Chapter 22: I’m Sorry Nakalubog na ang araw nang umuwi si Lance sa kanilang bahay. Tila wala sa sarili ito habang pinapagpag ang sapatos nito sa welcome rag. Walang pakialam ang binata sa sariling hitsura. Kahit na may lantay pa ng dugo ang kanyang pang-ibabang labi. Hinawakan ni Lance ang doorknob ng pinto at pagkatapos ay inikot ito. Kanyang itinulak ito sunod. Sa kagalakan niya ay agad siyang inabangan ng napakagaang pakiramdam. Ang napakagaang pakiramdam na kanina niya pa hinahanap-hanap simula nang napagtantong ayaw na sa kanya ni Denise. Truly, home is the best place for comfort. Somehow ay naibsan ang nararamdamang hinanakit ng binata dahil sa nangyari. Ano ba ang ginawa niya sa babaeng iyon para sirain lang nito ang kanyang puso? Inilibot ng binata ang paningin sa bahay

