YEARS AGO | BALMORAL CASTLE
Kung hindi agad na-preno ni Mary ang paa'y mababangga na sana niya ang prinsipe. "F-Francis!!" Hinihingal na tingala niya sa kaharap.
The red-haired prince' eyebrows furrowed in the middle. "Mary?" Hinawakan nito ang magkabilang balikat. "H-Hey... breathe in..."
Huminga siya nang malalim.
"Breathe out."
Malakas niyang buga. "Ha!"
Francis smiled. "What's with the hurry?" Tumingin ito sa pinasukan niyang backdoor. "Saan ka ba galing?" He looks down on her hand.
Agad na tinago ni Mary ang maruming mga kamay sa likod niya. "W-Wala... t-tinulungan ko lang s-si N-Nelson s-sa pagsisibak n-ng kahoy." Iwas niya ng tingin.
Nahagip ng tingin ni Francis ang marumi nitong damit. It was mud and her shoes have traces of wet mud on their soles. "Pagsisibak ng kahoy?"
"Y-Yes." Sa nanginginig na kamay ay inipit ni Mary ang buhok sa likod ng tainga niya.
The yellow petal, from Mary's hand, got stuck on her hair. Francis reaches for it. "What's this? A sunflower petal?"
Parang naubusan ng dugo si Mary sa putla ng mukha nito. Agad niyag hinablot ang hawak nitong talulot (petal). "T-This is a fake p-petal!"
Francis smiles warmly. "That's a real petal."
"I... I need to wash m-myself, p-prince."
He scoffs. "Come on, Mary. I told you to call me Francis. Magkaibigan tayo di'ba?"
Namula ang babae. "B-Baka lang kasi may makarinig sa'tin. Masabi pang masyado ang namimihasa dahil kakilala kita."
"Well, that's your privilege being my friend."
Tumatawang siniko ni Mary ang tagiliran nito. "Oo na, FRANCIS."
"Better." Tumango ang prinsipe. "Go on. Alis na. Bago pa makita ni Lady Grey na maduming sahig."
"Thanks, Francis." She gave her the sweetest smile before running towards her room.
> Sweaty from playing basketball, Francis passed the ball to Arthur. "You're like a sunflower, you know that?"
> "Why?" He wipes the sweat trickling his neck as he faces the ring.
> "Napapangiti mo mga babaeng dito sa basketball court. Like how people smile seeing a sunflower."
> "Pfft! Nonsense! They're here for the prince." Arthur raises his arms to aim the ball at the ring.
Tatalikod na sana si Francis nang pumasok naman ang pawisang si Nelson. Like Mary, he was also muddy. "Nelson?"
"P-Prince." Yukod nito bilang paggalang.
"Where have you been?"
"Oh! I-I helped Mary plant sunflower seeds on the cliff, eastside from here."
Francis smiles and nods. "Thank you for assisting Lady Preston, Nelson."
"Anytime, Prince."
WEEKS AFTER
Umiiyak si Mary na nakatitig sa mga mumunting mga halaman na nagsimula nang sumibol mula sa lupa. On that night, her heart bleeds. She looks up to the moon as tears won't stop falling. "Why? W-Why? Why does it hurt? A-Arthur..."
> Lumapit si Mary kay Francis. "Francis... pwede ba akong sumama sa archery lesson mo ngayon --- " Nahinto siya nang di lumilingon sa kaniya ang pigura ng prinsipe. Nakita niyang may hawak itong puting sobre na may gintong sulat. "Francis?"
> Francis turns to her with sadness in his eyes. "M-Mary."
> Niyuko ni Mary ang hawak nitong sobre. Unti-unti na niyang nararamdaman na parang sinasaksak ang puso niya. Di pa nga niya nakikita ang laman noon ay alam na niya ano iyon. It was Arthur and Cora's wedding invitation.
Napaupo si Mary at humagulhol sa mga palad. She thought being away from that man will save her from the pain. Hindi pala. Mas malala pala ang sakit na mararamdaman niya. Was she the only one having false hopes that destiny might bring them back together in the future? "A-Arthur..."
Francis pulls the rein to stop the horse he is riding upon seeing the woman crying in the middle of the field of the sprouting sunflowers.
Di alam ng prinsipe kung anong kalungkutan ang nararamdaman niya sa oras na iyon.
Is it because Mary was sad? Or Is it because he will never win Mary's heart?
PRESENT | SUNFLOWER FIELD | SCOTLAND
TWO DAYS AFTER THE DISAPPEARANCE OF THE PRINCESS
Di alintana ni Mary ang init ng tirik na araw. The breeze from the North Atlantic Ocean cools the air. Niyakap niya ang sarili habang mahinang nililipad ng hangin ang pulang gown niya.
Her eyes looked at the charcoaled field – black and dry with no traces of the once lively flowers on it.
She planted those. She has the right to destroy it.
Her fingers clutches on her arms.
But why does it have a heavy feeling with it?
"My Queen." Luhod ng coachman ng royal carriage na sinakyan papunta sa rito sa kapatagan. Naputol ang pagmumuni niya. [A/N: Coachman - the driver of a horse-drawn carriage]
"Yes?"
Lumingon ang coachman sa direksyon ng karwahe nila. Lumingon na rin ang reyna roon. Nakatayo sa tabi roon ang isang sundalo. She nods at hi to give permission to come close. Umalis ang coachman nang tuluyan nang nakalapit ang sundalo. On his velvet red coat with gold emblem of Scotland pinned on his chest and a black pants paired with knee-length military boots; he kneels. "Your Grace."
She looks at the barren field. "Speak."
"We still didn't have any sign of the Princess. We've checked the documents on every airport and none of the passengers from week ago till now has the Princess' name. We also send an eye to Muirhaus and Marchomont hoping she might be there. Later, we'll send a team on the train line to check the records ---- "
"Try Islanda Mutya Macatuto."
Napatingala ang sundalo sa kaniya. "P-Pardon, My Queen?"
"Try searching every exit out from this country --- airplane, buses, trains, carriages with the name Islanda Mutya Macatuto."
"Your word is our command, My Queen." Tumayo ang sundalo at sumaludo bago umatras at tumakbo pataas papunta sa kabayo nito.
'You were not a Scott for no reason, Marga. Anak ka nga talaga ni Helena. Matigas ang ulo.'
BALMORAL CASTLE
Hinubad ni Mary ang suot nitong puting leather gloves at binigay iyon sa isang maid pagkapasok na pagpasok sa kastilyo. She stops upon seeing Nelson standing at foot of the stairs. Huminga siya nang malalim at nilagpasan ang lalake habang paakyat sa hagdan.
"You can't use force on everything, Mary."
Huminto ang reyna sa kaligitnaan ng hagdan at nilingon si Nelson.
Nakatingala ito sa kaniya. Kumulo ang dugo ni Mary nang makita ang awa sa mata nito. Is the pity for her?
"Mary, tinutulak mo palayo ang mga taong nagmamahal sa'yo. Stop this. Give Margaret some time for herself --- "
"The wedding is near, Nelson. Time is running out." Malamig niyang tugon.
"Ayaw niyang ikasal."
Bumaba ng ilang baitang si Mary. "Stop mingling with our business --- " She slits her eyes to give emphasis.
"Mary! Pwede ba?! Hindi sunod-sunuran ang apo mo! Dapat ka ngang magpasalamat... sa dinami-daming pagkakataong pwede lumayas ni Marga ay di niya ginawa kasi ganun siya napamahal sa tungkulan niya. Ganun siyang may gintong puso sa mga tao. Ganun siya may respeto sa'yo! Margaret is a perfect princess more than her mother yet here you are pushing the only family you ever got --- "
"SHUT UP!!" The Queen's voice thundered the quiet place.
Yumuko si Nelson.
"I am still your queen, Nelson. I asked none of your opinion on this situation."
Huminga nang malalim ang katiwala. "M-My d-deepest apologies, M-My Queen. It's just there are things I need to frankly tell you ---"
"Then keep it to yourself."
Napatingala si Nelson. "M-Mary."
"It's 'QUEEN' Mary, Nelson. Know your place." At tiim-bagang pinagpatuloy ng reyna ang pag-akyat nito sa hagdan.
