Chapter 3: I Fell in Lab
Unti-unting minulat ni Denise ang mga mata niya. Ginising siya ng tumutunog na alarm clock. Dahil sa may pasok, napatanong agad ang dalaga kung anong oras na kasalukuyan. Kayanaman, nang tuluyan na niyang namulat ang mga mata, agad siyang napatingin sa alarm clock.
Parating nakangiti-- kahit na masama ang loob ng may-ari sa kanya-- ang kasalukuyang oras na ipinapakita ng alarm clock ay alas sais ng umaga. Dalawang oras na lang at dapat nandoon na si Denise sa paaralan. Pinatay na niya ang alarm.
Having only slept for five hours, as a student, it is gladly bearable to Denise. Para sa kaalaman ng lahat-- liban kagabi-- nakailang beses pang napagpuyat si Denise. Pursigidong matuto, ang lahat ng mga dahilan ng pagsusunog niya ng kilay bawat gabi ay para sa pag-aaral niya. Ngunit ewan niya kung ano ang mali sa kanya. Mistulang ang utak niya ay namamatay kapag sinisimulan nang ipamigay ng teacher nila ang test paper.
Dumaan ang minuto sa pagkakahilata ni Denise at sa wakas nagdesisyon na siyang bumangon. Sisimulan na niya ang panibagong linggo bilang isang estudyante. Itinapak niya ang mga paa sa malamig na sahig. Sana lang hindi na madaragdagan ang mga mabababang marka niya...
Gamit ang hagdan ay bumaba si Denise sa kwarto na nakabihis uniporme na. Puting blouse ang suot niya na may nakaburdang initial ng paaralan sa upper left chest. Ang pang-ibaba naman ay kulay itim na slack. Wala itong unnecessary detail. Sukbit-sukbit ng dalaga ang pink na shoulder bag. At nang makababa nang tuluyan ay dito niya pa lang isinuot ang school ID.
Mula sa kinatatayuan ay dumireto ang dalaga sa kusina. Sa paglapit niya rito ay may napansin siya. Isang nakakatakam na amoy. At habang papalapit sa kusina ay mas naging malakas ito.
"Good morning, Bunso," bati ng mama niya. Pansamantala itong tumingin sa likod para makumpirma kung si Denise nga itong dumating. Muling ibinalik ni Grace ang tingin niya sa niluluto.
"Good morning din, Ma," tugon ng dalaga. "Ang bango niyan, a? Ano po ang niluluto mo?"
"Bacon ito na binabad ko sa honey madamag. Nilagyan ko ng breading at ngayo’y piniprito na lang."
"Kaya pala may kakaiba akong naaamoy na masarap. Honey pala iyon. Saan niyo po nalaman ang paggawa niyan?"
Pagkatapos niyang ilagay ang shoulder bag sa isang silya ay sinimulan nang ihanda ng dalaga ang hapag. Napatingin si Denise sa wallclock na nakapwesto sa itaas ng pintuan papasok sa kusina. 6:45 pa lang ng umaga. With 30 minutes na laan sa biyahe ay hindi pa naman siya mahuhuli.
"Saan pa? Edi sa internet. Ito handa na ang iba, mauna ka nang kumain at baka mahuli ka pa sa klase mo."
Bilang tugon ay tumango-tango si Denise, tinapos na nito ang paghahanda sa hapag. Si Mama Grace naman niya ay abala pa rin sa pagluluto ng mga natitirang bacon strips. Nakailang subo na si Denise nang matapos ang mama niya sa pagluluto. Inayos nito ang mga kalat sa kusina bago umupo katabi ng anak.
"Nise," sabi ng mama niya.
Kahit na may laman pa ang bibig ay hinarap nito ang magulang at nagsalita, "O, Ma?"
"Tungkol ito sa nangyari kahapon." Kahit na hindi buo ang pagkakasaad ng mama niya, alam ng dalaga kung ano ang itinutukoy nito. Ito ay ang nangyari kagabi roon sa restaurant. Patuloy na kumakain, pinili na lang ni Denise na hindi kumibo. "Kahit na hindi mo sinasabi, napapansin kong nagtataka ka kung bakit ganoon na lang si Papa mo at ang mga kapatid mong magbiro sa iyo. It is because alam nila talagang mahirap ang kolehiyo. To tell you frankly, ang dinadaranas mo ngayon ay hindi maipagkakailang napakaliit pa lamang kumpara kapag graduating ka na. Lalo na at engineering pa ang course mo. Hindi ko ito sinasabi para i-discourage ka. Ngunit ang college ay parang survival of the featest na ito. Freshmen ka pa lang ngayon. Marahil karamihan sa sinasabi ko ay hindi mo pa naiintindihang lubusan. Ngunit kung kaya mo nang tulungan ang sarili mo ay dapat gawin mo na ito ngayon. Kung kaya mong mag-boyfriend ng matalino na kaya kang maturuan sa mga nahihirapan kang subjects ay mas mainam. Basta kaming pamilya mo ay umaasang lang na huwag na huwag mo sanang bibiguin ang pagitiwalang ibinigay namin sa iyo."
Naestatwa si Denise sa mga narinig. Ngayon ang masarap na almusal ay parang wala nang lasa sa ilalim ng dila niya. Bumaba ito sa lalamunan niya at nagmistulang mabigat na bagay. Nang tumungo pa ito sa sikmura niya ay tila agad na siyang nawalan ng gana at tuluyan nang nabusog.
Kahit na gusto niyang mag-argyumento sa mama Grace niya ay napaisip na lang siya sa sinabi nito. Kapag ba babae kang mahina ang utak sa Science at Mathematics, ang tanging paraang na lang para makapagtapos ng pag-aaral sa pagkainhinyero ay ang magka-boyfriend ng pinakamatalino sa inyong klase?
Dahil sa babyahe pa para makapunta sa paaralan ay nagpaalam na si Denise sa magulang. May kaunting sama ng loob ang dalaga sa mama niya. Umalis ang dalaga sa bahay gamit ang SUV. Ang nagmamaneho nito ay ang family driver nila. Si Manong Armand.
"O, Denise, kanina ko pa napapansin na panay ang pagbuntong hininga mo, ah? Ano ang problema?" tanong nito sa dalaga kahit na patuloy pa ring nakatanaw ang mga mata nito sa nilalandas nilang kalsada.
"Wala ito, Manong. May iniisip lang," simpleng tugon niya.
"Pwede kong malaman kung ano?" tanong ng driver.
"Hindi na, Manong. Nothing in particular naman."
"Ah, ganoon ba?" lumiko muna si Armand sa kaliwa bago magpatuloy sa pagsasalita. "Ngunit kung kailangan mo ng maipagkukwentuhan kung ano man iyang 'nothing in particular' na sinasabi mo ay pwedeng-pwede mo akong tawagan para makausap."
Napangiti na lang siya sa alok ng driver nila. Ganito talaga si Manong Armand. Sa tagal na niyang naninilbihan sa pamilya Frendon ay pati nga mga magulang nila kapag nag-aaway ay parating sa kanya rin lumalapit. Kaya bukod nga sa driver ay mistulang naging advisor at referee na rin siya ng pamilya. Noong mga panahon ngang umalis ang pinakamatandang kapatid ng dalaga na si Vince para mag-OJT sa America, si Manong Armand ang nagpaliwanag sa kanya ng lahat-lahat. Ayaw kasi ng bata pa lamang noon na si Denise na makausap ang mga magulang nito. "Kung talagang mahal nga nila si Kuya Vince ay bakit umalis ito sa bahay nila? At wala man lang silang ginawang paraan bilang mga magulang nito para ibahin ang isipan nito,": iyan ang dahilan nito at ilang buwang naging mag-isa ang batang si Denise. Ayaw rin nitong makausap ang lahat maliban kay Teejay at kay manong Armand...
