Chapter 2: Midnight Chat

2820 Words
Chapter 2: The Midnight Chat Patuloy na tinatahak ng sasakyan ng pamilya Frendon ang madilim at desertong kalsada. Kahit na makakaasa si Denise na tutunog naman ang cellphone niya kapag mayroon itong bagong notification, from time to time ay napapatingin pa rin siya sa lumiliwanag na screen ng device niya. Gusto niya kasing malaman kung nakapag-reply na ang lalaking pinakamatalinong sa section nila matapos nitong ma-seen ang tugon ng dalaga na wave back. Ngunit nang makalipas ang ilang minuto na paulit-ulit lamang lumilipat ang paningin ng dalaga sa madilim na bintana sa gilid niya at sa maliwanag na cellphone niya, napapatanong na ito sarili kung bakit hindi pa nakatugon si Mr. Vladimir sa kanya. Bakit kaya wala pang reply si kaklase? Ano kaya ang nangyari doon? May ginagawa ba siyang iba liban sa pag-i-internet? If so, bakit naka-online pa rin siya? Sa pagpapatuloy ng pag-iisip niya kung bakit na-seen lang siya ng kaklaseng online pa rin hanggang ngayon, hindi niya namalayan na ang kapatid niyang kararating lang mula America ay napasilip sa umiilaw na cellphone ng bunso niya. “Lance Vladimir,” mahinang sabi nito. Mabilis pa sa kidlat na bumalik ang pag-iisip ni Denise sa kasalukuyan. Mula sa blankong tingin sa bintanang nasa gilid niya, nang marinig na sinalita ng kuya niya ang pangalan ng pinakamatalino sa section nila, walang pagdadalawang isip na hinarap ni Denise ang kuya. Nakangiti sa gulat na mukhang humarap sa kanya, makalipas ang ilang sandali ay sumabog si Teejay sa halakhak. “O, Teej, bakit tumatawa ka?” dahil sa pinakamalapit sa kapatid, si Vince na ang nagtanong kay Teejay kung bakit parang wala nang bukas kapag ito’y tumawa. Si Denise naman ay mabilis na itinago ang cellphone at napabuntong hininga na lang. Sinimulan na niyang ihanda ang sarili sa maaaring progreso nitong pagkakahuli ng kapatid niya sa kanya. “Si Bunso kasi, e. Nahuli kong may ka-chat.” Habang nakikinig sa sinasabi ni Teejay ay ipinikit na lang ni Denise ang mga mata niya. Ayaw niya kasing makita ang mga nan-iintrigang tingin ng pamilya niya in case na humarap ang mga ito sa kanya para mampikun. “Sino?” sa likod ng takipmata niya ay narinig niya ang Mama Grace niyang nagtanong. Patuloy na nakapikit ang dalaga. May nagsusupladang tinig, tumugon ito, “Asus, si Mama parang hindi nasubukang ang pag-cha-chat bago dumating si Papa.” Ngunit kahit na pabalang ang sagot ni Denise sa tanong ng mama niya, hindi naman nagalit si Grace sa narinig sa anak. Bagkus ay tumawa pa ang ilaw ng tahanan dahilan para tumawa rin ang lahat sa loob ng sasakyan. Maliban nga lang kay Denise. “Anak, sino ba ang ka-chat ng kapatid mo?” tanong ng ama kay Teejay. “Si ano po kanina, iyong pinag-uusapan natin sa restaurant?” tugon ng nito na halatang binibitin pa ang lahat sa sasabihin. Nanatiling nakapikit, sa loob ni Denise ay naiinis na siya. Sa pag-iisip niya: bakit ba kasi hindi na lang diretsuhin ang sasabihin para matapos na? “Ah, ang pinakamatalino sa klase nila?” pangungumpirma na tanong ni Vince. “Tama!” tugon ni Teejay. Halatang ginagalit talaga si Denise ng mga kuya niya. “Ito ba ang tinawagan ni Papa mo noon?” dagdag ng mama nila. “Ah, ang lalaking umamin ng nararamdaman sa maganda n’yong kapatid?” sagot