Nilingon ni Nelson ang mataas na bintana at sa bughaw na kalangitan. 'Run. Run far away from here, Marga. Angels are not meant to be imprisoned. They are made to share love and blessings of which who you are destined to be.' Then to his right was King Francis' portrait. 'My King... I am sorry. This is the only way I could think of to teach the Queen a lesson or else... she'll end up alone the rest of her life.'
PHILIPPINES | 6 PM
Bumaba si Marga sa bus sabay sukbit sa kaniyang backpack sa likod. Kakalubog lang ng araw pero marami-rami pa rin ang tao sa bus terminal. Napangiwi siya sa nararamdamang ngalay sa likod at mga binti niya sa kakaupo ng ilang oras sa biyahe papunta rito. 'Tama ba ang lugar?' Tiningala niya ang pangalan ng bus terminal na binabaan niya at nakahinga ng maluwag na tugma naman sa sinabing lugar ng babae pinagtanungan niya sa naunang bus terminal.
She scans the place full of people who are either scurrying to enter or to exit the buses. Nervously rubbing her hands against her bag's strap, she walks toward a ticketing booth.
Marga was really not sure about this whole trip. She's just took a leap of faith and was praying earnestly that she's going to the right place.
"Excuse me." Adjust niya sa itim na sombrero para makasilip sa salamin ng ticket booth. "Ano po yung mga schedule ng trip papunta sa --- " Di pa nga siya tapos magsalita'y may tinuro na ang kaherang ngumunguya ng bubble gum habang naglalaro ng Plant vs. Zombies sa cellphone nito, na sulat-kamay na schedule na nakadikit sa salamin.
Bumagsak ang mga balikat niya nang makitang kakaalis lang pala ng last trip na bus kaninang 5:45PM. 'Shit.' Mamayang alas-tres pa ng madaling araw ang susunod na biyahe.
May pera naman siyang pang-motel pero baka mapasarap ang tulog niya'y di agad siya makasakay sa first strip bukas.
Niyuko niya ang cellphone na 13% nalang ang baterya. Lumapit siya sa isang matandang lalake na nagbebenta ng mga kendi at sigarilyo sa tabi-tabi. "E-Excuse me po, manong. May charging station po ba rito?"
"Oo." May tinuro itong direksyon na nilingon niya. "Kakanan ka roon sa terminal ng mga bus papuntang Bulacan, may makikita ka roong canteen. Sa likod nun ay ang charging station."
Ngumiti siya. "S-Salamat po."
"Hija."
"Po?" Niyuko uli niya ito.
"Foreigner ka ba? Galing mo magtagalog 'ah."
Yumuko siya at hinawakan ang visor ng sombrero para takpan ang mukha. "M-May lahi l-lang po." At mabilis na siyang naglakad palayo rito papunta sa tinuro nitong lugar.
.
.
Matapos magbayad ng biente (20) pesos sa taga-bantay ng charging station ay umupo si Marga katabi ang outlet. Popping her bag on her lap, she connected to free wi-fi while charging her phone. She searches different routes or means of transportation to reach to her destination.
Napabuntong-hinga nalang siya. Iisa lang ang madali at maagang biyahe bukas. 3AM via bus.
Nilapag niya ang bag sa mahabang kahoy na upuan at ginawa iyong parang unan para makahiga ng maayos. She groans as her muscles start to relax a bit from being stiff.
She pulls her phone near her chest --- this is her remaining lifeline. Pag ito nawala o nanakaw, di na talaga niya alam kung saan pa siya pupunta.
Slowly, her eyes close as she drifts to sleep.
5 DAYS AFTER THE PRINCESS' DISAPPERANCE
Di mapakali si Lizbeth na palakad ng paroon-parito sa sala ng bahay habang kagat ang kuko sa hinlalaki niya. "Anak... Isla... saan ka ba?"
It has been days since those three black-suit men from Scotland came to her house in search for the missing princess. Niyuko niya ang hawak na cellphone. Di niya ma-contact si Isaiah, palaging dumidiretso sa voicemail. Pag tinatawagan naman niya ito sa opisina, sasagot ang front desk na may official business trip ito sa labas.
'Sino ba pwede kong pagtanungan??' Wala siyang kakilala mula sa Brgy. Tagpi kung saan lumaki ito. Wala rin siyang numero sa Sta. Clara Home for The Aged kung saan naka-ditene ang amain nito. 'S-Sino pa ba?'
Bigla siyang may napagtanto.
Napabalikwas nalang ng bangon ang buntis na si Peashooter mula sa pagkahiga sa sofa nang biglang umupo rito ang amo. 'Hanggggalll!!!' Inis na kalmot niya sa paa nito. 'Mapapaanak ako ng de oras sa'yo tandang hukluban ka!!!'
Lizbeth hastily dials a number and after a few rings, a woman answered on the other line. "G-Good morning, Wallich Residences?"
Female Front-Desk Attendant: "Yes, this is Wallich."
Wallich Residences. Ito yung condo unit kung saan may pad noon ang anak na si Isaiah nung idol pa ito. "H-Hi. This is Lizbeth Wilhelmina Torres..." She really hates using her name and her son's name to get what she needs but this is just so important. "I-I... uhmmm... I'm Liam Emmanuel Torres' mother."
FFDA: "Oh! Mrs. Torres. How are you? Is there something we could be a help of?"
"Uhhh.. y-yes. I was jut wondering if there's a woman... w-who... has... a red-hair came there asking for m-my son's whereabouts?"
FFDA: "After Mr. Liam's pad was sold to a new occupant, no one called, inquired or even personally drop-by here to ask about him, Mrs. Torres. Except those fans whom we could easily identify from afar."
Nanlumo si Lizbeth "G-Ganun ba? T-Thank you for the information."
FFDA: "Anytime. Is there anything you need?"
"Wala na." Malungkot niyang ngiti tsaka binaba ang receiver sa telephone cradle. "Peashooter..." Sumandal siya sa sofa. "Asaan na mama mo?"
'Pake ko...' Dila ni Pea sa tiyan.
Muling tinawagan ni Lizbeth ang anak. This time... it finally went through. She sighs with relief. "Oh my God! Isaiah... please... pick up your phone." Tumayo uli siya at nagpalakad-lakad sa sala.
3 rings... 4 rings...
6PM | SAN DIEGO, CALIFORNIA
Kasalukuyang nasa isang upuan katabi ng pintuan nakaupo si Nadia habang nag-me-meeting ang mga department heads sa satellite office ng Miller HQ sa San Diego, California.
Dinama niya ang tiyan na kanina pa umuungol sa tiyan. Tiningnan niya ang relong pambisig. 6:05PM. Lumabi siya. Gutom na siya pero parang di pa 'ata nangangalahati ang agend ng mga ito.
Isaiah, sitting on the head of the table, taps his pencil on the paper infront of him while listening to the Finance Head's report.
Hinalukay ni Nadia ang bag niya baka may naitabi siyang c*******n lang o ----
Napatalon siya sa gulat at napalingon naman sa kaniya lahat ng dumalo sa meeting nang biglang tumunog ng malakas ang cellphone ng amo niya na siya ang pinapatago.
"s**t! s**t!" Mabilis niyang hukay sa bag. Napindot o naigalaw 'ata niya ang screen kaya na-off ang silent mode nito. Nang sa wakas ay mahawakan, agad niyang pinindot ang cancel pati na rin ang power button dahilan para tuluyan itong manahimik.
9AM | PHILIPPINES
"Anong ---- " Di makapaniwalang tingin ni Lizbeth sa hawak na cellphone nang ini-off ng anak ang tawag at tuluyan na niyang di ito ma-contact. "BWESIT!!" Napapadyak siya sa inis. "ISAIAH!!!!" Mangiyak-ngiyak at nanginginig niyang higpit na hawak sa cellphone. Konting-konti nalang ay ibabato na talaga niya ang hawak sa dingding.
Wala bang pakialam si Isaiah kay Isla?!
8PM | SAN DIEGO, CALIFORNIA
Isaiah unbuttons his brown suit midway as he and Nadia were walking on a quiet hallway. Nilingon niya glasswall ng hallway kung saan kitang-kita ang gabing tanawin sa siyudad ng San Diego. Since they are on the 8th floor of the building, the flickering lights of the city beneath them looked like fireflies.
> "Wala akong pixie dust kaya ito nalang..." Isla's face lights up as she pours the content of her cap into his hands. Fireflies.
He sighs as he rakes his fingers on his hair.
*UUKKKK*
Napahinto si Isaiah at nilingon ang sekretarya na nakasunod sa kaniya.
Nadia is blushing and is looking down. "D-Di s-sa akin 'yun, S-Sir."
"You could have taken a break. I didn't tell you to wait inside till the meeting's over."
Nahihiya itong tumingala sa kaniya. "B-Baka lang kasi may kailangan ka."
"So, you're confessing that was your tummy rumbling?"
Napakamot nalang sa noo ni Nadia.
Tango nang tango kasabay ng kanta si Baxter habang nasa likod siya ng manibela ng kotse. Naka-park kasi siya sa basement parking lot ng building at hinihintay matapos ang meeting ng amo. "Gallileo, Gallileo, Gallileo, Gallileo, Gallileo, figaro, magnificoooooo~" [A/N: Boyet is singing Bohemian Rhapsody] Napatingin siya sa itim na kotseng dumaan sa harap. "I'm just a poor boy... and nobody loves meeee~" Buong puso niyang kanta at feel na feel pa kasi pinikit-pikit pa niya ang mata. "He's just a poor boy... from a poor family..."
Another black car passed infront of the car.
"Spare him his life from this monstrosity~ Easy come easy go will you let me go...." Unti-unting nawala ang boses ni Baxter nang dumaan uli ang kotseng itim sa harapan nila. 'Teka... parang... pangatlong kotse na'to 'ah.' What makes it mysterious is that it's the same black Audi A1 car model. Parang umiikot-ikot lang ito sa parking lot kaya pauli-ulit niya itong nakikita. [A/N: Audi – a brand of luxury vehicles/car.]
Lumingon sa paligid si Baxter. 'Marami pa namang bakanteng espasyo 'ah? Bakit di siya pumarada? Bagong driver ba ang nagmamaneho at nagpapractice-drive paano umikot-ikot sa isang makipot na parking lot?'
The car passed infront of their car again.
Ewan ba niya't kinabahan ----
"UY!" Biglang hambalos ni Nadia sa bintana ng passenger's seat.
"ANAK NG ----- " Namumutlang napatalon si Baxter sa kinauupuan nito sabay sapo sa dibdib. "Putang*na!" Pinindot niya ang switch para ibaba ang salamin ng bintana. "Papatayin mo 'ko sa nerbiyos, alam mo yun? Gusto mo 'yun?"
"Huh? Yan kasi, kape ka ng kape. Nerbiyoso ko na tuloy." Bukas ni Nadia sa pintuan at umupo sa katabing pintuan.
Isaiah also opens the door and slides inside the backseat. "Boyet, find a restaurant nearby."
"O-Opo, Sir." Nag-seatbelt si Baxter at hinintay na dumaan uli ang kotseng itim pero di na ito nagpakita uli.
"Hoy! Drive na!" Untag ni Nadia na nagpatalon uli sa kaniya.
Inis niya itong nilingon. "Pwede ba?" Sabay andar sa makina. "Papaandarin pa nga 'oh!"
"Ano bang nangyayari sa'yo? Para kang nakakita ng multo?" Tanong ni Nadia nang maramdaman na palingon-lingon ito sa paligid.
Isaiah, from scrolling on his tablet, raises his eyes towards his driver. "Boyet?"
Napalunok si Baxter. "S-Sir? Naniniwala po ba kayo s-sa multo?"
...
Napailing nalang si Nadia. "Gutom lang 'yan. Maneho ka na, manlilibre uli si Sir."
"Who says it's my call. You need to pay me the amount I paid on your dinner few days ago, remember?"
Pasimpleng lumabi si Nadia. "Kay Sir Isaiah ka matakot, Baxter. Hindi sa multo. Drive na."
.
.
Habang nasa daan ay panaka-nakang tumitingin sa rear-view mirror at sa side mirror si Baxter. Doon na siya nakahinga nang maluwag na di na niya nakita pa ang itim na kotse.
2:00 AM | PHILIPPINES
Suot-suot ang jacket at itim na sombrero, kiniskis ni Marga ang dalawang palad habang hinihintay na maluto ang cup noodles niya. Nilibot niya ang paningin sa buong bus terminal at iilang palang ang dumarating na tao para sumakay sa kani-kanilang sasakyang bus.
Hugging her back pack, she opens the silver lid of her cup noodles. Agad kumalam ang sikmura niya nang malanghap ang sarap na amoy ng noodles. Nakatulog siya kagabi at di na nakakain ng hapunan. Nakabili na rin siya ng bus ticket papuntang sa paroroonan niya kaya hihintayin nalang niyang ipakita ang pangalan ng bus at plate number nito sa malaking screen sa gitna ng terminal.
Tiningnan niya ang wallpaper ng kaniyang Iphone. It was her and Isaiah on their Winterland Escapade in Switzerland when everything is just too perfect. Dinama niya iyon at malungkot na ngumiti.
She brought too much pain on the man already.
Ayaw na niyang masaktan pa ito lalo kung sa lalake siya tatakbo matapos niyang tumakas sa Scotland. Dealing the Queen's wrath is not an easy task. She knows Isaiah can handle it, but isn't it too much to ask? First, she failed to ask for forgiveness about what happened two years ago then out of nowhere, she's forcing him to sponsor her project. Second, she failed to welcome him warmly in Scotland bec. she is engaged to Joaquin and it was unfair on his part to hid him in the dark and kiss him when nobody's looking. Third, she failed to see him leave for U.S. because she's stuck on the castle even though she can escape them just to see him off.
Duwag siya.
Yun lang tangi niyang maiilarawan niya sa sarili.
Takot siyang magkamali. Takot siyang gumawa ng desisyon. Takot siyang tumaya.
At kung kay Isaiah pa siya tatakbo ngayong may problema uli siya, di'ba parang ginagamit lang niya ang binata tapos pag wala ng silbi'y basta-basta lang babalewalain?
Di naman iyon ang intensiyon niya pero alam niyang ganoon ang nararamdaman ni Isaiah ngayon.
It's time to stand for her own.
She closes her eyes for a short prayer. "Guide me on this journey, 'o Lord." Pagkatapos ay nilantakan na ang cup noodles niya.
.
.
"BATANGAS! BATANGAS!!" Sigaw ng konduktor.
Mabilis na sinaid ni Marga ang kahuli-hulihang sabaw ng noodles at hinablot ang bag sa mesa at tinakbo ang bus na sasakyan niya. "Batangas 'ho." Lahad niya sa ticket. Matapos tanggapin ng konduktor ay pumasok siya at naghanap ng posisyon sa tabi ng bintana.
6:00 AM | LOS ANGELES, CALIFORNIA
Isaiah, wearing a black robe, is shaving the right side of his jaw. Staring on the mirror above the sink, his hand unconsciously reaches the shelf on his right. Napalingon siya roon nang walang makapang cellphone. Mga ganito kasing oras tumutunog ang phone niya bilang alarm-clock kaya aabutin niya iyon sa shelf kung saan niya nilalagay bago siya mag-shower at i-off.
He pulls a towel and cleans the shaving cream off his jaw as his eyes searches for his phone. "Where is it?"
Then he remembers giving it to Nadia last night before the meeting starts to keep it in silent mode. Naglakad siya palabas sa banyo at kinuha ang wireless telephone sa cradle nito. Matapos ang ilang ring ay sumagot naman ito na halatang di ba bumabangon sa kama. "Nadia, good morning. Pardon I interrupted your sleep. I am just checking if you have my phone?"
Nadia: "P-Phone? Teka lang sir 'ha..."
Kinusot ni Nadia ang mata nang bumangon sa kama at hinalungkat ang bag sa nighttable. "Cellphone... cellphone..."
Umungol si Alban sa tabi niya. "Nadiaaaa~ sweetie... get back to beeeeed~"
"Teka lang, may pinapahanap lang si Sir Isaiah." At nakita niya ang Iphone nito sa bag niya. Kinuha niya ang sariling cellphone. "Sir?"
