THE NEXT DAY | PHILIPPINES | SMITH&MILLER Cong.
"Any progress?" Tanong ni Isaac sa kakapasok lang ng pinsan sa opisina niya.
Fire shakes his head. "Nope. King Francis was dead. Queen Mary is hating on us." Umupo ito sa sofa kaharap ang mesa niya. "And it's impossible to get information from Grandma Cora."
"We only had Grandpa Arthur."
"Of which we didn't know if he's alive or not." Fire shrugs.
"Can you asks our uncles --- "
Umiling si Fire. "That won't do either." At binahagi nito ang narinig na estorya mula kay Santino kung saan kinamumuhian talaga ng Uncle Jordan nila ang lola nila. "Based on Uncle Jordan's reaction and Aunt Bethany's diary entry where Uncle Adam used to play his flute to drown out the voices of Grandma Cora and Grandpa Arthur's fight every night... then we can conclude that Uncle Jordan is not the only Miller who considers Grandma Arthur dead. We can't get information from our parents."
"Can you run his name on every airport in Spain? Baka mahanap natin ang pangalan niya at kung saan siya nagpunta matapos siyang palayasin ni Uncle Jordan."
"I'll try. But there are hundreds of airports in Spain. It will take a while. We can't immediately get information."
Tumango lang si Isaac. "I know."
"Tell me, Isaac. What are we searching again?"
Brown-eyes looked at Fire. "What's the relationship between Francis, Mary, Cordelia and Arthur. Those are Scotts and Millers, Fire. It goes to show that in the past, our families somehow interacted, and something must have happened that tore them apart again."
"And?"
"Grandma Cora must have known where my mother and my sister's bodies are." Dumilim ang mata ni Isaiah. Nagtiim-bagang ito. "Like what you said, Grandma defended the man who both killed a Miller (Charlotte and Elaine) and Scott (Helena)."
"Why don't we ask Rene?"
Umiling si Isaac. "Huwag. Grandma Cora will know since I'm sure Rene will ask for her protection if we interrogate him. Plus, we can't ask for a warrant of arrest against. Makakalaban natin ang ama ni Noah. Remember? He was Rene's defense lawyer?"
"Uncle Clive."
"Yes, Uncle Clive who never experienced defeat on any court trial. It goes to show we are facing powerful key players in this whole puzzle."
"And we'll only pray that Grandpa Arthur is alive somewhere."
Tumango si Isaac. "Siya nalang ang tangi nating pag-asa."
CARDOZA-FONSECA ASYLUM | North Carolina, USA
Nakaupo si Arthur sa kama nito at nakatingin sa labas ng bintana.
> "Do you trust your dad?" Tapik ni Arthur sa balikat ng panganay niya.
He slowly stands up and opens the window to look at the hospital stuff on the garden assisting other patients.
> Ellijah nods. "Always, dad."
Nilingon niya ang pintuan kung saan kita niya sa siwang sa ilalim na may nagbabantay sa likod roon.
> "Then why did you hide Bethany's diary?"
> "Bec. she's writing things Mom's dictating her, Dad. Lies, web of lies that corrupting the mind of my siblings. If I won't hide it... she'll keep writing and Clive, Jared, Adamson, Jordan will keep reading it. As their older brother, it's my job to keep this family together."
His son, Elijah. His best friend, Francis... want nothing but a one, solid family.
And what was he been doing all this time? Running around? Hiding? Let Cordelia take his place atop the Miller's hierarchy? No. This has to stop. There's too much damage.
Arthur then starts thinking his escape plan out this hell hole.
BALMORAL CASTLE | SCOTLAND
Bitbit ang mga sulat na para sa reyna, inakyat ni Nelson ang hagdan papunta sa tanggapan nito. Nang marating ang ikalawang palapag ay natigilan siya nang makita ang prinsesa.
Margaret is staring outside the window. Kung gaano kabuhay ang asul na kalangitan sa labas ay siya namang kalumbay ang aura nito.
Princess Margaret touches the window's glass as if it was a prison bars holding back her freedom.
Nahigit ni Nelson ang hininga niya. He can clearly remember this scene. It was like a déjà vu.
