan niya ang tingin nito. Agad bumilis ang t***k ng puso niya nang makitang may pumaradang itim na kotse sa harapan ng bahay nila at lumabas roon ang tatlong naka-itim na lalake. "Redor." Naudlot sa paglabas ng bahay nila ang panganay niya. "Kunin mo si Roxanne at pumasok kayo sa loob. Wag na wag kayong lalabas." BATANGAS PIER | PHILIPPINES Halos di makahinga si Marga nang tumambad sa harapan niya ang isang bankang de motor na pwedeng magpasakay ng sampung katao. Kahit tirik na tirik ang araw ay nakaramdam siya ng panlalamig pero pinagpapawisan siyang tumingin sa dagat. It was blue and calm... contrasting the storm inside her. 'N-No... I- I can't.' Namumutla niyang tingin sa umaalog-alog na bangka ayon sa alon. > Marga looks up as the sunlight slowly dies while her weight is pulling her down deeper the ocean. Dinaklot niya ang dibdib. Para siya uling nalulunod. Nahihirapan siyang huminga. > "Huh?" Di agad nakahuma si Marga sa sinabi ng matanda. "S-Sasakay po ng bankang de motor?" > "Kung doon ang punta mo, ineng, oo. Wala ng ibang masasakyan papunta doon. Pwera nalang kung may helicopter ka." Her heart is beating fast and the only sound she can hear is her rapid breathing. "Miss." Untag ng nakasunod sa kaniya na babae. "Sasakay ka ba o hindi?" Nanginginig siyang pumikit. > "Always remember my blue eyes every time you look on the ocean, Isla." Dahan-dahan siyang nagdilat ng mga mata at nagbuga ng hangin. Sa mga nanginginig na mga kamay ay humawak siya sa kahoy na hagdan papunta sa bankang de motor. > "Always remember my blue eyes every time you look on the ocean, Isla." She breathes in a patterned sequence. Two seconds, inhale. Two seconds, exhale. > "When you get scared of the sea... remember this day. Slowly, she walks towards a seat. Halos mapudpod ang mga kuko niya sa kamay sa higpit na pagkahawak sa balustreng kahoy sa gilid ng bangka. > "When you're afraid... always reach out and hold my hand." Dahan-dahan siyang umupo sa isa nga mga upuan sa bangka at niyakap ng mahigpit ang backpack niya. > "Fear always stays deep within us. You control it by not letting it control you." "I-Isaiah..." Mariin siyang pumikit yakap-yakap pa rin ang bag nang nagsimula nang umandar ang makina ng bangka. TARMAC | CALIFORNIA [A/N: Tarmac - is the area of an airport where aircraft are parked, unloaded or loaded, refueled, or boarded.] The evening wind brushes Isaiah as he was looking at a silver aircraft exiting a huge storage. Wearing a white-shirt under a brown leather jacket, he crosses his arms in front of his chest then checked the time on his sports watch. An airplane technician was signaling the pilot inside the plane to successfully unload the aircraft outside the storage. "Sir." Nilingon niya si Baxter na maraming dalang paperbag. "Hehehe... Uuwi kasi tayo sa Pilipinas. Pasalubong ko sa mga pamangkin ko." He answers a nod. "Wag kang mag-alala, Sir. Ramdam kong ligtas si tomboy." "She can't survive alone, Boyet." He looks at their air vehicle being physically checked with five airport technicians. "Ibang tao nalang palagi ang nagpapa-alala sa kaniya na kumain. Ibang tao palagi ang nag-uutos sa kaniya na matulog ng maaga. She is so damn heroic to the point that she can forget herself in the middle of helping others. She can't. Survive. Alone." Nagtiim-bagang siya. "I'm gonna wring her neck if I found her." "S-Sir... di kaya siya na-kidnap?" Napalingon si Isaiah sa katabi. "I-Isang posibledad r-rin yun di'ba?" He shakes his head. "Nope. I am sure she ran away. If she was indeed kidnapped... matagal nang nagkagulo ang buong Scotland at Ireland ngayon. Her name will already be on tabloids and televisions and social media." "O-Oo nga no. Sa tingin mo, Sir? Saan siya nagpunta?" "I have no idea. But I won't let the sun sets on me until I find