Chapter 4: Their Clashroom
Matapos ang hindi gaanong matagal na paglalakad ay sa wakas narating na rin nina Denise at Lance ang classroom nila. Ang disenyo ng silid ay katulad ng sa mga abroad na classroom na marami ang mga pinagpatung-patung na blackboards. Ang mga upuan naman ay parang bleachers ng stadium. Mas elevated ang last row sa first row.
Pagkapasok sa loob ng silid ay muling dinalaw ng kaba and dalaga. Bagsak din kasi ang grado niya sa mga test nila sa Algebra. Kinumpos niya ang sarili na huwag maging tensyonado. Bumuntong hininga siya. At para huwag mag-alala nang husto ay binati na lang niya ang mga nadaraanang kaklase.
“Good morning, Kevin. Good morning, Sandra,” magalak na sabi niya sa dalawang kamag-aral. Ginantihan siya ng parehong bati ng mga naturang kaklase, “Good morning din, Denise.”
Ngumiti ang dalaga at pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi na niya nilingon pa si Lance kung sumusunod pa rin ito likod. First of all, matalino ang kaklase niyang iyon. Ang mga matatalino ay parating umuupo sa harapan. Nakikinig kasi ang mga ito nang mabuti kumpara sa last row na puro distractions lang ang makukuha nila.
Ngunit sa kaso ni Denise, ewan niya kung ano ang rason niya at sa last row siya naupo. Ngayon ang inuupuan niya roon ay nakapangalan na sa kanya. May seating arrangement kasi na ipinatupad ang Algebra teacher nila. Effective ito kapag ginagamit nila ang room na ito. Panindigan ng teacher nila, dapat first year pa lang sila ay dapat maging responsable na sila. Kahit na sa maliit na bagay man lang. Katulad ng pagpapanatili sa designated na upuan at mesa nila na malinis. Walang dumi at vandal.
Patuloy na tinutungo ni Denise ang upuan niya. At kapag sobrang close naman ng mga kamag-aral niya sa kanya, bukod sa simpleng bati ay may pangungulit pang isinasama si Denise.
“Magandang umaga, Adrian.”
“Magandang umaga din, Denise.”
“Wala ka bang may nakakalimutan, Ad?” tanong ng dalaga.
“Parang wala naman?” naiintrigang tugon ng lalaki.
“Talaga lang, a?” Namewang si Denise.
“Oo naman.” Ngumiti sunod si Adrian. Ngunit mabilis din iyong nawala. Hindi kasi gumanti ang dalaga ng parehong ngiti. Bagkus ay humalukipkip pa ito. Kaya tinanong na siya nito, “Mayroon ba akong nakalimutan?”
“Adrian, Seventeen years and three days old ka pa lang, oi. Malayo pa ang edad mo para maturingan nang ulianin. Nasaan na ang sabi mong libreng hamburger kapag nakapagdiwang ka na ng kaarawan mo? Noong Biyernes pa kaya ‘yon?”
Unang napaisip ang kaklase sa narinig. Kalaunan ay nagsalita ito, “Oo nga pala. Ayon, itinapon ko na lang.” Marahan munang tumawa si Adrian bago nagpatuloy, “Hindi mo kasi kinuha noong Sabado. Napanis na sa kahihintay sa iyo.”
“May ganoon?” nakataas ang kilay na tanong ng dalaga.
“Siyempre wala. Naniwala ka naman. Next birthday ko na lang kita ililibre. Sure promise na talaga ito.” At itinaas pa nito ang kamay na parang nanunumpa.
“Sigurado 'yan, a? Ngayon pa lang ay mamarkahan ko na ang kalendaryo ko rito sa cellphone.”
Kinuha ni Denise ang cellphone at ginawa ang sinasabi.
“Sige ba. Sandali, may pupuntahan muna ak--” bukod sa pagiging putol ang sinabi ng kaklase ay napansin din ni Denise na kumunot ang noo ni Adrian. Nakatingin ito likuran ng dalaga.
“Bakit, Adrian?” tanong ni Denise sa kaklase.
“Tol, bakit ka nandirito?” tanong nito sa taong nasa likod ni Denise.
Nagtaka si Denise sa sinalita ni Adrian. Kaya, para maliwanagan ay lumingon siya sa likod. Nakatayo nang matuwid, parang bodyguard ng dalaga ang binata. Si Lance pala ang dahilan kung bakit parang nakakita si Adrian ng milagro.