"Yes?"
Nadia: "Andito po. Dadalhin ko lang po 'to sa o-opisina mamaya."
"Please. Thanks, Nadia." Bago pa niya ma-i-off ang phone ay nakarinig siya ng ungol sa kabilang linya. He shakes his head as he stretches towards his kitchen to prepare his protein shake.
PHILIPPINES
"Di mo rin ba siya ma-contact, Avery?" Nag-aalalang tanong ni Lizbeth sa inanak sa kabilang linya.
Avery: "Yes, Tita Liz. I can't reach his personal number. Di rin siya online sa Viber at Skype. May nangyari ho ba?"
"Ava.... Anak..." She whines.
Avery: "O-Oh, wag ka munang umiyak. Tell me what's wrong so that I could help you. Na-mi-miss niyo ba si Isaiah at gusto mo siyang makausap? Ako bahala. Pauuwiin ko 'yun ----"
"OO! PAUWIIN MO 'YUN DAHIL PAPATAYIN KO ANG HINAYUPAK NA YUN TALAGAAAA~" Iyak ni Lizbeth. Nagtatampo na talaga siya sa anak.
MILLER'S MANSION
Napangiti nalang si Avery. Pag ganito ang boses ng Tita Lizbeth niya'y tampong-tampo talaga ito kay Liam. Matagal pa naman itong maka-move on. "Relax, Tita Liz. Just tell me what's happening." She presses the cellphone between her shoulder and head as she helps Jinky put bottles of milk on the baby bag.
Isaac will babysit the twins today since she'll be having a pictorial. Agad kasi natataranta ang asawa pag sabay umiiyak sina Thea at Basti kaya inaayos na niya sa bag kung anong mga kakailanganin tulad ng mga malinis na bimpo, laruan, soft candies, milk powder and milk bottles. "Kalma ka nga, Tita." Natatawa niyang saad para sa babaeng umiiyak na sa kabilang linya "Breathe in, breathe out." Nakita niyang pumasok si Isaac sa kwarto kaya sinenyasan niya itong kunin na ang baby bag. "Okay... who? Who's missing again ---- ... WHAT?!" Napatayo si Avery mula sa pagkaupo sa kama at nilingon ang asawa.
Isaac's eyebrow furrows in the middle with curiosity on his brown eyes.
Naglakad palayo si Avery rito at sa mahinang boses ay tinanong uli niya ang kausap. "Who's missing?"
Lizbeth: "Si Isla... Si Islaa...."
Nasapo ni Avery ang bibig nang hagulhol na kinuwento ng Tita Liz niya ang pagpunta roon ng tatlong lalakeng mga tauhan ng reyna ng Scotland na nagbabasakaling andoon raw ang prinsesa sa bahay nito.
After calming the woman, Avery promised her that after her pictorial, she'll drop by her house.
Ini-off niya ang cellphone.
"Who's missing?"
Nagulat siya at nilingon ang asawa na para bang hinintay talaga siyang matapos sa tawag. "I-Isaac. A-Andiyan ka pala."
"Who's missing again, Avery?" His body language is telling her that he can stand all day just to hear an answer from her.
It's Isaac. Isaac is dead-set on separating Isaiah and Margaret. If she'll tell him that it was Tita Lizbeth, Isaiah's mother, who called about the disappearance of the princess, iisipin na naman nitong nakikihalubilo uli si Marga sa pamilya nila na siyang di talagang gusto ni Isaac.
She improvised a lie. "I-It was Olivia (her co-teacher in the kindergarten). M-May n-nawawala kasing class records. M-Malapit pa naman ang inspection ng mga t-taga Department of Education sa-sa school."
"Oh... I see..."
"U-Uh... d-di ka pa ba aalis?"
Isaac grins. "You're forgetting something."
Lumingon sa paligid si Avery. "Diapers? Thea's extra clothes?"
"My kiss, wife." Isaac points his right cheek.
"Oh! Sorry!" Namulang lumapit si Avery sa asawa at dinampian ng halik ang pisngi nito. "Di talaga pwedeng aalis walang kiss ano?"
"I'm dealing with Althea, Ava. I need energy." He winks.