her." Blue-eyes reflecting the darkness of the evening. "This time, I won't let her go even she begs me to." At naglakad na si Isaiah papalapit sa eroplano. BALMORAL CASTLE | SCOTLAND Di mapakali si Joaquin na panay ang silip sa cellphone baka may tatawag sa mga taong pinadala ng reyna sa Pilipinas. "Why don't you sit down, Joaquin?" Saad ng reyna na noo'y nagbabasa ng libro. "B-But Queen Mary. W-What if Marga's is harmed --- " "She's not." Queen Mary's eyes sharpen as she remembers Nelson's words the last time they talked. > "You can't use force on everything, Mary." Oh, she will... because she can. Nilingon ni Mary ang binata na halatang nag-aalala sa prinsesa. "I know she's in Philippines. Pag pinausukan mo ang kweba ng daga, lalabas at lalabas ito." She drinks wine from her crystal glass. "Marga knows I can find her. Alam rin niyang kahit saan siya magtago, babalik at babalik pa rin siya rito." "W-Why?" She turns to the prince. "Hawak-hawak ko ang buhay ng apat niyang tatay-tatayan." [A/N: On Book 1, it was said that if Marga won't come with the Queen to Scotland, she'll push through the death penalty of Rene, Jerome, Pablo and Junrey as punishment for killing Princess Helena.] Napayuko si Joaquin nang nag-vibrate ang phone niya. It was Hughes. Agad niyang itong sinagot. "Hughes, any report?" CALIFORNIA Dinama-dama pa rin ni Hughes ang leeg nito mula sa higpit na pagkakasakal ni Isaiah Miller sa kwelyo niya. Ngayon ay pinagbatas nila ang daanan papunta isa isang airport. "Prince, negative. It seems that his Miller guy has no idea where the Princess as well." Joaquin: "Don't let him out of your sight. He might find a clue." Hininto ng driver nila ang kotse kahit di pa nila napasok ang airport. "Bakit ka huminto?" Tanong ni Hughes. May tinuro ang kasama niya. "Di'ba yun yung Miller na sinusundan natin?" It is indeed. They saw Isaiah and his companion climb a steel stair and into an airplane. Kinausap uli ni Hughes ang prinsipe sa cellphone. "We're on it, Prince Joaquin." ROMBLON | PHILIPPINES Tutok na tutok si Miguel sa hinahabi niyang lambat sa isda habang katabi ang Lolo Kiko niya. "Lo, tama po ba 'to?" Pakita sa ginawa niya sa matanda. Gabi na noon at tanging simoy ng hanging-dagat ang nagpapalamig sa katawan nilang mainit pa mula sa kakabilad nila kanina sa araw para lang turuan ni Kiko ang apo paano ang tamang pagsagwan ng bangka. "Wag mo masyadong liitan ang butas. Makukuha mo rin pati ang mga batang isda." Buga ni Kiko ng usok mula sa hinihithit nitong tabako. "Sige po. Uulitin ko." "Miguel." Dungaw ni Elaine sa bintana sa ikalawang palapag. "Magbanlaw ka na. Matutulog na tayo. Sasamahan pa kita sa bayan bukas para sukatan ka ng uniform." "Opo..." Sagot ni Miguel na ang tingin ay nasa lambat na ginagawa pa rin. "M-Magandang g-gabi po." Kapwang napatingala ang dalawang lalake sa kahoy na gate nilang hanggang beywang lang ang taas. Nakatayo roon ang isang babaeng naka-sombrero at may suot na backpack sa likod nito. "Magandang gabi rin. Ano po sadya?" Tanong ni Kiko sa babae. The woman steps into the dim light of a nearby street light. Nahigit ni Miguel ang hininga nito sa kagandahan ng babae. "A-Ang ganda niya, Lolo." "I-I'm looking f-for Miguel." Nagkatiningnan ang dalawang lalake. "Kilala mo siya, hijo?" Tanong ni Kiko. Mabilis na umiling si Miguel. "D-Di po. Ngayon ko palang siya nakita." Tumayo siya mula kinauupuang kahoy na upuan. "A-Ako po si Miguel." Di agad nagsalita ang babae na halatang nagulat nang makita ito... na isang bata. "H-Hi. I-Is Ms. Hailey here?" "Hailey?" Umiling ang bata. "Wala pong Hailey na nakatira rito." Binagsak ni Kiko ang upos ng tabako sa lupa at tinapakan ng tsinelas nito. Naalala nitong may isang araw na napulot niya ang I.D. ng in ani Miguel nung nagmamadali itong umalis papuntang Manila. Mukha