“Oh, bakit?” agad na tanong ni Lance. Ngayon ay dalawa na sila ni Adrian at Denise ang nakatingin sa kanya.
“Lance, isang buwan na tayong magkaklase. Ngunit ngayon pa lang kita nakitang umakyat dito sa fourth row. Sabihin mo, parati kang nakapuwesto sa unahan para makinig nang mabuti. Sa lahat iyon ng mga subjects natin. Ngunit, bakit ngayon ay nandirito ka na?”
“Ah, wala," tugon ni Lance pagkatapos ay tumawa. "Akala ko kung ano na at ganon ka na lang kagulat makatingin sa akin. Babalik naman ako sa ibaba kapag naihatid ko na si Denise.”
Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa narinig. Tanong ni Adrian na hindi maitagong natatawa sa isinagot ni Lance, “Talaga? May ganoon na ngayon?”
Agad na wika ni Denise, “Lance, bumaba ka na. Kaya ko na ang sarili papuntang fifth row."
“Duda ako riyan.” Pagkatapos ay mapilyong ngumiti ang pinakamatalinong kaklase.
“Huh?” Nakamaang ang panga, ganoon ang naging reaksyon ng dalaga.
“Naalala mo ang nangyari kanina sa laboratory? Gusto ko lang matiyak na makakarating ka sa fifth row at makaupo roon nang ligtas at maayos.”
Natigilan si Denise sa narinig. Ngunit hindi iyon nagtagal nang biglang sumigaw nang may kalakasan si Adrian. “Oh no no no no! Ano itong nanyayari?”
Agad na ginapangan sunod ng kaba si Denise.
Dahil sa ginawa ni Adrian, ngayon, ang lahat ng kaklase nila ay sa dako na nila nakatingin. And more than embarrassment-- because Denise is a fair-white lady-- immediately her complexion changed. Nag-blush ang dalaga.
Noong una ay hindi pa alam ng mga kaklase nila kung ano ang gustong ipahayag ni Adrian. Tinawag kasi nito ang mga atensyon nila. Ngunit nang mapansin ng mga kaklase na namumula si Denise habang kaharap si Lance, dito na nila naintindihan ang rason sa pagsigaw ni Adrian.
“Ehhh!” kinilig na wika ng mga kaklase nila.
Napaka-overwhelming ng mga titig ng kaklase nila. Mistulang porselanang estatwang kinulayan ng pula si Denise ngayon. Hindi makagalaw habang namumula pa rin. Sa kabilang banda naman, si Lance ay tuwid lang na nakatayong. Parang wala itong pakiaalam na nasa kanila na ang lahat ng atensyon ng mga kaklase nila. Sa dalaga lang ang tingin ng binata at hindi na ito napunta kung kanino man.
“Hay, nako, ang aga-aga ay may nakikilig na. Feelingera din pala si girl, noh?”
Nang may isang tinig na pumam-ibabaw sa classroom nila. Humarap ang lahat sa dako kung saan iyon nanggagaling. Nakita nila ang kaklaseng abala sa pag-re-retouch sa first row. Kinakausap nito ang katabing kaibigan niya.
“Sinabi mo pa, Jane. Akala ko nga noon kung sinong simpleng babae lang iyon na nakaupo sa likod. Iyon pala ay may binabalak na.”
“Nga e. But if she think na makukuha niya ang crush ko, umasa pa siya nang umasa. Matalino kaming dalawa ni crush. At siya ay hindi.”
Pagkatapos ay sabay na tumawa ang dalawa.
Kahit na hindi sinasabi ng mga kaklase niya ang pangalan ng babae, alam ni Denise sa kapasidad niyang makaintindi na siya itong pinatuturingan nila. Tama, siya nga. Gustuhin niya mang magbitaw ng salita para makaganti, ngunit itinago na lang niya ang saloobin. Alam niyang wala siyang batbat kay Jane pagdating sa utakan. Valedictorian kasi ito ng paaralan nila noong highschool pa ito.
Napayuko si Denise sa nangyari. Sa kabilang banda ang mga kaklase nila ay mabilis lang naka-move-on nang makita nila ang Algebra teacher na pumasok na sa silid. May ibinulong si Lance kay Denise, “Hayaan mo na ang feelingera kong katabi ng upuan. Ako na ang gaganti para sa iyo mamaya.”
Nagulat ang dalaga sa narinig. Agad na hinarap nito ang binata. “Ano ang gagawin mo?”
