CHAPTER 13

684 Words
"Wag ho kayong mag alala Mahal na Mahal ko po ang anak niyo Hindi ko po siya sasaktan." Mga katagang sinabi niya na nag pa tulala saakin. Mahal niya talaga ako?... "Dapat lang dahil kong sasaktan mo siya ako ang makakalaban mo" Sabi ni papa "Aba'y tumigil ka nga diyan berto! Kakain na tayo" singit ni mama dahil galing Ito sa pag hahain ng pagkain. - Nang natapos kaming kumain ay nag paalam na agad kami ni Nixon dahil Alam Kong may trabaho pa siya bukas kahit naman siya ang CEO kailangan niya paring mag trabaho. "Ma, pa uuwi napo kami ni Nixon.." paalam ko "Anak pwede namang bukas nalang kayong umuwi, mag gagabi na kase" pigil samin ni mama "Ma may trabaho pa po kasi si Nixon eh.." malungkot na sabi ko kahit miss na miss ko sila ay kailangan ko paring bumalik ng maynila. "Wag po kayong mag alala, babalik kami rito sa susunod na buwan" nakangiting Sabi ni Nixon "O'sya mag didilim na, lumarga na kayo malayo layo pa ang byahe." Niyakap ko sila mama at papa. "Bye mama, papa mamimiss ko kayo" naiiyak na Sabi ko sakanila. "Mag iingat ka roon anak.." nakangiting Sabi ni papa "Opo pa..." "Alis na po kami.." paalam ni Nixon at pinaandar kotse. - Tahimik lang kami habang nasa byahe nang bigla siyang mag salita "Your parents are so nice.." nakangiting sabi niya habang nag mamaneho. "Thanks, how about your parents? Nasaan sila?" Tanong ko naman Bigla siyang umiwas ng tingin saakin at matagal bago naka sagot, para bang may tinatago. "I... They're already gone.." "Ohh sorry to hear that.." "It's okay, Let's not talk to them, we'd better just talk about us" seryosong sabi nito. "Ah ano bang pag uusapan natin?.." "You're my wife, Beatrice.." "Yes I'm your wife? Ano ngayon?" Takang tanong ko Nakita kong bigla siyang ngumiti kaya napa kunot noo naman ako dahil don. "Nothing, let's go" nakangiting umiling siya at lumabas sa kotse umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto. Papasok na Sana kami ng bahay pero may tumawag sa pangalan ni Nixon. "Nixon!" Kaya napatingin kami sa gate. May babae doong naka ngiti at naka tingin kay nixon, naka suot ito ng dress at at naka lugay ang buhok nito. Mukang pinapasok Ng guard dahil kilala na nila Ito. Isang tingin mo palang alam mo ng may gusto ito sakanya. "Zena, what are you doing here " takang tanong ni Nixon at nilapitan niya ito. "God nix! I miss you so much baby!" Sabi ng Babaeng nag ngangalang zena at kumapit sa braso ni Nixon. Para akong tanggang naka tingin sakanila, diko mapigilang masaktan at mainis sa Babaeng nasa harap namin. Hahalikan Sana nito si Nixon pero umiwas Ito sakanya. "Stop." Madiing Sabi ni nixon sa babae at tumingin saakin kaya umiwas ako ng tingin at nag lakad papasok sa pinto. Pinipigilan kong wag maiyak dahil don. Pumasok ako sa kwarto namin at nahiga doon, pinusan ko ang luhang tumulo sa pisnge ko. Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto namin at lumubog ng kaunti ang kama. "Hey baby.." malambing na sabi niya saakin at niyakap ako sa likod. "What's the problem?" "Wala naman.." mahinang Sabi ko sakanya "Really? Napagod kaba sa biyahe namin? Hmm?" Tanong niya "Oo.. matutulog nalang muna ako." "Okay mag pa hinga ka muna, aasikasuhin ko lang si Zena sa baba.." at akmang aalis na siya nang masalita ako. "Sino si Zena?" "She's just a friend." "Ah okay sige matutulog na muna ako" Sabi ko at ipinikit na ang mga mata, pinilit kong matulog at sakawas ay dinalaw ako ng antok. - NAGISING ako dahil sa uhaw kaya napag pasyahan kong mumaba para kumuha ng tubig sa kusina. Pero nabigla ako sa nakita ko, Parang hinati ang puso dahil sa nakita. I saw Nixon and the girl named Zena are too close to each other akmang hahalikan na ni Zena si Nixon ng itulak niya Ito kaya nag ka hiwalay sila. Authors Note: hello sa totoo lang kahit ako nag sulat nito naiinis ako kay Zena! Hmp btw thank you sa pag babasa❤️
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD