Chapter 14: Jogging (Not Searching) For Love .Kahit na mamaya pa tutunog ang alarm clock niya, gabi pa lamang ay itinatak na sa isipan ni Denise ang isang partikular na bagay. Maaga kasi siyang magigising sapagkat niyaya siya ng mga kuya na mag-jo-jogging. Kaya naman, alas kwarto y midya pa lang ng umaga ay gising na siya. Inayos niya ang sarili at nagbihis ng sports attire. Bumaba ang dalaga para matingnan ang mga kuya. Baka kasi guhit lang sa hangin itong napagplanuhan nilang magkakapatid. Linggo ngayong araw. And so far, ito pa lamang ang pagkakataon na makakapag-bonding silang tatlo. Ang panghuli ay mahabang panahon na ang lumipas. Nag-internship kasi ang kuya niyang si Teejay sa ibayong dagat kaya ngayon na lang sila nagkaroon ng time magkasama. Si Teejay Frendon ay ang kuya ni D