> Princess Helena feels the window's glass as streak of tears trailing her cheeks.
Naramdaman siguro ni Margaret ang presensiya niya kaya lumingon ito sa direksyon niya. "Nelson?"
> She turns to him. "N-Nelson..." Her cries getting louder. "I wanted to leave this place... p-please... help me..."
Nabitawan ni Nelson ang hawak ng mga sulat at nagkalat iyon sa sahig.
Agad dinaluhan ni Margaret ang matanda ang pinulot ang mga sobre. "Oh? Okay ka lang?" Lahad nito sa kaniya.
Napalunok si Nelson.
The two princesses might have the same sadness on their eyes, but the difference is that...
There's no tears on Margaret's cheeks.
"Nelson?"
> "Margaret is different, Nelson." Saad ni Alessandro. "She may look weak but believe me, she can bite. She's strong. More than me. More than Helena."
"You're such a strong woman, Princess." Out of nowhere, it was Nelson who is crying that time.
A small smile form on Marga's lips. "I'm not. If it's not for my people depending on me, I might have broken down a long time ago." She wipes the old man's tears and holds his hands. "I want to be the Queen that can protect you."
Umiling si Nelson. "You're no Queen. You're an angel."
Somehow, it made Margaret laugh a bit. "Lakas mo maka-points sa akin 'ah."
"Kung asan man ang mama mo ngayon, Prinsesa Marga. Alam kong proud na proud siya sa'yo."
"I don't think this is what she wants me to be." She looks outside again.
Kinahapunan ay nagpadala ng bata si Nelson sa tuktok ng bundok para pababain si Alessandro. Matapos makita ang lalake'y binayaran niya ang bata.
Alessandro laugh as he walks towards him. "At nagpadala ka na talaga ng susundo sa akin sa taas."
"Kung pareho lang tayo ng pangangatawan ay paulit-ulit kong aakyatin ang bundok na 'yan." Tapik pa niya sa malalaking braso ng lalake. "Tara... mag-usap tayo."
Dumilim ang anyo ni Alessandro. "Nelson."
Naudlot ang pagtalikod niya. "Ano?"
"Is there something going-on in the palace?" Nainis si Alessandro nang nag-iwas ng tingin ang matanda. "May nangyayari ba sa anak ko?"
"P-Pag-usapan natin 'yan ngayon." Nelson rubs his palms. He'll be doing what he's done years ago. Help a princess escape the castle. This time, it's not Helena. But Margaret.
.
.
Napatalon si Nelson nang malakas na dinamba ni Alessandro ang likurang dingding ng simbahan kung saan sila sikretong nag-uusap. "Kelan 'to Nelson?"
Pinagpapawisan na umiling si Nelson. "H-Hindi pa sa ngayon, Alessandro." Nakita niya na nangangalaiti ang lalake sa galit. "P-Pwede ba? Huminahon ka muna ----"
"HUMINAHON?!" Bulyaw ni Alessandro. "NAGHIHIRAP ANG ANAK KO SA PALASYO, NELSON! HINDI 'YUN ANG PINANGARAP NAMIN NI HELENA SA ANAK NAMIN!" Akma itong aalis nang mabilis na pinigilan ng matanda ito.
"ALESSANDRO!!! KALMA!!"
Para itong kakain ng tao nang lumingon sa kaniya. "WALA AKONG PAKIALAM KUNG ANG REYNA PA ANG MAKAKABANGGA KO, NELSON. NAGDUDUSA ANG ANAK KO. DI KO KAILANMAN MASISIKMURA IYON! LUMAKI SIYA NA WALA AKO SA TABI NIYA, KAYA KAHIT ITO MAN LANG MAGAWA KO SA KANIYA ---- "
"Alam ko, alam ko! Yun rin ang gusto ko! Pero di biro ang mga nagbabantay sa buong palasyo. Persona non Grata ka sa Scotland, Alessandro, kung nakakalimutan mo! Bawal kang makita rito sa bansa na'tin. Naintindihan mo?! Kahit sinong tao, pag nakilala kay pwede kang bugbugin. Pag nakita ka ng mga gwardiya sibil ng palasyo'y babarilin ka nila kaagad. Bago pa natin matakas ang prinsesa'y patay ka na kung paiiralin mo ay yang init ng ulo mo!!"
