Nakaupo at nakatitig lang si Marga sa iba't-ibang kulay na mga scented-paper sa mesa habang busy ang mga wedding coordinator sa pagsasalita tungkol sa kani-kanilang plano para sa nalalapit niyang kasal.
"I think it's more perfect if her wedding gown is in cream color, right?" Amoy ng isang babaeng wedding coordinator sa isang papel. "Oh! I like the scent on this one."
"Pa-amoy..." Kinuha naman iyon ng isa pang coordinator. "Nope. It's too strong. Try this one." Lahad nito sa kulay-gintong papel. "It's for the invitations, right? We want it to be gentle on the nose as they open the envelope."
They kept talking as if she wasn't there. No one asked for her opinions.
In fact...
May lumapit na isang katiwala at may binulong sa kaniya. "Princess Margaret, the royal couturier is here to check with your preferred length of your wedding dress' train." [A/N: Train - the long back portion of a dress that trails behind the wearer.]
...no one really wants her opinion.
Matamlay niyang nilingon ang maid. "Let the couturier decide how long she wants it to be."
"But Princess --- "
Tumayo siya. "Or perhaps the Queen's or the Prince' decision matters how long the dress' train should be." Nilingon niya ang apat na wedding coordinator na noo'y nagsisituruan ng mga interior designs sa isang magazine para sa St George's Chapel ng Windsor Castle kung saan gaganapin ang kasal. "Ladies, thank you for your dedication." She smiles a robotic smile. "Continue your job. I'll be retreating on my chamber." At pagkatalikod na pagkatalikod niya'y agad nawala ang ngiti sa labi niya.
.
.
On an open-air hallway that connects to building of the castle, Margaret stops and turns to look at Jean and Ussie drying clothes under the sun. Naikuyom niya ang kaniyang mga palad.
Queen Mary suspected that Jean and Ussie has got to do with her plan of keeping everything about the project a secret. Kaya pinarusahan ng reyna ang dalawa sa pamamagitan ng pagtanggal ng mga ito bilang personal servants niya at nilagay sa grupo ng mga kasambahay na nakatoka sa paglalaba ng maraming kurtina, mantel at mga mabibigat ng kubrekama.
They don't deserve this treatment at all. All they want is for her to be happy. All they want is for her to be safe.
Ganoon na ba talaga kalaki ang kapalit para sa kaniyang kaligayahan? Nadadawit ang ibang tao?
She wipes the single tear that travels her cheek. She promised herself to never shed a tear but she just can't help it.
Mabubuting tao ang dalawa pero heto't tinuturing ng reyna na mga suwail.
Tumingala si Margaret para pigilan ang mga luhang namumuo sa kaniyang mga mata.
Right now, she's developing a new fear.
The fear of experiencing too much happiness.
Nilingon niya uli ang mga kaibigan na halatang nahihirapang isampay ang basang kumbrekama sa sampayan.
Because every time she experiences extreme happiness, someone carries the burden of the punishment.
Mabilis niyang tinahak ang daanan papasok sa palasyo.
MILLER HQ | CALIFORNIA
"Psst... Baxter!" Sitsit ni Nadia mula sa counter nito at nagtapon ng eraser sa lalakeng unti-unting naiidlip sa sofa sa lounge. Natamaan niya ito sa hita kaya napatalong gising ito sabay lingon sa kaniya.
"O-Oh?" Kusot pa nito sa mata.
"Did sir said anything to you when you picked him on the airport?"
Sumandal si Baxter at inayos ang posisyon para maging komportable sa kinauupuan. "Wala naman."
"He's quiet?"
Nagtaka ang lalake. "Bakit? As if naman bago ang pananahimik niya."
"Ibig kong sabihin wala ba siyang sinabi man lang kung kamusta lakad niya sa Scotland --- "
Biglang nabuhayan ng diwa si Baxter sa narinig na pangalan ng lugar. "Saan ulit?"
"Scotland." Ulit ng babae sa mahinang boses. "Isn't that where Miss Margaret a princess?"
Hinarap ni Baxter si Nadia. "Ibig mong sabihin galing doon si Sir Isaiah?"
Tumango ito.
Umiling naman siya. "W-Wala... mga hapon ko na kasi siyang nasundo sa airport nun. Sabi lang niya, diretso kaming umuwi tappos maaga ko raw siyang susunduin kinabukasan. Yung lang. Di na ako nagtanong kasi baka pagod sa biyahe. Pero yung totoo? Sa Scotland talaga?"
