Chapter 12: The Truth Agad na nanlaki ang mga mata ni Denise nang marinig ang sinabi ni Georgina kay James. If memory serves her right, si James Bourbon ang isa sa tatlong taong may nakatanim na galit si Jane Fitzgerald. Ang ikalawa ay si Phenelope Salvador na sa perpektibo ni Jane ay feelingera. At ang panghuli ay siya naman. Kasalukuyang napatatanong na ang dalaga. Tama ba ang narinig niya na nag-open topic ng ligaw si Georgina sa lalaking kinamumuhian ni Jane? “Ewan. Siguro kapag mag-birthday na lang siya?” sagot ni James. Dahil dito ay napaisip si Denise kung kalian ang birthday ng spoiled brat. “Ano ba ‘yan…” si Georgina. “Grabe. Kung gaano ka kagaling magsulat sa paaralan ay iyon din ang kinatorpe mo? Alam mo ba ang birthday ng bestfriend ko?” “Malamang, Georgina…” tugon