ni Benson ngunit tutok pa rin ang paningin sa kalsada. Hearing what her father said, it makes her go back to that event kung saan narinig niya ang sinabi ni Mr. Vladimir sa ama niya nang may buong linaw. Oo alam niyang may gusto ang lalaki sa kanya. Subalit alam din niyang napakamakasarili naman kung gawin niyang oportunidad iyon para mapalapit sa lalaking pinakamatalino sa klase nila. Kasi, kung magiging sila na ni Lance, alam niyang matutulungan siya ng binata para maiahon ang mga bagsak na marka niya sa mga subjects na nahihirapan siya. Nagpatuloy ang biyahe ng pamilya na tawa lang nang tawa. Masayahin silang pamilya, hindi iyon maitatanggi ni Denise. Ngunit ang usapang gamitin ang kahinaan ng isang tao para lamang makamit ang minimithi ay tila napakamali niyon kahit. Saang anggulo mo man tingnan. Lumipas pa ang ilang minuto sa biyahe ng pamilya Frendon at sa wakas nakarating na sila sa bahay nila bago opisyal na maghatinggabi. Dahil sa parehong napagod sa pinanggagawa nila buong araw, matapos nilang mag-greet ng “good night” sa kapwa isa ay tinungo na nila ang kani-kanilang mga kwarto. Nagbabalak si Denise na mag-shower para kumportableng makatulog. Ngunit saktong ilalapag na nito ang cellphone niya sa nightstand drawer ay bigla namang umilaw at tumunog ito. Agad naman niya itong tiningnan para malaman kung bakit kinuha nito ang atensyon niya. Mula sa lockscreen ay binasa niya kung anong notification ito: Lance Vladimir sent you a message. Kahit na gustong malaman ni Dense kung ano itong ichinat ng kaklase niya sa kanya, dahil sa gusto na niya munang mag-shower, nagdesisyon ang dalagang mamamaya na mag-se-cellphone. Tinungo nito ang banyo at doo’y inayos ang sarili para maligo at nang komportableng makatulog mamaya. Pasado hatinggabi nang lumabas si Denise sa banyo. Nakabihis na siya ng pantulog niyang pajama. May sapin siya sa ulo, pinapatuyo ang basang buhok. Dahil sa wala namang gagawing iba habang naghihintay na matuyo ang buhok, nagdesisyon si Denise na buksan ang cellphone niya. Ngunit ang inaasahan niyang iisa chat lang ni Lance Vladimir ang mababasa niya rito, lubos niyang ikinagulat na naging bente uno na ito. Naligo lang siya at naging ganito na. Bakit? Nagtataka kung ano naman ang maaaring i-me-message sa kanya ni Lance at bakit ganito ito karami kapag mag-chat, mabilis niyang itinayp ang password sa cellphone niya at binuksan ang mga messages ng lalaking pinakamatalino sa section nila. Isa-isa niyang binasa ang dalawampu’t isang mensahe ng binata sa kanya. Dahil sa maiikli naman ang pagkakasulat ng mga ito at ang iba ay mas marami pa ang emoji kaysa sa text, hindi naman nagtagal ang pagbabasa ni Denise sa lahat ng mga messages. Nang ma-realized ng dalaga na natapos na niyang basahin ang lahat-lahat, doon pa lang niya nalaman na mayroon pala silang group project kung saan magkasama silang dalawa ng binata. Ang sabi ng professor nila ay bukas 8 a.m. sharp ang deadline niyon. And what’s worst ay si Denise pa mismo ang nagboluntaryong gagawa niyon dahil sa gusto niyang malaman kung paano gumawa ng tinatawag na “buckminister fuller bucky ball”. Ito kasi ang project nila. Now that it is already midnight and that the deadline will be eight hours from now, iniisip pa lang ni