“Relax, walang pisikal na sakitan ang mangyayari. Though, I am not sure kung ganoon din sa aspetong emosyonal niya at mental.”
Matapos ang pag-uusap ay agad nang tinungo ni Lance ang upuan sa first row. Katabi nito ngayon si Jane. Si Denise naman ay umupo na rin sa silya niya. Ang dalaga ay napaisip. Ano kaya ang itinutukoy na gagawin ni Lance kay Jane? Hindi nga masasaktan ang kaklase ng pisikal. Ngunit walang garantiya kung ganoon din sa aspetong mental at emosyonal nito.
Binuksan na ng teacher nila ang class record. Sinimulan nito sunod na magbanggit ng pangalan. Lahat ng ME1-C ay napatigil sa mga ginagawa at nakinig na matawag ang mga pangalan nila. “Cassandra Adelaide?”
“Present, Sir,” agad na tugon ng kaklase. Siya itong tinawag kanina ni Denise na Sandra.
“Yzikiel Asundra?”
“Present, Sir.”
“Jamaica Bustamante.”
“Present, Sir.”
Nagpauloy ang pagtawag ng pangalan ng teacher nila. Hanggang sa nasapit na nito ang huling pangalan sa class record. “Lance Vladimir?”
“Present, Sir,” agad na tugon ng binata. At nang natapos nang mag-check ng attendance ay opisyal na nitong simulan ang klase.
“Good morning, class,” bati ng guro na agad namang tumugon ang mga estudyante ng ganoon ding bati, “good morning, teacher.”
“Okay, since we are done with our lesson 3 last meeting, let’s now proceed to our lesson 4 called ‘Factoring’.”
At sinimulan na ng guro na magsulat sa isa sa mga pinagpatung-patung na blackboards. Sila namang mga mag-aaral ay mas pinag-igihan pa ang pakikinig. Ganoon din ang pag-te-takedown notes just case na mawaglit sa isipan nila ang sinasabi at sinusulat ng professor.
Sa unang oras ay naging atentibo pa sa pakikinig ang lahat. Some even participated as the lecture progresses. Napakapamilyar na kasi sa iba ang topic. Ngunit nang paparating na ang alas diyes, dito na nagpapakita ng simptomas ang iba na nahihirapan nang makasabay sa turo ng guro. Higit sa karamihan ng mga kaklaseng, si Denise ay nababagot na sa kinauupuan. Ewan ng dalaga kung bakit parati na lang niya ito nararanasan. Hindi lang sa subject na ito kundi sa iba pa. Kanina ay okay pa siya at naiintindihang malinaw ang tinuturo ng teacher. Ngunit ngayon ang malamig na hangin sa loob ng classroom nila ay nakakasakal na. Ginagawa na nitong inaantok ang dalaga sa patuloy na pakikinig sa itinuturo ng teacher nila.
Ang gusto niya sanang resolba ay lumabas muna sa silid para makalanghap ng sariwang hangin. Ngunit iniisip niya pa lang na dumaan sa harap at lalagpasan sina Jane at Lance ay huwag na lang. Sinasabihan na lang siya ng utak niyang manatili sa kinauupuan.
Bilang desisyon ay nanatiling nakaupo lang ang dalaga. Dahilan sa walang magawa at ang pagtingin sa blackboard ay nakakasakit ng ulo, sinimulan na lang ng dalaga na mag-countdown ng oras patungong alas dose. Universal lunch break kasi iyon. Sa isip niya, 10:03 na… isang oras at sikwentay siyete minutos na lang, matatapos na itong pagdurusang dinaranas niya.
At nang 10:30 na, mahinang napawika siya, “Isa at kalahating oras na lang.”
At nang 11:00 na, “Kaunting hintay na lang talaga.”
“Okay, class, let’s now have some sample problems. Answer these to better assess your knowledge in today’s class. That is, if you really have understood everything.”
Kahit na nakikinig sa nagsasalitang teacher, ang utak ni Denise ay nabibigong maiproseso ang napakingan. Mistulang pasok sa kanang tainga at tagos sa kaliwang tainga lang ang ginagawa ng utak niya sa naririnig. Panindigan ng dalaga ay mag-yo-Youtube na lang siya at mag-re-review study para maintindihan talaga ang lesson ngayon.
Malapit nang mag-alas dose nang sinabi ng professor nila na ang sinulat nito sa blackboard ay iyon na ang pang-huli sa mga sample problems. “Sagutan n’yo sa inyong mga papel ito. At kung tapos na kayo ay isulat n’yo ang solution rito sa harap nang makita ng buong klase kung pareho ba kayo ng sagot.”
