Chapter 21: After The Exam Nang matapos sagutan ni Lance ang kanyang testpaper ay agad niya itong ipinasa sa exam proctor. Napakastrikto ng nagbabantay sa kanila. Wala itong tigil sa paglalakad sa buong kwarto. Kanina nga nang may nalaglag lang na easer ay literal na sinuri talaga ito ng proctor. Baka raw kasi may cheat na nakalagay rito. Kinuha ng proctor ang tespaper ng binata. May mga nakauna nang magpasa kaysa sa kanya. Nang makalabas sa kwarto ay inilibot ni Lance ang mga mata sa paligid. Hinanap niya si Denise na pagkatapos nilang magkomprontahan tungkol sa kodigo ay hindi na niya imakausap. Gaya ng sa Algebra hanggang ngayon-- nang nakapagpasana siya sa General Chemistry-- ay hindi niya pa nakakausap ang dalaga. For the last two exams kasi ay parating nauuna si Denise

