"Tama ba ako ng narinig? You love me too?" Tumango tango ako sakanya agad niya akong niyakap at hinalikan sa labi.
"God! I love you too baby! I'm so happy! You made me so happy, baby!" Masayang Sabi niya, nang may kumatok sa kotse dahil tinted Ang kotse ay hindi kami kita dito sa loob.
Nakita kong si mama iyon.
Binuksan naman ni Nixon Ang bintana.
"Kanina pa ho kasi kayo naka parada sa harap ng bahay namin, baka may kailangan kay–" Hindi na natuloy ni mama ang pag sasalita nang Makita niya ako "Beatrice! Anak ikaw ba Yan?!" Di makapaniwalang sabi ni mama tumango naman ako sakanya at binuksan ang pinto ng kotse para mayakap siya.
"Namiss kita mama!" Naiiyak na Sabi ko
"Nako! Ang Sabi mo'y di ka makakauwi ngayon. Namiss din kita anak, ang papa mo nga pala ay nasa loob" akay sakin ni mama pero huminto ako at tumingin sa likod ko.
Nandoon si Nixon at naka tayo kaya nilapitan ko siya
"Ah ma, si Nixon pala.. uhm asa–boyfriend ko.." mas pinili kong boyfriend nalang Ang sasabihin ko dahil baka mabigla sila mama at papa.
Naramdaman ko namang hinawakan ni Nixon Ang kamay ko.
"Hello po happy birthday." naka ngiting bati ni Nixon kay mama at nag mano.
Ngumiti naman si mama Kay Nixon
" Salamat. Kaawaan ka ng diyos, Ang gwapo naman ng nobyo mo anak!" Natawa naman ako sa sinabi ni mama.
"O'sya tara na't pumasok para maka Kain na kayo." Sabi ni mama at naunag mag lakad.
"Uhm.. sorry ha? Boyfriend lang yung sinabi ko ayoko kasing mabigla sila mama at papa.." Sabi ko kay Nixon
"It's okay, baby I understand.." Sabi niya at hinalikan ako sa noo.
"Tara na nga nag hihintay na sila mama at papa.." Sabi ko at sumunod Kay mama.
Nakita kong nandoon si papa at nag hahain.
"Papa!" Agad na sabi ko at agad na lumapit kay papa para yumakap.
"Oh! Ang napa kaganda kong anak!
Teka sino itong kasama mo?" Tanong ni papa.
"Ah.. boyfriend ko po papa si Nixon.." naka ngiting sabi ko kay papa
"Magandang umaga po" Sabi ni Nixon at nag mano din kay papa.
Tinaguan siya ni papa na naka ngiti
" Sa wakas naman at nag karoon kana ng Nobyo, Beatrice. Alam mo ba hijo ni minsan ay walang naidalang lalaki iyan kahit ni isa, at ikaw pa lamang" napa kalot ako sa ulo ko dahil umaandar nanaman ang pagiging madaldal ni papa sobra pa siya kay mama.
"Talaga ho?! Ibig niyo po bang sabihin ay walang naging boyfriend noon?" Napatingin ako Kay Nixon dahil sa tinanong nito. Sayang saya siya dahil sa sinabi ni papa.
At talagang nanigurado pa siya ha!
"Oo at ikaw Ang una niyang nobyo!" Sagot naman ni papa
Naramdaman ko ang braso niya na pumulupot sa bewang ko.
"Wag ho kayong mag alala Mahal na Mahal ko po ang anak niyo Hindi ko po siya sasaktan." Mga katagang sinabi niya na nag pa tulala saakin.
Mahal niya talaga ako?...
_______
A/N: Stay lang kayo guys paparating na Yung kontra bida HAHAHAHA peste naiinis ako sa Babaeng yun!?