Winakli ni Alessandro ang kamay ni Nelson at huminga nang malalim para kalmahin ang sarili.
"Mag-isip muna tayo kung papaano."
Gabi nang makabalik si Nelson sa palasyo. Palingon-lingon siya sa paligid para obserbahin saan nakatayo ang mga guwardiya sa gabi para pag ginawa na nila ang plano'y maayos itong magawa.
'Two guards at the back gate.'
'CCTV on every corner.'
'Three guards encircling the royal grounds and spend almost five minutes at the backyard.'
'Five K9 Dogs also guarding on every exit points --- the kitchen backdoor, the palace backdoor, the fire exit, the entrance to the great hall [A/N: Great Hall is where the throne of the King and Queen are located], the main entrance and the gate where caterers enter their truck everytime there are events in the palace.'
Pasimple kuno siyang naglakad pero nagmamasid na pala. At dahil abala siya sa pagtatanda ng mga posisyon ng mga nagbabantay ay di niya namalayang may kasalubong siyang batang katiwala. "Aruuuy!!" Sapo niya sa noo nang magkabuguan sila. "Pwede ba sa susunod ay tumingin ka sa dinaraanan mo."
"P-Pasensiya na po, Lord Brock."
Nagsalubong ang kilay ni Nelson sa nakitang bitbit. "Ano 'yan?"
"Ah, 'eto po? Gas container po." Taas nito sa plastic container.
"Para saan?" At halos mapugto ang hininga niya sa sagot ng katiwala. Mabilis siyang tumakbo papasok sa palasyo.
.
.
After dinner, Margaret immediately decided to rest. Kahit wala naman siyang ginawa kundi ang makinig sa mga plano ng mga wedding coordinator, nakakaramdam siya ng pagod.
Matapos magbihis ng puting bestidang pantulog ay umakyat na siya sa higaan. Turning on the lamp beside her bed, she opens a book and starts reading. She'll tire her eyes out so that she could sleep soundly. She can bear waking up in the middle of the night again, expecting Isaiah beside her.
She flips another page and was in the middle of the passage she's reading when she saw something orange on the sky from the corner of her eyes.
Napalingon siya sa bintana.
No. The night sky was not orange.
Binaba niya ang libro sa kama at bumaba roon.
Barefooted, she walks towards her balcony. That direction...
Her heart is thumping hard against her chest as she pushes the door towards the balcony open.
Lumapit siya sa balustre habang ang mata'y nakapako sa direksyon kung saan may makapal na usok.
Tears immediately fall from her eyes as the wind brought her the scent of burning flowers.
"No..." Umiling siya. "No... i-it can't be... NO!!" Sigaw niya. It was a scent of a dying sunflowers. "NO!!!" Mabilis niyang tinakbo ang pintuan at lumabas roon.
Nakayapak, madali niyang nababa ang hagdan. "No.... no..." Humagulhol siyang tumatakbo.
She past by Jean and Ussie who looks at her with question on their eyes. "Princess?"
Nang marating niya ang backdoor sa kusina, agad humarang doon ang dalawang guard. "Princess, get back to you room."
"NO!!" Sigaw niya. "I NEED TO GET OUT!!"
Hinihingal na dumating sa kusina si Jean at Ussie. "Princess, please... let's go back to your room."
Umiling siya na parang baliw. "No... no..." Matalim na tiningnan niya ang dalawang guards. "I SWEAR TO GOD!!" Her tears like waterfall. "IF YOU WON'T LET ME PASS THROUGH THAT DOOR... I-I'M GOING TO KILL MYSELF!!"
Natigilan ang dalawang gwardiya. Malakas na tinabig ni Margaret ang mga ito para makalabas at makapunta sa kinaroroonan ni Chomper.
On his stable, Chomper is also kicking his door upon sensing the smell of the air and the distress of his owner.
