Chapter 42: You’re Alive (Never Never Engineer Finale) Mahal ni Denise si Lance. Minsan na niyang sinaktan ang binata, gagawin niya ang lahat para hindi na mangyari ulit iyon. Kahit na labag sa praktisiya ng mga doktor na magdeklara ng patay sa buhay pang pasyente, gayunpaman ay hiningi pa rin ni Denise ang ganoong pabor sa nag-opera sa kanya. Bago sila tuluyang magkabalikan ni Lance ay nais ni Denise na malaman ang tunay na saloobin sa kanya ng binata. It looks like narinig na niya ang dapat na marinig sa mga dinidibdib binata. “Nise, buhay ka,” malamyang tugon ng binata na patuloy pa rin sa pagluha. Ang paghinga nito ay kagaya ng sa bata na katatapos lang magwala kakaiyak. Naluluhang tumango si Denise at marahang ginulo ang ulo ng binata. Ngumiti muna ito bago tumugon, “O