Denise na kung ano ang magiging concept niya sa paggawa niyon ay parang hinihila na siya ng kamang matulog. Sa isip niya: buhay naman o, bakit sa daming malilimutan ay itong project pa? Doon pa sana binabalak na bumawi ni Denise para sa mga mabababang scores niya sa General Chemistry. Ngunit tila another bagsak grades na naman ang makukuha niya ulit sa naturang subject. Natataranta sa kung papaano sisimulan ang nasabing proyekto ay biglang tumunog ang cellphone ni Denise. May nag-message sa kanya. Tiningnan niya ito para lang malaman na kay Lance nanggaling ang panibagong message. “Hello, good morning. Gising ka pa ba?” binasa niya ang tanong ng binata at bahagyang napatigil kung ano ang dapat na itugon. Napaisip siya sa mainam na I-reply sa tanong ng kaklase. “Oo e. May ginagawa pa kasi ako,” pagsisinungaling niya under text. Ano naman ang gagawin niya sa kalagitnaan ng gabi na tila napakaimportante nito at nagawa niyang magpuyat? Siyempre ang group project nila na may deadline alas-otso mamayang umaga. She lied: hindi niya pa iyon ginagawa, gagawin niya pa lang iyon. Mabilis niyang sinundan ang reply niya: “Eh, ikaw bakit ka pa gising?” Hindi nakalipas ang ilang segundo at nabasa na rin ni Denise ang reply ni Lance. Ang tugon ng binata ay umaatake na naman ang insomia niya dahil sa naparami ang inom niya ng kape kanina. Nagulat si Denise sa nalaman, ngunit kahit na anong gusto niyang mag-reply sa kaklase ay napagdesisyunan niyang isantabi ang cellphone. Mayroon pa siyang sisimulan na dapat tapusin kaagad. Gamit ang mga crafting materials na sa kagalakan niya’y naitabi niyang maayos dahilan para magamit niya ang mga ito ngayon, itinipon niya ang mga ito at nag-isip ng ideya kung papaano ma-u-utilize ang mga ito. Dapat magiging maganda rin ang kalalabasan. Gunting, glue, iba’t ibang kulay ng construction paper, dalawang folders, at marami pang iba. By 12: 30 ay nakapag-isip na siya sa ide-design niya sa gagawing buckminister fuller bucky ball. Ngunit nang sinisimulan na niyang gupitin ang folder para maging alternate ang hexagon sa pentagon, tumunog ulit ang cellphone niya. Ngunit hindi kagaya kanina na para lamang sa simpleng mga notifications at messages ang pag-ring. Ang naririnig niya kasalukuyan ay tunog ng isang incoming call. Nagtatakang tinungo niya ang cellphone para malaman kung sino ito. Muli ang pangalan ni Lance Vlandimir ang bumungad sa kanya. “Bakit naman siya tatawag? At video call pa?” tanong niya sa sarili. Kahit na napapatanong sa kung ano ang eksaktong dahilan kung bakit nag-vi-video call ang binata sa kanya, nonetheless ay sinagot niya ito. “Hello, Lance?” nagtatakang sambit ng dalaga sa lalaki na ngayo’y nakikita niya ang blurred na mukha nito sa screen ng cellphone niya. “Bakit ka nag-vi-video call?” “Hello rin, Den.” bahagyang napanggat ang kanang kilay ng dalaga sa panghuling sinalita ng binata. First time niyang tawagin ang dalaga sa nickname nito. Den. Pagpapatuloy ni Lance, “Wala. Hindi lang kasi ako mapalagay kung bakit online ka ngunit hindi ka man lang nag-re-reply sa mga tanong ko kung nagawa mo na ang group project natin?” Mula sa cellphone kung saan nagpapalitan sila ng tingin ng hindi na niya ipagkakailang guwapong kaklase, inilipat ni Denise ang paningin sa worksation niyang hindi niya pa nasisimulang project. 12: 43 na at ang kalbaryo niyang maglalagi siya ng apat na oras para lang magawa ang “buckminister bucky ball” ay nakakantok na kapag iisipin pa lamang. “Ah, oo. Oo. Tapos na.” Ilang beses na ba niyang nakapagsinungaling kay Lance? “Gusto mong makita?” malakas ang loob na alok niya. Sa isip niya: sana lang tumanggi ka Lance! “Kung pwede lang naman.” Biglang natigilan ang dalaga sa narinig. Mahinang napamura si Denise dahil sa naging tugon ng binata. Napasubo sa pagsisinungaling, ngayon, ang resolba ni Denise ay panindigan na lang ang ginawa. Dahil sa humihingi ng larawan ang kaklase sa kinalabasan ng ginawa ng babae, nagdesisyon si Denise na maghanap na lang sa internet ng picture ng bucky ball. Iyong kahit maganda ang pagkakadesinyo ay parang kuha lamang sa bahay at hindi kuha ng isang magaling na photographer o specialized na editor. At nang makahanap na siya ay agad niyang si-nend ito kay Lance para makita. Gagawa na lang siya ng paliwanag kung bakit nagbago ang mukha ng pinasang larawan sa kaklase sa magiging outcome nitong gagawin niya sa pagpupuyat. Ngunit ang inaakala niyang makukumbinsi na ang kaklase, nang nag-reply si Lance ng dalawang picture na magkakatabi na ang isa ay nanggaling sa internet at ang isa ay ang sinend ni Denise, doon na lang napawika si Denise sa mahinang tinig nito na… “Ah, patay!” At nang nag-message sa kanya si Lance na tinatanong kung nakagawa ba talaga siya o wala pa ng proyekto nila ay doon na lamang napaamin si Denise. Ginagawa niya pa lang ang project nila ngayon. “Ano? You mean nang nag-chat ako kanina sa’yo tungkol sa project natin ay hindi mo pa iyon nagagawa?” halata ang pagkagulat sa chat ng binata. Sabay sa pag-reply niya kay Lance ay nanlulumo si Denise. “Nahulaan mo nga.” “Hay nako. So, papaano nayan? Magpupuyat ka para lang magawa ‘yon?” “Basically, iyon nga ang binabalak ko. Problema nga lang, baka makatulog ako at hindi pa natatapos ang project natin.” Tugon niya habang humihikab. “May suhestion ako sa iyo, Den. Ewan ko kung ano ang dating nitong saabihin ko sa’yo. But ipagpauna ko nang wala akong balak na mang-insulto sa kaya mong gawin.” “Loko, ano ba iyon?” simpleng tanong ng dalaga ngunit naguguluhan sa nais na ipahiwatig ng lalaki. “Noong nakaraan kasi habang nag-a-advance study ako, I also stumbled into this same activity that our professor has entasked us to do. Dahil sa na-curios ako kung kaya ko bang makagawa ng buckminister bucky ball, so I did make one. Hindi ko inaasahan na ipapagawa rin sa atin ito ng prof natin bilang group activity.” “So, you mean, mayroon ka nang nagawa riyan?” tanong ni Denise. “Yes," simpleng reply nito. “That is great!” “Though, I don’t know if you will take my option. Magpupuyat ka pa ba para lang gumawa o matutulog ka na at ang akin na lang ang ipapasa natin bukas?” “Pwede bang matingnan?” tanong ni Denise. “Sige, just wait. Kukunan ko lang ng larawan.” Kaya ang ginawa ng dalaga ay naghintay sa binata para i-send ang gawa nitong buckminister bucky ball. At hindi makalipas ang isang minutong paghihintay ay nakita na rin niya. “In fairness, ah. maganda ang pagkakagawa. Parang pinaglaanan talagang panahon at pagkabusisi,” wika ni Denise sa sarili pero hindi na nagawang