Chapter 40: You’re Dead Kasalukuyang tinatakbo ni Lance ang pinakadulo nitong malawak na kakahuyan kung saan ay ihahatid siya sa isang malaking mansion. Ewan nito kung ano ang eksaktong pangalan ng kanyang nararamdaman ngayon. Naghahalo na kasi ang lahat ng emosyon sa kanyang sistema dahilan sa mga nalaman niyang ibinunyag ni Charles. Mayroong masaya siya dahil sa may buhay palang namuo sa sinapupunan ni Denise nang huli silang magniig nito. Mayroong ding malungkot dahil muntikan na niyang patayin ang buhay na iyon nang tinangka niyang saktan si Denise nang madapa ito. Mayroong ding takot dahil sa nasa peligro pala ang buhay ng kanyang ama sa sarili nitong bahay. At mayroon ding galit dahil ang asawa at kapatid nito ay kayang gawin ang lahat para mapasakanila lamang ang yaman ng kanyan