"Chomper!! Chomper!!!" Kahit nagkasugat-sugat na ang paa'y nagmamadali at nanginginig na kinalas ni Margaret ang lock sa pintuan nito. "Chomper!!" Hinawakan niya ang mukha ng kabayo. "P-Please.. t-take me there... as-as fast as you can." At kahit nanghihina'y ubod na lakas siyang sumampa sa likod ng kabayo at maniobra iyon palabas sa stable.
Prince Joaquin, standing on his room's balcony, looks at the brown horse with a crying princess on it's back as they disappeared into the night.
.
.
Halos matumba si Margaret nang biglang huminto si Chomper sa di kalayuan ng sunflower field. Chomper can't get near the place since it's getting hot.
Walang sa huwisyong bumaba si Margaret sa kabayo at tulalang umiiyak na nakatingin sa kapatagan na walang makikita kundi usok at apoy na lamang. "No... No...." Napaluhod siya at na ang mata ay nasa sunflower field niya na unting-unting nilalamon ng apoy. "No... No..."
Her faith... her strength... is slowly draining off her body.
The only trace she had of her love... The only source of her inspiration to keep living every day...
"NOOOOOOOOOOOO!!!" Malakas na sigaw at hagulhol niya sa tahimik na gabi.
... Is now gone.
"Mary." Umiling si Nelson sa reyna. "You shouldn't have done that."
Queen Mary, emotionless, looks at the burning field from afar. "Why?" Lingon niya sa katiwala.
"Yun na nga lang ang pinaghuhugutan ng prinsesa."
"She shouldn't put her happiness on tangible object, Nelson. Lahat ng mga bagay... nawawala."
"Mary. Stop this. Please." Kung di titigil ang reyna, mapapaaga 'ata ang pagtakas niya sa prinsesa.
"It was MY sunflower field, Nelson. I get to choose what I should do with it."
Napayuko si Nelson. Both females loved that sunflower field since it reminds them of the man they love.
"Ako nagtanim ng mga 'yun. Ako lang ang may karapatang sirain 'yun. Both Margaret and I should need to erase any trace of Miller's on our mind. Walang magandang maidudulot ang pagkapit namin sa nakaraan."
With a firm decision in mind. Nelson faces the Queen. 'No, Mary. This time, I won't let that Miller boy be Margaret's past.'
"Princess!!"
Pareho silang napalingon sa loob.
.
.
Agad nilapitan ni Jean at Ussie ang prinsesa nang pumasok ito sa palasyo. Napasinghap si Nelson nang makitang may bahid ng dugo sa sahig. Margaret's feet are bleeding from running barefooted. Mabilis siyang bumaba sa hagdan para lapitan ang alaga. "Princess Marga!!!"
Margaret's not crying anymore. Yet her eyes are still mourning – blank and staring into nothingness. Wala siyang emosyon kahit may kumikirot pa ang sugat niya sa paa.
No pain can surmount what she's feeling right now.
Tinaas niya ang tingin sa abuela niyang nakatayo sa ikalawang palapag at nakatunghay sa kaniya."I-I've done everything you asked for. I tried to be the princess... the perfect granddaughter you want." Doon na muling tumulo ang luha niya. On her fist is one fresh sunflower petal which somehow survived the fire. "You're not asking for a human. You wanted a robot."
"Bring her to her room." Tatalikod n asana si Mary nang magsalita uli ang apo.
"Don't do this, g-grandma."
Nilingon uli ni Mary si Margaret.
"Y-You'll end up being unloved... distant from the people. Alone."
Tuluyan nang tumalikod si Mary. "Treat her wounds. Isusukat na niya wedding dress bukas."
Napabalikwas ng bangon si Alessandro nang may kumatok sa pintuan ng bahay niya. Pagbukas niya'y may batang hinihingal ang nakatukod sa tuhod nito. Lumingon siya sa paligid. Madilim at sa tingin niya'y madaling araw pa. "Anong ginagawa mo rito bata ---- "
"Sabi ng matanda'y dalhin mo raw ang kalesa mo sa likod na daanan."