i-type iyon sa cellphone para mai-send sa kaklase. “So, ano ang desisyon mo?” tanong ng binata sa kay Denise. “Sige iyan na lang at naaantok na ako. But I’m sorry, ha? Hindi ko napanindigan ang sinabi kong ako ang gagawa ng proyekto natin. Nawala lang talaga sa loob ko.” “Okay lang. Hindi naman ako galit. Ipalagay na lang nating may mas importanteng bagay ka lang na inuna.” “Parang ganoon na nga.” After typing, she hit send. Parang napaisip si Denise sa ni-reply ni Lance. Hindi lang matalino at guwapo at mabait itong kaklase niyang may lihim na pagtingin sa kanya. On top of those ay maunawain pa. Patuloy na tinitigan ng dalaga ang palitan nila ng mensahe ng binata. Nang napadako ang paningin niya sa oras kasalukuyan. Malapit nang mag-ala-una. At dahil sa hindi pa nakaka-reply si Lance, nagdesisyon ang dalaga na magpaalam nang matutulog. Ngunit bago niya mapindot ang send ay naunang mag-message ang lalaki sa kanya. At nagulat siya nang nabasa ang reply nito. “May boyfriend ka na, Den?” tanong ng binata na isinatinig ni Denise. Naramdaman na lang sunod ng dalaga na parang nakalimutang tumibok ng puso niya. Parang mayroon ding bumara sa lalamunan niya. Sa isip niya ay napatanong ang dalaga: bakit biglang napunta rito ang pag-uusap? Dahil sa napakamahalaga ng oras ngayong kailangan na talaga niyang matulog, she tried her best to reply him the fastest way she could. And so, bago magdaan ang sampung segundo matapos niyang basahin ang tanong ni Lance ay nakapag-type na siya ng isasagot. “Wala pa e. Single pa. Ikaw?” Agad namang nag-reply ang lalaki, “Wala rin.” With matching smiling emoji. “Pareho pala tayo? Hahaha!” natatawa niyang tugon pero sa isip niya nakakaramdam na siya ng pagka-awkward sa conversation nila. “Oo nga e.” Dahilan sa hindi alam ang itutugon sunod ni Denise ay sineen niya lang muna ang chat ng binata. Nag-isip siya kung ano ang mas mainam na isusulat. Nang napansin niyang nag-chat ulit ang binata. Agad naman niya itong binasa: “May nanliligaw ba sa iyo?” Muling naramdaman na naman niyang nakalimutang tumibok ng puso niya. Actually, by reading all of their dialogues, parang kanina pa nahihinahuna ng dalaga na dito mapupunta ang usapan. To start with, alam na niyang may gusto ang lalaki sa kanya. “No. Wala pa. Totally single. Bakit mo naman natanong?” “Gusto kasi kitang yayain ng…” Pinagulong na lang ng babae ang mga mata niya nang ma-realise na putol pala ang sinend ng lalaki. Sa isip niya: gusto niya akong yayain ng ano? “Ng ano?” tanong niya. “Ng date?” The question mark tells Denise na nag-aalinlangan ang lalaki sa gustong mangyari nito… Pasado ala-una y medya na ng madalaling araw nang makahigang tuluyan si Denise sa malambot niyang kama. Kahit na inaantok na, ang kalahati sa pag-iisip niya ay nakadako pa rin sa pag-uusap nilang dalawa ng pinakamatalino sa kaklase nila. The time is set for their date. It will happen Thursday. Vacant day nila iyon bilang magkaklase. Mahigpit na hinahawakan ng dalaga ang unan. Nang hindi pa makatulog sa kaiisip sa kung ano ang posibleng kahahantungan nitong pagpayag niya, isinubsob na lang ng dalaga ang ulo niya sa unan at pinilit nang makatulog. “Lance, Lance, Lance, bakit parang ewan ka?”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD