Chapter 17: The Broken-Hearted Man Seryusong nanonood ng paboritong teleserye si Sance nang biglang bumukas ang pinto ng bahay nila. Agad nanlaki ang mga mata nito nang makita kung sino ang kararating lang. “Hello, Sance,” parang pagod ang pagkakabigkas niyon ni Lance Ngunit bukod doon ay may napansin pang iba ang bunso sa kuya. Ito ang mas ikinunot ng noo niya. Isang hindi pa kasi nabubuksang bote ang hawak ni Lance. Napatanong naman si Sance kung para saan iyon at bakit mayroon ang kapatid nito. “Kuya, hindi ba, alak iyan?” marahang tanong ni Sance kay Lance. Pagkatapos ay isununod ito: “Para saan at may ganiyan ka?” Agad na binalot ng kakaibang katahimikan ang pagitan ng magkapatid. Si Sance ay hinintay ang sagot ng kuya samantalang si Lance ay tila napaisip. Makalipas a

