Chapter 49 TIN-TIN... PANAY ANG lingon niya sa paligid kung saan siya dumadaan. Napakaraming tao, mga bata na natatakbuhan, mga babaeng nakatambay at nagkukumpulan. Mga lalaking nag-iinuman. Halos lahat nakatingin sa kanya. Lahat ng mga ito ay parang nakakita ng isang ginto na handa na ng mga ito na atakihin. Kinakabahan siya, natatakot na rin pero hindi niya ipinapakita sa mga ito. Baka mas lalo siyang mapahamak kung gano'n ang gagawin niya. Huminto siya sa tapat ng mga kababaihan na una niyang nasalubong. "Mawalang galang na ho, pwede ho bang magtanong?" Pinagtaasan lang siya ng kilay ng mga ito at hindi sumagot. Para silang mga galit habang nakatingin sa kanya. Nag-aalangan na talaga siyang tumuloy. Baka kasi kapag pinagpatuloy Pa niya ang pagpasok sa loob baka hindi na siya