Tumango si Nadia. "Madame Cordelia called here and told me to not book any flights to Scotland anymore even if it's Sir Isaiah's decision. Dumaan din kasi kahapon dito si Jack. Sa kaniya ko nalaman na galing sila Scotland."
"Sa tingin mo? May nangyari?"
Nilingon ni Nadia ang pintuan ng opisina ng amo baka bigla itong lalabas. "Feel ko, oo. Iba kasi pananahimik ni Sir."
"Baka ---- " Mabilis na lumingon si Baxter sa labas ng bintana habang si Nadia nama'y kinuha ang telepono at nagkukunwaring may tinawagan nang niluwa ng elevator ang company doctor na si Diana.
She smiles as she walks towards Nadia's counter. "Is Isaiah inside?"
"Uhhh.. he's got a video conference right now with the digital marketing team." Forcing a smile, Nadia turns off her computer's monitor which displays her boss schedule the whole month. Baka lang kasi makakita ng tiyempo o oras ang doktora para masolo ang amo.
"I see." Diana pouts her shiny-red lips and looks at the closed office. "Sayang. Excited pa naman ako makita siya nang marinig kong nakauwi na siya mula sa bakasyon. Is he hot?"
Napakurap si Nadia sa tanong nito. "P-Po?"
"I heard he took a break in The Bahamas." With dreamy eyes, Diana blushes. [A/N: The Bahamas – a premier destination country in Caribbean with exquisite blue beaches and white sand.] "He must be tanned with all those sunbathing."
Naweweirdohan si Nadia na nilingon si Baxter at pabalik sa doktora. "S-Siguro po? Naka-business suit po kasi si Sir Isaiah ngayon.. k-kaya di ko m-mahahalata?"
"Oh well." May dinikit si Diana na sticky note sa counter niya. "That's my free schedule. Can you pass it to Isaiah later? Tell him to call me."
"S-Sige po." Halos mapunit ang pisngi ni Nadia sa pilit na ngiti nito. "Makakarating kay Sir."
"Thank you. You're such a darling." She pats Nadia's cheek before she sashayed her hips towards the elevator.
Nang tuluyan na itong nawala sa paningin nila'y kinuha at nilamukot ni Nadia ang sticky note sabay tapon niyon sa trashbin. "Kung makaiwan ng schedule, parang p********e lang ang dating?"
Napahagikhik si Baxter. "Ba't sinabi mong may video-con si Sir? 'Eh nagpipirma lang iyon ng mga kontrata ngayon 'ah."
"Don't poke your nose on my business. Unti-unti kasing naging Madame Cordelia si Doc. Diana sa paningin ko. Look!" Tingin pa nito sa mga braso. "Naninindig balahibo ko!"
"Di mo alam... siya pala ang destiny ni Sir Isaiah?"
"Eww... that's one bad destiny then."
Sabay silang napalingon sa opisina nang bumukas iyon. Isaiah exits while pulling his necktie loose. "Nadia, scan this and send it to Yorker."
"Noted!" Agad na talima ng sekretarya.
"Boyet." Nameywang na harap ni Isaiah sa lalake. "Find the less-traffic route to Wells Fargo. Oh! We also need to go to Sta. Barbara around 3PM." Yun lang at pumasok uli ito sa opisina.
Nagkatinginan nalang sina Baxter at Nadia at sabay pang nagkibit-balikat.
.
.
Habang nagbibiyahe sa highway ay panaka-nakang sumisilip si Baxter sa rearview mirror para silipin ang tahimik na amo na nakatingin sa labas ng bintana.
"Uh... s-sir?"
"Hmm?" On Isaiah's hand is a pen that he's been twirling with his fingers. Nakatingin pa rin ito sa labas.
"Kamusta bakasyon niyo po?"
"I know you're aware I came back from Scotland."
Agad binalik ni Baxter ang tingin sa kalsada para iwasan ang asul nitong matang tumingin sa rearview mirror.
"Nothing happened if that's what you want to ask."
Kinagat nalang ni Baxter ang labi at nakaramdam ng hiya sa pagiging usyoso.
"I just don't want to feel right now."
Natigilan siya at sinilip uli ang amo sa salamin. "P-Po?"
"Di ko alam kung anong dapat kong maramdaman." With lazy eyes, he looks outside.
Napabuntong-hininga nalang si Baxter at pinagpatuloy ang tahimik na pagmamaneho.
BALMORAL CASTLE | SCOTLAND
Nakayupyop lang si Marga sa balustre ng kaniyang balkonahe kinahapunan at nakatingin sa malawak na hardin ng palasyo. She used to get excited seeing the birds flying around. She used to smile on simplest sway of the trees.
But right now...
Same scene. Different feelings.
Pagod na siyang makiramdam. Feeling the emotions inside her is useless. They don't care about what she's feeling anyway.
Napatingin siya sa lalakeng lumabas sa pintuan ng palasyo sabay yumukod sa kausap na reyna. If Marga's memory serves right, it was the head civil registrar of Scotland. [A/N: Civil Registrar - an official with the responsibility of registering and recording vital events and details for statistical purposes. Example, in charge of processing the birth certificate of a child. On this case, preparing to register Marga's name and Joaquin's name as one on legal documents after they sign their marriage contract.]
Nakangiti ang reyna na para bang nagpapasalamat sa malaking tulong ng tagapag-rehistro.
The old man saw her and smiles at her. Lumingon na rin ang reyna sa kaniya pero saglit lang iyon kasi agad nitong binalik ang atensiyon sa kausap.
Moments later, the man left then the Queen enters the castle again. After few minutes, someone knocked on her door.
"Come in." Sa mahinang boses niyang pahintulot.
Sumilip ang isang babaeng katiwala. "Princess, the Queen demanded your presence on the study room."
She stands up from sitting on a chair and nods. "I'll be right behind you." Sagot niya.
She's tired and they don't care.
.
.
"My Queen." Pasok ng katiwala. "The Princess is here."
Tumango ang reyna na noo'y suot ang eyeglasses and winasiwas ang kamay para paalisin ang katiwala at maiwan silang dalawa sa kwarto.
Margaret inhales deeply and faces her grandmother.
Umupo ito at may tinulak na folder sa mesa papunta sa direksyon niya. "Read that. Those are the seminars you and Joaquin should attend. Requirements ang mga iyan bago maprosesa ang marriage contract niyo. I already called Governess Amelia to not report to work tomorrow and today so that you could focus on these seminars. Also talked to Joaquin and he is already adjusting his schedules."
Kinuha niya ang folder at sinilip ang laman noon.
Enlist inside are more than 5 seminars. Kung normal na preparasyon lang 'to, aabot ito sa iilang buwan dahil mag-papa-apointment ka pa ng schedule sa iba't-ibang ahensiya na gagawa sa seminar. Yet with the Queens power, they could only finish these in a day or two.
Tumango nalang siya. "W-Would that be all, My Queen?"
Natigilan si Mary mula sa pagbabasa ng isang Executive Order at naiangat ang tingin papunta sa apo. She called her 'My Queen' even though it's only the two of them inside the room. Queen Mary eventually nods. "Yes, you may leave."
Tumalikod si Marga at pipihitin na sana pabukas ang malaking pinto nang nagsalita uli ang reyna.
"Just for your information... I won't stop the man-made lake project in Muirhaus and Marchomont."
'But?' Isip ni Marga habang nakatitig sa pintuan.
"But... if you tried going there again, those people will only find a deep excavation with no water. Ora mismo papauwiin ko ang mga trabahador doon. Naintindihan mo?" The Queen's voice had conviction.
She nods and pulls the door to leave before the tears on her eyes will fall.
Sa paanan ng bundok, binaba ni Alessandro ang mga nahuling usa (deer) at mga baboy-ramo (wild pigs) para ibenta sa mga tindero sa palengke. Sa ganitong paraan siya nabubuhay. Sa konting kita'y nakakabili siya kahit papaano ng kailangan niya tulad ng damit, bigas, prutas at pang-ayos sa kaniyang maliit na bahay.
Tulak-tulak ang kariton na naglalaman ng mga napatay na hayop, tinahak niya ang lubak-lubak na daan.
Habang binabaybay ang daan, nakita ni Alessandro na pawang masaya at excited ang mga tao sa bayan. Kani-kaniyang sabit ito ng mga watawat (flags) ng Scotland at Ireland sa kanilang bintana o pintuan. Ang iba'y nagpipintura at nag-aayos ng kanila nga bahay. Mga bata nama'y kani-kaniyang tulong sa kanilang mga ina sa paglilinis.
'Anong meron?' Lingon ni Alessandro sa paligid.
[A/N: It has been a tradition in the Western Countries especially with monarchs that everytime there's a huge event in the palace like marriage, birth of a royal, birthdays, their citizens celebrates with them by pinning the flags and making their house clean as their way of greeting well-wishes to the royals.]
Huminto si Alessandro at nilapitan ang isang matandang babaeng nakaupo sa rocking chair sa labas ng bahay nito at nag-ga-gantsilyo. "Excuse me. Pwede ho magtanong?"
"Ano yun hijo?" Nakangiting tumingala ito sa kaniya.
"May okasyon po ba ngayon?"
"Ahhh..." Baling ng matanda sa mga abalang tao. "Sa susunod na linggo kasi ang takdang pagpapakasal ng prinsesa natin."
Nanlaki ang mat ani Alessandro. "P-Po?" 'I thought it was postponed. Nelson told me it will push through after Margaret's project.' Hindi madali ang gumawa ng lawa kaya hindi agad yun matatapos. Kaya bakit naging agad-agaran ang kasal ng anak. "S-Salamat po."
Pinagpatuloy niyang ang pagtulak.
Hindi nag-iwan ng contact number si Nelson sa kaniya dahil alam nitong araw-araw talaga siyang tatawag para kamustahin ang anak.
Right now, his guts are telling him something is not right.
Nelson should need to meet him anytime soon or else... no one could stop him bombarding the palace and take her daughter away.
MILLER HEADQUARTER | USA
Sabay napanganga sina Nadia at Baxter sa tinuran ng amo nila nung mag-siuwian na sila kinahapunan.
Nilingon ni Nadia si Baxter. "Totoo ba ang narinig ko?" Sabay rin nilang sinundan ang papalayong pigura ni Isaiah na pumasok sa elevator at tuluyan nang umalis.
Isaiah just told Nadia to contact Diana then book a fancy restaurant, dinner for two.
"Baxter... si Sir Isaiah ba talaga yun?"
Umiling si Baxter. "D-Di ko alam."
"Dinner? Really? With her? Anong nakain ni Sir Isaiah?" Napakamot nalang siya sa ulo at naghanap ng restaurants sa computer nito. "Ayaw ba ni Doc. Diana ng maaanghang na pagkain? Kasi ibo-book sila sa isang spicy-food restaurant. Hehehe ---- " Hahagikhik na sana siya nang makitang tulala pa rin si Baxter. "You okay?"
"Nadia..." Nanlalaki ang mga mata na lingon ni Baxter ang babae. "Ewan ko kung mag-koneksiyon ito o wala..."
"What?"
"Yung papauwi na kami mula sa meeting niya kanina, dumaan kasi kami sa isang jewelry store."
Nasapo ni Nadia ang bibig. "No way!"
Tumango si Baxter. "Habang nasa kotse ako, kitang-kita ko paano nagpili ng mga singsing si Sir."
Mabilis na umiling si Nadia. "H-Hindi pupwede 'to!" Mabilis niyang hinubad ang I.D. at pasalampak na pinasok iyon sa bag niya. "Ikaw mag-drive ng kotse ko, Baxter. Sasabotahe-in natin ang proposal ni Sir!" Sabay tapon ng susi ng kotse niya sa lalake. Niyuko uli niya ang computer para maghanap ng restaurant kung saan nila madaling masira ang plano ng amo.
"Nababaliw ka na ba?!" Di makapaniwalang tingin ni Baxter sa kaniya. "Alam mo ba pag nakita man lang tayo ni Sir Isaiah na nakamasid sa kaniya'y dalawa tayong gigising na walang trabaho!?"
"Pili ka..." Baling ni Nadia sa kaharap sabay pindot sa mouse para i-book ang restaurant. "Ang makita si Sir Isaiah kasama si Cordelia version 2 na si Doc. Diana o ang makita si Sir Isaiah kasama ang isang prinsesa na si Princess Margaret?"
Natigilan si Baxter habang pinagpatuloy ni Nadia ang ginawa.
> Di mapigilan ni Boyet na mapangiti nang makita paano kinukurot ni Liam ang pisngi ng naglalaway na natutulog na si Isla sa sofa.
Lumabi siya. "D-Doon pa ri ako k-kay tomboy siyempre."