naman ni Elaine ang andoon pero Hailey Zamora ang nakalagay na pangalan. "Miguel. Baka kakilala niya ang mama mo. Tawagin mo muna." "S-Si Mama? O-Oh sige." Takbo ng bata papasok sa bahay. "Tuloy ka muna, hija." Alok ni Kiko. . . "Ma?" Nilingon ni Elaine ang anak na sumilip sa pintuan ng kwarto nila. Naudlot ang pag-aayos niya sa kama. "Oh?" "Someone's looking for you." "Who?" "Babae 'eh." . . "Next time, Miguel... It will be more polite to ask the stranger's name first. I already told you that." Pangaral niya sa anak habang pababa sila sa hagdan. "She's really pretty, Ma." "Pretty?" Huminto sila sa paanan ng hagdan at nakangiting nilingon ang anak. "Kaya pala di mo natanong ang pangalan niya kasi na-star-struck ka." Namula ang anak. "Mama naman! I'm too young for that!" "I thought you're not a baby anymore." Miguel just rolled his eyes upward. "So who is this ----" Naputol ang susunod na sasabihin ni Elaine nang paglingon niya'y agad niyang namukhaan ang babaeng nasa b****a ng bahay nila. The red-hair is unforgettable but it was.. cut short. "I-Isla?!" The princess raises her pale face towards her. "M-Ms. Hailey?" "W-What are you doing here?" Agad tinakbo ni Elaine ang direksyon ng kaibigan nang kaibigan na unti-unti itong natutumba. "Hailey?" Nagsalubong ang makakapal na kilay ni Miguel. "My mom's name is..." Slowly, Marga lost consciousness. Elaine immediately catches her falling body. "ISLA!!" "... is Elaine." Sa mahinang dugtong ng bata habang pinaglilipat ang tingin sa dalawang babae. AIRPORT | PHILIPPINES Madaling araw silang nakarating sa Pilipinas. Giniginaw na niyakap ni Baxter ang katawan nito. Nakatayo sila noon sa labas ng arrival area. Kahit iilan lang ang tao sa paliparan ay may panaka-naka pa ring natutulala pag nakikita ang amo niya. Who would forget the face that graces almost all billboards, television ads and magazines? The one that represented famous brands. Isaiah Clark's back on the place where his popularity started and ended –-- yet his stardom always left people mesmerized by him, "D-Di'ba si L-Liam yun?" Rinig ni Baxter na bulung-bulungan ng mga utility na noo'y nagko-kolekta ng mga basura sa trash bin sa airport. "Oo nga! Si Liam Allejo-Torres nga!!" "Sir?" Baling ni Baxter sa katabi. Isaiah remains unaffected by the growing whispers around them. "Baka lang kasi sir makunan ka ng litrato --- " A white car stopped infront of them. Lumabas mula sa driver's side si Avery. "L-Liam?" Isaiah beams his famous grin. "Ava?" Unti-unting rumehistro ang ngiti nito sa labi. "IKAW NGA!!" At patakbo itong lumapit sa kaniya at mahigpit na yumakap. "LIAAAMMMM!!" Isaiah hugs his bestfriend. "Avery." He buries his face on her shoulder. "Still huggable even though you're already slim." Hinawakan ni Ava ang mukha niya. "NA-MISS KITA!!" Pero unti-unting nawala ang ngiti nito sa labi. "S-Si Isla..." "I know." He nods. "I'm going to find her." Final decision evident on his azure eyes. [NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 1] Noah carefully peeks from his clinic's window blinds to look at a car outside parked on the hospital lot. "Yeah, you've been followed, Isaiah." Napakamot sa noo si Fire. "I have an idea. Give me your car keys." Nang makuha ang mga susi sa mga pinsan ay nilahad niya ang plano. "I get to drive Isaiah's BMW." He then lends a car key to Noah. "Noah, you drive my Bentley." Then to Isaiah. "You drive Noah's Mercedes." "So where going to mislead them?" Tanong ni Noah. Tumango si Fire. "Yup. I'll be going to Brgy. Tagpi to convince them I am Isaiah driving his BMW." [NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 2] "I found her." Saad ni Isaiah. [NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 3] "I found her." Saad ni Joaquin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD