Chapter 16: The Twins’ Tale Natapos na ang nangyaring pagtitipon ng magkakaibigan sa loob ng gymnasium. Naliwanagan na ang mga ito sa tunay na rason kung bakit absent si Jane. Ang natitirang araw ng Lunes ay muling bumalik sa pagiging tipikal. Nagpapatuloy ang buhay estudyante nila. Iyon nga lang, alam nilang may nawawala’t hindi na babalik. Si Jane Fitzgerald kasi ay nagpaalam nang mag-ta-transfer ng paaralan. Dahil sa exam na nila sa susunod na linggo, ang teacher nila sa panghapunang klase ay maaga silang dinismissed. Nag-check lang ito ng attendance at nagbigay ng mga pointers na magiging coverage ng exam. Agad din itong umalis na siyang ikinasiya ng klase. Mula sa first row ay mabilis na tinungo ni Lance ang ikalimang row para mapuntahan si Denise. Tinawag niya ang dalaga