"Huh? Anong ---- " Napagtanto niyang iyon ang sinabi sa kaniya ni Nelson kanina na mensahe bilang signos na dalhin ang kariton niya sa likod na gate ng palasyo. "S-Salamat bata." Mabilis siyang pumasok at hinanda ang dadalhin. He knew it. Oras lang hihintayin niya't mangyayari rin ang pagtakas nila sa prinsesa sa palasyo.
Hugging her pillow, Margaret's lying on her bed facing the window. The curtains are softly flowing along the wind that still smells burnt sunflowers. She can't sleep... especially when the wind reminds her of her loss.
Binuka niya ang palad at tiningnan roon ang dilaw na petal.
Her only remaining remembrance of that yellow paradise that houses her every time she's having a bad day.
Marga closes her eyes and curls her body on the bed. She's starting to miss sleeping in the middle of those sunflowers.
"Princess?" Napadilat siya at malapit nang humiyaw nang mabilis natakpan ni Nelson ang bibig niya. "Shhhhhhh!!!"
Iniwas niya ang mukha. "N-Nelson?"
"C-Come on... s-stand up. Change your clothes." Saad nito sa mahinang boses.
"W-What do-do you mean?" Sinundan niya ng tingin ang matanda na may nilabas na bag at basta-bastang nalang naghablot ng mga damit sa walk-in closet niya. "Nelson --- "
Lumingon ito sa kaniya. "I'm taking you away here, Princess."
"What?" Bumaba siya sa kama at di alintana ang sakit sa paa.
"Do you want to leave this palace?"
"B-badly." She nods slowly.
"Then move!" Mariin nitong saad.
Maingat silang pumasok ni Nelson sa gallery room kung saan naroroon ang mga nagsilakihang painting ng mga sinaunang hari at reyna ng Scotland.
Mahinang napasinghap si Marga nang may tinulak na dingding si Nelson at bumukas iyon para bumungad sa kanila ang isang maalikabok na hagdang bato pababa. "What is this Nelson? A secret tunnel?"
"During the World War I, King Charleston made a lot of secret tunnel in this palace to let his family and the workers here escpae once they'll be infiltrated by the enemies. Di ito nagamit kasi di nakaabot sa Scotland ang mga kaaway." Nelson lighted a torch as they slowly descend the stairs and into an eerie, dark and dusty hallway. "Ang lolo mo lang at ako ang may alam nito kasi aksidente naming nakita ang mga mapa ng mga tunnels ba ito sa library."
After walking for a few minutes and hearing nothing but their footsteps, Nelson pushes a wooden door upwards. Napaubo nalang si Marga dahil sa alikabok. The wooden door was not visible from the outside because it was covered by vines and wildflowers.
A hand reaches from the outside. Pagtingala'y nakita niya ang kaibigan ni Nelson. "J-James?" Nilahad niya ang kamay para mahila siya nito pataas.
Pagkalabas na pagkalabas nila'y nagulat si Margaret na bigla siya nitong niyakap. "Oh.." Alanganing yumakap naman siya rito.
"Mamaya na yan." Mahinang saad ni Nelson. "Princess Marga. I need you to hold your breath for two minutes. Can you do that?"
Tumango si Marga. "Oo naman. Bakit?"
.
.
Sa likod ng kalesang minamaneho ng kabayo ni Alessandro, pigil ang hininga ni Marga at Nelson habang nakahiga at napapatungan ng mga plastic ng basura. Balewala ang amoy kay Marga. Mas dama pa niya ang malakas na t***k ng kaniyang puso. Napapikit siya nang mariin nang huminto ang kalesa.
One guard stops Alessandro from exiting the gate. "Ano ang mga yan?"
"Mga basura."
Halos di na humihinga sa kaba ang dalawa nag tinusok-tusok ng guard ang mga plastic. "Alas dos ng madaling araw naglalabas ka ng basura?"
"May bisita kasi ang reyna bukas. Magdamagan kaming naglilinis."
Dumaan muna ang ilang minuto bago tumango ang guard. "Oh sige."
Kahit mabaho'y nakahinga nang maluwag silang tatlo.
.
.