Dahil sa hindi alam kung paano ang proseso para makuha ang solusyon sa equation na isinulat ng teacher nila, hindi na nag-abala pa ang dalaga para sagutan ang pang-huling sample problem. Alam na rin niyang mali ang kalalabasan ng solusyon niya. Kaya, bakit pa mag-e-effort?
Mula sa blackboard na puno ng mga numerong ay napatingin ang dalaga sa dako ni Lance. Kita nito na abalang-abala sa pagsusulat ang binata sa notebook. Sa isip ni Denise, mukhang ang pinakamatalinong kaklase na naman niya ang makakasagot sa ibinigay na seatwork ni sir.
Go, Lance. Tapusin mo na ito at nang makalabas na ako rito.
Ngunit nang makalipas ang ilang minuto sa paghihintay, tila ang inaasahan niya ay naglaho nang hindi si Lance ang tumayo para pumunta sa blackboard. Iba kasi ang tumayo. Si Jane Fitzgerald ito. Naglakad itong puno ng kumpiyansa. Tila ba ipinapaalam sa mga kaklase nito na tama talaga ang sagot na nakasulat sa papel niya.
Nagtataka naman si Denise kung bakit hindi tumayo si Lance. Kaya tiningnan niyang muli si Lance. Ikinagulat ng dalaga nang makita ang binatang nakangiting nakatingin sa kanya. Sa isip niya: bakit tatawa-tawa lang itong lalaki? Hindi ba siya apektado na hindi siya ang sasagot sa harapan?
Nang biglang may naalala ang dalaga. Sinabi kasi ni Lance kanina na hindi nga masasaktan si Jane ng pisikal. Ngunit wala namang garantiya kung ganoon din sa aspetong emosyonal at mental nito...
Patuloy na nag-isip ang dalaga kung ano talaga ang pinaplano ni Lance. Ngunit natigil iyon nang may inilagay si Adrian na papel sa mesa ni Denise. Nagtataka, agad na tinanong ng dalaga si Adrian kung ano itong inilagay niya sa mesa.
Sa mahinang tono ay tumugon si Adrian, “Basta, basahin mo na lang.” At pagkatapos ay ngumiti ito.
Dahil sa sinabi ay agad din namang binuksan ni Denise ang papel. Binasa ng dalaga ang laman. Ikinagulat niya kung ano ang nakasulat rito.
“Mag-online ka sa Messenger, open mo conversation natin tapos isulat mo sa notebook mo ang answer. Pumunta ka sa harap at nang maipakita mo kay Jane na mali ang sinusulat niya. Your partner to revenge, Lance.”
At ito pala ang gusto niyang mangyari.
Dahil sa gusto ring makaganti kay Jane, walang pag-aalinlangang sinunod ni Denise ang ipinag-uutos sa kanya ni Lance. Nag-online siya at binuksan ang chatbox nila ni Lance. Agad niyang nakita ang picture ng sagot ng binata. Kinopya iyon ni Denise kahit na hindi naiintindihan ang sinusulat. Dumaan ang ilang sandali at nang matapos ay agad nagtaas ng kamay ang dalaga. Mabilis namang in-acknowledge iyon ng professor. Dahil dito ay makatagpo ang dalawang babae sa harap.
“Ano ang ginagawa mo rito?” mataray na tanong ni Jane.
“Sasagot, gaya mo,” kalmado ngunit may bahid na pagsusuplada na tugon ni Denise.
“Talaga lang, a?”
“Talaga lang.”
At makalipas ang tatlong minuto ay tapos na sina Jane at Denise.
Ngayon ang professor nila ay tinitingnan kung sino ang tama.
“Ms. Jane, may mali sa sagot mo. Ang tama ay ang kay Ms. Frendon.”
Nanlaki ang mga mata ni Jane sa sinabi ng guro nila. Agad itong nagtanong kung saan banda sa process niya ang may mali. Ang sagot lamang ng teacher nila ay ito: “Tanong mo na lang kay Ms. Frendon. Ipapakita niya sa iyo kung saan banda ka nagkamali.”
At natapos ang klase na galit na galit si Jane. Napahiya kasi siya sa maling sagot sa blackboard.
Sina Denise, Lance, at Adrian ay sabay na kumain ng pananghalian.
“How is that for revenge?” masayang tanong ng pinakamatalinong lalaki sa section nila.