Chapter 13: Her Secret Admirer Sabado ngayong araw. At dahil sa may ROTC drill, maagang nagising si Denise. Naligo siya at nagbihis ng tactical uniform (na brown tee shirt na may malaking NAVY na nakasulat sa harapan at black slack na may garrison belt sa waist) bago bumaba sa kusina para kumain. Gaya ng mga ordinaryong araw, walang naabutang tao ang dalaga roon. Tanging pang-almusal lang ang nakita niya na agad din niyang kinain. Ilang minuto ang lumipas at natapos na siya. Iniligpit na niya ang pinagkainan. Lumabas siya sa bahay at tinungo si Manong Armand. Gaya rin ng mga tipikal na araw ay naabutan niyang umiinom ito ng kape. Basi sa naaamoy ng dalaga ay puro ang pagkakatimpla ng iniinom nito. “Magandang umaga. Manong, hindi na po muna ako magpapahatid sa inyo sa paaralan.”