"Good." Lumabas si Nadia sa counter nito. "At ayoko rin maging amo si Doc. Diana. Imagine-in mo nalang, araw-araw siyang pupunta rito tapos kembot-kembot na papasok sa opisina ni Sir. Nanlalagas na buhok ko sa kakaisip. Ayoko!" At nagpatiuna na itong naglakad papunta sa elevator.
Nabuhayan ng loob si Baxter. "T-Tama!"
"Dali!" Hila ni Nadia sa kaniya.
OFFICE OF THE REGISTRAR | SCOTLAND
"And here are the papers." Malugod na nilapag ni Lord Tullen ang mga certificates sa harap ng prinsipe at prinsesa na noo'y nakaupo sa harap ng mesa ng opisyal. "I just need you two to sign here and here..." Turo nito sa mga blangkong espasyo sa papel. "Then your thumbmark here."
Kinuha ni Joaquin ang ballpen at agad ginawa ang sinabi ni Lord Tullen.
Kinuha naman ni Margaret ang isang ballpen at akmang susulat na sana nang nabitin ang kamay niya pagpalapat sa papel.
> "I want you to be happy, baby." Halik ni Helena sa noo ng maliit na si Margaret habang pinapaliguan siya nito sa isang malaking plangganang puno ng bubbles. "Whatever it takes, do what makes you happy. If running around now with bubbles and disturbing your papa while he's cleaning makes you happy, do it."
"Princess?" Untag sa kaniya ni Lord Tullen.
Nilingon ni Joaquin si Margaret. "Marga?"
Huminga siya nang malalim at binaba ang ballpen. "C-Can I s-sign these tomorrow?"
Nagkatinginan ang prinsipe at ang opisyal.
Tumayo si Margaret at mabilis na lumabas sa opisina. Tumayo na rin ang prinsipe at sinundan ito.
.
.
"Marga!" Habol ni Joaquin sa prinsesa. "Margaret!"
Huminto si Margaret at nilingon ang lalake. "W-What?"
"You're making this harder than it seems --- "
Tinaas ni Marga. "I'm going to sign those, okay? I..." Her breathes are rapid. "I-I..." Sinapo niya ang noo.
Doon na nag-alala si Joaquin nang makitang pinagpapawisan siya at namumutla. "Margaret?" Hawak nito sa balikat niya. "Are you okay?"
Halos walang lakas na tinabig ni Marga ang kamay nito. "I-I'm fine. Just..." She's having a hard time breathing. She's having a panic attack. "J-Just leave me alone." Dahan-dahan siyang tumalikod at tinukod ang braso sa dingding para doo humugot ng lakas. 'Margaret... calm down... calm down...' Her heart keeps beating fast. 'Isla... Isla... calm down....' Utos ng utak niya at dahan-dahang huminga ng malalim. 'T-That's it... c-calm down...' Hinanap ng mata niya ang pintuan palabas sa building para magpahangin muna.
Joaquin looks down on his hand that touched Marga earlier. She almost like a stranger to him. Di na niya ito kilala.
Sa kanilang dalawa? Sino nga ba ang nagbago?
He balls his hand into a tight fist.
> Margaret laughs as she feeds him a ball of rice from her hand. "Wag mo kasi masyadong higpitan. Nasisira tuloy."
She might be talking about the food that time, but it seems like it was a foreshadowing of what's about to happen. [A/N: Foreshadow - a warning or indication of (a future event)]
Hindi niya alam kung mahigpit siyang nakahawak sa prinsesa o sadyang ito ang kumawala sa kaniya.
THE PALMS | CALIFORNIA, USA
Sumilip si Nadia mula sa taas ng menu na hawak niya. She spotted her boss and the doctor on a corner. Isaiah seems to be relaxed while drinking wine and listening to a very talkative Diana. Dinig na dinig mula sa posisyon nila na walang bukambibig ang babae kundi ang bagong diet plan nito na nagpapanipis raw ng taba sa likod. May taba pa ba ang likod nito? 'Eh parang di na nga ito kumakain sa payat nito...
Tumaas ang isang kilay niya nang bumaba ang tingin niya sa suot nitong puti na body-fitting dress. Kulang nalang ay isang daplis ng gunting para tuluyan na itong dahil iisang strap lang ang nagkokonekta sa likod at harap na damit.
Diana is stunningly gorgeous with brown hair and angelic eyes.
Sadyang di lang niya feel ang aura nito.
"Baxter? Lumapit pa kaya tayo para makita natin saang bulsa tinago ni Sir ang singsing." Nilingon niya ang katabi. "Baxter --- " Nakita niya ito na seryosong nagbabasa ng menu. "BAXTER!!" Mariin pero mahina niyang tawag nito.
"Oh?"
"Anong 'oh?'? Anong ginagawa mo?"
"Pumipili ng pagkain? Di ba tayo kakain?"
"Huh?! Nababaliw ka na ba?" Hablot ni Nadia sa menu na hawak nito pataas para takpan sila sa kinaroroonan nila. "Ang mahal ng mga pagkain rito. Isang buwanang sahod na natin ang mga ito."
"Ibig mong sabihin, tutunganga nalang tayo rito at hintayin natin kung kelan ilalabas ni Sir ang singsing? Ganun?"
Tumango si Nadia. "Oo. Tapos pag inilabas na, magbibihis ka na parang waiter at hablutin yun sabay malakas na tumakbo palabas."
"At ako pa talaga ang tatakbo? Paano pag nabilanggo ako? Di ko nga afford pagkain rito, pang-piyansa pa kaya?"
"Ako bahala sa'yo." Nadia winks at him.
"Ewan. Di ka nga rin makakabili kahit tubig rito."
"Duh! Look at their price, a pitcher of water costs 75$ (3,915.75 Pesos)! Doon nalang sa office, libre pa sa water dispenser."
"Ahhh..." Inis na tumango si Baxter. "At sabi mo pa ikaw bahala pag ako nakulong."
"Mayaman boyfriend ko." Mala-asong ngiti ni Nadia patungkol sa nobyo nitong si Alban. "Pero..." Baling uli niya sa dalawa. "Sure ka bang mag-po-propose si Sir? 'Eh parang wala nga itong gana na kaharap palang si Doc. Diana."
Isaiah is staring at Diana talking with a small smile on his lips. As if he's just doing it to not offend the woman who is still not done talking about the different diet techniques she used.
"Sinabi ko lang naman na may binili si Sir sa jewelry store. Wala naman akong sinabi para iyon kay Doc. Diana."
"I know. But isn't it a bit too coincident? He bought a ring then asked her out on a dinner."
Naguguluhan si Baxter. "Huh? Sinong may sabing singsing binili niya?"
"You did!" She slaps his shoulder.
"Ano? Sabi ko lang naman nakita ko si Sir na pumipili ng singsing. Hindi ko sinabing bumili siya ng singsing."
Nagkatulalaan ang dalawa.
...
Sinapak ni Nadia ang palad sa noo. "Then what the hell are we doing here ---- "
"Excuse me, Madame, Sir." Lapit sa kanila ng isang waiter. "Your orders are here."
Parehong nagulat si Nadia at Baxter na tumingala sa waiter. "HALA!! N-NAKO! WALA KAMING IN-ORDER!!" Sabay pa nilang angal. Sa amoy at dami palang ng pagkain sa tray nitong dala'y ubos na ang halos limang buwan na sahod nila.
Pinagpapalo ni Nadia si Baxter ng menu. "WALA AKONG DALANG PERA, LANGYA KA!!"
Sinalag naman ni Baxter ang braso nito sa mukha. "WALA NGA AKONG IN-ORDER!!!" Napatingin si Baxter sa direksyon ng amo nila. "Uhhh... Nadia?"
"EHHHH!!" Patuloy pa ring nagwawala si Nadia. "BWESIT KA!!"
Hinawakan ni Baxter ang dalawang braso. "TUMIGIL KA NGA! Di nga ako nag-order!!"
"Then who?!" Baxter didn't respond. Instead, Nadia follows Baxter's eyes. Nakatingin ito lagpas sa kaniya. Napalunok siya at dahan-dahang lumingon sa direksyon na tinitingnan nito.
With one hand under his chin, a pair of blue eyes are sharply looking at them.
Kinagat ni Nadia ang ibabang labi at yumuko dahil sa hiya. "Baxter..."
"Nararamdaman ko na ang amoy ng Pilipinas bukas." Tingala naman ng lalake sa kisame.
.
.
Nakayuko sina Baxter at Nadia sa likod ng amo ito na siyang nagbayad sa order nila. Gutom sila kaya kinapalan nalang nila ang mukha at kinain ang mga pagkain kahit parehong walang dalang pera.
"Keep the change." Saad ni Isaiah sa cashier at tumalikod para lumabas sa restaurant.
Siniko ni Baxter si Nadia. "Mag-sorry ka dali!"
"Why me?"
"Idea mo lahat 'to! Dali na..."
"Sir!!" Mangiyak-ngiyak na habol nilang dalawa sa amo.
On the parking lot, Baxter and Nadia are following their boss like obedient dogs. "Sir..."
Pinindot ni Isaiah ang car key at binuksan ang pintuan ng puting Lexus nito. "You two owe me a beer."
Nahinto ang dalawa at napakurap.
Isaiah slid into his car and open his window. "What are you waiting for? Lead the way and get me the finest beer you know here in California."
Mangiyak-ngiyak na tango ni Nadia. "O-Opo... Sir, sorry po talaga." Isaiah ordered those foods and was planning to let them pay for it as form of their punishment, yet he still had mercy for his hard-headed employees. "Wag p-po kayong mag-alala. Kami po ang manlilibre sa inyo ng beer."
"Kahit ilang bote pa ang gusto niyo, sir." Segunda ni Baxter.
He sighs. "Just drive."
Masayang tumango ang dalawa at parehong nagkukumahog na sumakay sa kotse ni Nadia.
.
.
Isaiah blows upward and look at the fog coming out from his mouth. He drinks from his beer bottle again. They are currently sitting on a seawall overlooking a sea.
It was peaceful looking at the sea as tiny different night lights was reflected on its surface.
Nadia and Baxter took him to a beer stall who only sells cold beer at night at a park near Malibu Beach.
Tiningnan niya ang laman ng bote na nangangalahati na. He already tasted this brand of drink but why does it taste different from the first time he drank it?
"Masarap pag dito ka iinom niyan, Sir." Sagot ni Baxter sa palaisipan niya. Naglahad ito ng fried nuts sa kaniya. "Tapos paresan mo nito? Para ka ring nasa Pinas. Of course, di lang ganito kalamig."
Tinanggap ni Isaiah ang mani. Umupo naman si Baxter sa tabi nito habang si Nadia'y nasa kabilang tabi ng amo nila.
They close their eyes as the night air swished past by them.
"Why are you following me?" Tanong niya sa dalawa.
Binato ni Baxter ng mani si Nadia. Tumikhim si Nadia bago sumagot. "A-Ano kasi sir... sabi kasi ni Baxter na hihingin mo na raw ni Doc. Diana."
"ANONG AKO?! HOY! IKAW 'TONG NAG-ASSUME!"
Isaiah chuckles as he drinks another round on his bottle. "Why?"
"Kasi..." Lumabi si Nadia. "Nakita ka raw niyang bumili ng singsing."
"HOY PAHAMAK KA!" Sumandal patalikod si Baxter at inis na marahang pinalo ng walang lamang botelya ang babae sa braso. "Sabi ko nakita kong Pumili. P. Hindi Bumili. P ha? PUMILI."
"I did buy something." Singit ni Isaiah na nagpalingon ni Baxter at Nadia sa amo. "Mom's birthday is near. So, I bought her a customized gold necklace with her name engraved on it."
"Ohhhhhhhhhhhh...." Sabay react ng dalawa.
"Pero..." Unang nakahuma si Nadia. "Kung okay lang pong magtanong, bakit niyo po inimbita ng dinner si Doc. Diana?"
"The HR called me earlier. Marami dawng nag-ma-maternity leave." [A/N: Maternity leave is provided to pregnant employees in order to rest before and after giving birth.] "Malapit na kasi ang audit ng kompanya kaya gusto ko malaman kung ilang buntis ba ang malapit na manganak at yung iilang buwan palang para maayos natin ang mga trabaho nila bago ang audit. As the company's doctor, she knows the data."
"Ohhhhhhhhhhhh...." Sabay uling react ng dalawa.
"Kaya inimbita mo siya sa dinner?" Tanong uli ni Nadia.
"She somehow blackmailed me. Di daw niya ibibigay impormasyon pag di ako makikipag-dinner sa kaniya. It's just a harmless blackmail plus I have enough time for a dinner."
"Ang chairman?! B-in-lackmail niya?! She's not professional!" Ingos ni Nadia.
"So does following a boss on his personal affairs." He turns to her secretary.
"Hehehehe..." Napakamot nalang si Nadia sa leeg nito. "Di na po mauulit."
Sabay silang tatlong tumungga ng beer sa hawak nilang botelya.