Nagdaan ang sandali sa pagtahak nila sa kalsada at sa wakas nasapit na nila ang entrance ng unibersidad na pinapasukan ng dalaga. Ang Bradford Sauvignon University-- o ang initial na nakatatak sa blouse na suot ng dalaga na BSU-- ay ang learning institute kung saan nag-aaral si Denise.
Dahil nasa kabilang banda pa ang parking lot para sa mga sasakyan na naghahatid-sundo sa mga studyante, pansamantalang huminto si Manong Armand sa harap ng unibersidad para ibaba roon si Denise. Nagpasalamat ang dalaga sa driver at lumabas na sa sasakyan... And once more ay binati na naman si Denise ng signature na pakiramdam. Ang pakiramdam na baka maging zero na naman ang sunod niyang test. Sa isip niya: sana lang sana ay huwag namang mangyari iyon.
Taglay ang positibong pag-iisip, tinungo na niya ang entrance gate. Maiiaahon niya ang sarili sa mga mabababang marka na siya lang. Hindi niya kailangang mag-boyfriend para lang matulungan siya sa pag-aaral!
"Hey, Denise!" hindi pa man nakakalagpas sa mga guard sa entrance gate, agad napahinto si Denise nang marinig na may tumatawag sa kanya. Nagmumula ito sa likod. Sa isip niya: "Ang pamilyar na tinig na iyan, posible kayang siya ang tumawag sa akin?"
Kayanaman, para kumpirmahin ang hinala ay humarap ang dalaga sa likod. Kahit mahihirapan kang maka-distinguish ng kakilala sa rami ng tao na pumapasok sa entrance, unang lagay pa lang ng mga mata ni Denise sa isang banda ay agad niyang nakumpirma na siya itong tumatawag sa kanya.
"Hintayin mo ako," pagsasalita ulit nito. Nakangiting tumugon din si Denise, "Sige... Lance."
At nang maabutan na ng binata ang dalaga ay sabay nang pumasok ang dalawa sa loob. Kung mukhang excited ang lalaki, si Denise naman ngayon ay mukhang uncertain.
"O, nasa loob nito ang project natin. Ikaw na ang mag-pass," sabi ni Lance sabay bigay ng paper bag sa dalaga.
"Ha? E, bakit ako? Ikaw ang gumawa nito, kaya ikaw ang magpasa nito." Kahit na tinatanggihan ang iniutos ng lalaki, gayunpaman ay iniabot niya ito para matingnan ang nasa loob. Gaya nga ng sa larawan na pinasa ng lalaki kagabi.
"Asus. Parang naiilang ka pa, e. Ikaw na, at baka bigyan ka ng professor natin ng additional points. Teka, ano oras na ba?"
Kahit na alam ng dalaga na ang tanong ng kakalse ay parang pag-iiba na lang ng topiko upang maiwasang isipin ni Denise na bobo ang tingin sa kanya ni Lance, gayunpaman ay tiningnan ng dalaga ang suot nitong Hello Kitty na relo. "7:50," tugon niya.
"Kung gayon ay bilisan na natin. May flag ceremony pa tayong hahabulin."
Sabay sa dagsa ng mga estudyante ay binilisan ng dalawa ang paglalakad papuntang Chem Lab. Doon kasi nila isusumite ang ginawa 'buckminister fuller bucky ball'. Ngunit nangangalahati pa lang sa paglalakad ay narinig ni Denise na may tumatawag kay Lance.
Agad naman siyang huminto para tingnan kung ang kasama niya ba talaga ang tinatawag. Nang makitang kausap ni Lance ang isa sa mga faculty members na nagtuturo sa Mechanical Engineering Department, ang department ng kinabibilangan nilang kurso na Mechanical Enigneering, ay doon niya nakumpirmang mayroon ngang tumatawag sa kasama nito.
"Denise," sa pagitan ng pag-uusap ng faculty at kaklase, tinawag ni Lance ang atensyon ng dalaga. Dahilan para harapin nito siya. "Mauna ka na at susunod ako."
Bilang pagtugon ay tumango na lang si Denise. Mag-isang ipinagpatuloy ng dalaga ang paglalakad. Sa isip niya: iba rin talaga kapag matalino ka, hindi lang kapwa estudyante ang nakakausap mo, pati mga high-ranked employee na ng paaralan.
Makalipas ang ilang minutong paglalakad ay sa wakas nasapit na ni Denise ang paanan ng laboratoryo kung saan tiyak niyang nandoroon ang teacher nila sa General Chemistry. Siya itong nagpagawa ng proyekto na isusumite niya ngayon.
Upon she made it on the doorstep ay kumatok siya. Isa. Dalawa. Tatlo. Just as susundan niya pa iyon ng isa pang beses ay may sumagot na sa pagkatok niya.
"Pasok," tipid na tugon ng taong nasa loob.
Kaya naman, hinawakan na ng dalaga ang doorknob at inikot ito. Itinulak niya sunod ang pinto para makapasok na. Gaya ng inaasahan niya ay doon nga niya makikita ang teacher.
"Good morning, Sir," bating bungad ni Denise sa may edad na guro nito.
"Good morning din. Ano ang sadya mo, Miss?" tanong nito sa kanya.
"Ah, Sir, magpapasa sana ako sa iyo ng proyekto namin. Ang bucky ball?"
"Ah, okay. Ikaw ang gumawa sa inyong grupo?"
Nagdalawang isip muna ang dalaga sa kung ano ang dapat na itugon. Makalipas ang ilan segundo, sa wakas ay nagsalita na rin siya, "Opo, Sir, ako po ang gumawa."
"Ah kung ganoon ay hanapan mo na lang na mainam na paglalagyan iyan doon." At itinuro ng guro nito ang isang banda sa laboratory nila na may ilan nang bucky ball ang nakalagay. "Nakalimutan ko kasi kaninang mag-log in habang papasok ako sa gate. Kaya maiwan na kita rito, Miss. Kaya mo naman sigurong mailagay roon ang project mo na hindi nagpapasabog gamit ang mga chemicals, right?"
Napatawa na lang ang dalaga sa sinabi ng teacher niya. "Oo naman, Sir."
"Kung gayon ay mauna na ako. Mamaya ko na lang titingnan lahat ng mga isinumite ninyo. Just make sure na may mga pangalan ninyo iyan, ha? See you na lang sa flag raising ceremony kung makikita man kita roon."
Nang makaalis ang teacher ay sinimulan na ni Denise na tunguhin ang bandang itinutukoy nito. Nakarating siya roon at naghanap ng mainam na paglalagyan.
Sa isip niya: dapat ang paglalagyan ng proyekto nila ay kapansin-pansin para mag-stand out ang kanila kaysa sa iba.
Patuloy sa paghahanap, nang may napansin siya...
Sa itaas ng ceiling ay may hook. At ang buckminister na gawa ni Lance ay sa kagandahang palad may nakakabit na sinulid. Ang kulang na lang ay kaunting height na magpapaabot sa dalaga sa hook. At ang isa sa mga paraan para makamit iyon ay ang paggamit sa mesang ipupwesto sa ilalim ng hook.
Dahil sa nagmamdali para makaabot sa flag ceremony ay agad na sumampa sa itaas ng mesa si Denise. Hinawakan niya sinulid na nakakabit sa proyekto at ginawan ng paraan para mailagay sa hook ang kabilang dulo ng sinulid. At iyon na, tiyak ang proyekto nila ang unang-unang mapapansin ng lahat na mapapagawi sa bandang iyon. Sa isip niya: ilan kaya ang maibibigay ng teacher nila para sa proyekto na ‘to? Sana lang mataas para kahit papaano ay maiaahon niya nang bahagya ang mga mabababang grado sa Chemistry...
Nang sa wakas ay nagdesisyon na si Denise na bumaba sa mesa. Ngunit tila ang malas niya ngayon araw ay doon pa lang nagsisimulang mangyari. Sa lapag ng lamesa ay doon niya ipinatong ang paper bag kung saan nilagay ni Lance ang proyekto nila papuntang paaralan. Nang ang maliit na takon ng isa sa mga pares ng itim niyang sapatos ay saktong naitapak niya sa gitna ng handle ng paper bag at ang kabila naman niyon ay natatapakan ang mismong bag, nang binalak na humakbang ni Denise pababa-- being uninformed of the existence of paper bag under her feet-- parang nakalimutang tumibok ng puso niya nang ma-realized na malalaglag na siya mula sa platform ng mesa.
Bracing for impact, the lady closed her eyes.
But just as she anticipated na ang worst ay mangyayari na sa kanya dahil sa huli na ang lahat para sa balanse, mula sa pagkakapikit ng paningin ay muling minulat ni Denise ang mga mata nang mapansing hindi pa rin siya nalaglag matapos ang ilang segundo. Bakit hindi pa rin niya nararamdaman ang katawan niyang sumasakit dahil sa impact?
Hawak-hawak ng mga matitipunong braso na halatang sanay na magbuhat ng mabibigat na bagay, nang itinuon ni Denise ang paningin diretso sa kulay brown na mga mata ng pinakamatalino sa section nila, tila anong galak ng dalaga na tinupad ng kakalase ang sinabi nito kanina sa kanya na susunod na lang siya sa Chem Lab.
"Gotcha!" may pagkapilyong tono na sabi ng binata sa dalaga. At nang ngmiti ito at ipinakita ang mga mapuputi at pantay na ngipin nito, parang natunaw na si Denise sa hindi niya maipaliwanag na pakiramdam. Bakit siya natigilan sa titig ng binata?
Dahil sa agad nailang at napansin naman iyon ng binata sa dalaga ay ibinaba na nito siya. Pansamantalang nag-usap ang dalawa tungkol sa nangyari.
Parang kuya si Lance na umasta habang pinagsasabihan ang dalaga na huwag maging reckless. Babae kasi siya at ang kapasidad ng katawan ng lalaki kumpara ng sa babae ay hindi maipagkakailang may agwat kung ang pag-uusapan ay ang reaksyon sa mga aksidente. Gaya na lang ng impact.
Dahil sa magsisimula na ang flag ay hindi na nagtagal ang paglalagi ng dalawa sa Chemistry Lab. Agad nagdesisyon ang dalawa na lumabas doon.
Tinungo nila ang assembly area kung saan pagdating nila roon ay handa na ang lahat para sa pagsisimula ng flag. Pinuntahan nila ang designated lines para sa section nila. Dahil sa kararating lamang, ang dalawa ay nagdesisyon na sa likod na lang pumwesto. Sa hudyat ng program coordinator ay nagsimula na ang flag raising ceremony...
Makalipas ang ilang minuto ay sa wakas natapos na ang assembly. Kaya ngayon ang mga estudyante ay na dumadaragsa pabalik sa mga classrooms nito. Sila naman ni Denise at Lance ay magkasama pa rin hanggang nagyon.
"Aray!" nasaktan na sabi ng dalaga nang maramdamang may bumanga sa kanya sa kanang balikat. Nang nilingon niya ang likod para malaman kung sino ang gumawa niyon sa kanya-- na alam niyang sinadaya talaga iyon-- doon niya nakita ang kaklaseng si Jane Fitzgerald. Kung tatanggapin niya ang suhesyon ng ama na i-boyfriend ang pinakamatalino sa section nila ay ang babaeng ito ang dapat niyang matalbugan sa lahat ng bagay para mapasakanya ang crush nitong si Lance Vladimir.