Malayo-layo na sila sa palasyo nang ihinto ni Alessandro. Unang bumanba si Nelson at tinulungang bumaba ang prinsesa. Agad pinasok ni Alessandro ang dalang isang backpack sa likod ng nakaparadang kotse na nirentahan ni Nelson.
"Princess..." Higpit na hawak ni Nelson sa mga braso niya. "Listen..."
"Nelson? Where am I going?"
"J-James here will take you somewhere safe." Hinawakan ni Nelson ang mukha niya. "This is where we part Princess." Lumingon ang matanda sa paligid baka may nakakita sa kanila. "You need to get away from here as far as possible."
Namumuo ang luha sa mata ni Marga habang dinama ang kamay ni Nelson sa pisngi niya. "P-Paano ka?"
The old man smiled. "Don't worry. I am too old to be imprisoned." Yumakap ito sa kaniya nang mahigpit. "Have a safe trip... Margaret."
Tumulo ang mga luha ng prinsesa at higpit na yumakap sa matanda na isa sa pinaghuhugutan niya nang lakas sa palasyo.
She heard Nelson sniffs before letting her go. "Alis na kayo bago may makakita pa sa inyo."
Hinila ni Alessandro papasok sa passenger's seat si Marga at sinara ang kotse.
Nelson remains standing there as the car slowly drives out from his sight. Pinahid ng matanda ang kaniyang luha at tumingala sa madilim na kalingatan. "Guide your family, Princess Helena."
.
.
Umayos pagkaupo si Marga matapos mawala si Nelson sa paningin niya. "J-James?"
Tumingin ang nagmamaneho sa kaniya sa rearview mirror.
"Where am I going?"
"Trust Nelson, Princess. He had done this already."
"Already?"
Ngumiti si Alessandro. "Si Nelson rin ang nagtakas sa mama mo noon sa palasyo."
Nanlaki ang mata ni Marga. "No way!"
He nods. "Yes. You've handle it very well. Helena's crying hard when she left, trying to bring Nelson with her."
"You knew my mother?"
"Very much, Princess. Very much." Bago pa magtanong uli si Marga ay inunahan na niya ito. "Why don't you sleep back there. Medyo malayo-layo pa biyahe natin."
She smiles. "Thank you, James. I owe you one."
"Sleep well."
At humiga siya sa backseat. All her physical pain hit her all at once. Kaya di na niya namalayan na tinanggay siya ng antok.
Alog ng kotse at ang paghinto nito'y nagpagising sa kaniya. Slowly, she rise from her deep slumber and adjusted her eyes from the light. "Huh? T-Tanghali na?"
Asan na nga ba sila?
Bumukas ang pintuan sa side niya at nilahad ni Alessandro ang kamay nito. "Come on."
Tinanggap niya ang kamay nito at lumabas sa kotse. She scans the place around her. "A-Airport? What are we doing --" Natigilan siya nang may nilahad si Alessandro. "Ticket? And passport?" Tanggap niya niyon. Binasa niya ang detalye sa papel. "N-No way..."
"You're going home, Princess."
Tiningala niya ang kaharap. "I-Is this for real?" Gusto niyang maiyak sa saya.
Sinuot ni Alessandro ang backpack sa likod. "Go. Your flight is in 30 mins."
Marga closes their distance and hugs the man tightly. "Thank you, James. Thank you very much."
Yumakap na rin si Alessandro sa anak. Hugging his daughter, he realizes that he can deal with the pain of this separation rather than seeing her suffer. "Be safe there." Nang pinakawalan niya ito'y nilahad niya ang isang cellphone. "Nelson also told me to give you this."
Napaluha si Marga nang makita uli ang lumang cellphone niyang binigay ni Isaiah sa kaniya.
"Lakad ka na."
"Do you have a knife?"
Napakurap si Alessandro. "A-Ano?"
"Knife."
"Why?"
Marga smiles. "Don't worry." She lends her hand. "Trust me."
Dinukot ni Alessandro ang pocket knife nito sa bulsa
"H-Here.
Kinuha ni Marga iyon at laking gulat nalang ni Alessandro nang dahan-dahang pinutol ng anak ang mahaba nitong pulang buhok. Leaving it short, barely touching her shoulders, Marga hides her hair with a black cap. "Can't thank you enough, James."
Tumango ang lalake at napangiti. She knows looks like her mother.
Naglakad si Marga papasok sa airport. After her belonging were checked on the entrance, she turns around to look at the man standing on the parking lot for the last time. Ewam ba niya at nalungkot siya sa nakikitang kalungkutan sa mga mata nito. She waves a goodbye. Alessandro answers a smile and waves back.
Hinarap niya ang airport attendant na noo'y bagot na bagot na nag-ta-type sa computer.
"Domestic or International?" Di ito tumingin sa kaniya.
"I-International." Binigay niya ang ticket at passport rito.
"Destination?" Parang robot nitong tanong.
"Philippines."
"Full name?"
She heaves a deep breath. "Islanda Mutya Macatuto."
BALMORAL CASTLE | SCOTLAND
"Y-Your Grace." Hinihingal na yumukod si Ussie.
Tumayo ang reyna mula sa trono nito. "Where's the princess?"
Umiling si Ussie. "We can't find her, Your Grace." Mangiyak-ngiyak nitong balita. "S-She's not in her room. Or in the f-fields."
Lumingon si Mary kay Nelson na nakatayo sa tabi niya. "Where's Margaret, Nelson?"
Taas-noong hinarap ni Nelson ang reyna. "Whether I knew where she is or not... I will not tell it to you, Your Grace."
Napasinghap si Ussie sa kapahangasan ng matanda. Natatakot siyang nilingon ang namumula sa galit na reyna.
Nilahad ni Nelson ang kamay nito. "You can take me to prison if you want to, My Queen."
Nagpupuyos ang damdamin ni Mary na nilingon si Ussie. "Dispatch all the guards!!! FIND THE PRINCESS!!!"
"Y-Yes, Y-Your Grace!" Nagkukumahog na tumayo ang katiwala at tumakbo palabas ng Great Hall.
3 DAYS AFTER THE PRINCESS' DISAPPEARANCE | PHILIPPINES
"Ang pangit mong magbuntis, Peashooter." Tingin ni Lizbeth sa pusang nakahiga sa sahig. "Dahil wala kang balahibo, parang mga bulate ang mga anak mong gumagalawa sa tiyan mo." Pinagpatuloy niya ang pagbuburda ng mga bilog sa kurtina. "Sana'y may balahibo ang mga anak mo. Kundi mapapagkamalan ko talaga silang daga ---- "
Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok roon. "Hmm?" Hinubad niya ang eyeglasse.
Nagulat si Lizbeth nang pagbukas niya sa pintuan ay bumungad sa kaniya ang tatlong lalakeng nakasuot ng ternong itim na damit at may gintong pin sa may kaliwang dibdib. It was Scotland's official seal. "S-Sino kayo?"
May tinaas na sulat ang isa sa mga lalake. "We are here to ask you if Princess Margaret happens to drop by here."
"M-Margaret? B-Bakit?" Umalsa ang kaba sa dibdib ni Lizbeth. "Anong ginawa niyo sa anak ko!" Patungkol niya sa prinsesang tinuring na niyang anak.
One guy answers back. "The princess has been missing for three days already."
BUS TERMINAL | PHILIPPINES
Naglahad ng pera si Marga sa maliit na bintana ng ticketing office. "Isang ticket po."
"Papunta po saan?" Tanong ng kahera.
Nilingon ni Margaret ang pangalan ng lugar na nakadikit sa harapang bintana ng isang bus.
[NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 1]
"LETSE KA, ISAIAH!!" Inis na inis na singhal ni Lizbeth sa cellphone.
Isaiah: "What's wrong?"
"NAWAWALA SI ISLA!!! BA'T ANG TAGAL MONG SUMAGOT SA TAWAG KO!"
[NEXT CHAPTER PREVIEW pt. 2]
"Do you know how sunflowers die?"
Di siya sumagot.
"Losing its sun."
A/N: ⚈ ̫ ⚈ OY! Mag-vote⭐