Forty-eight

2636 Words

Chapter 48 TIN-TIN... NAGISING siya na parang may bumubungisngis sa tabi niya at may nangingiliti sa ilong at tenga niya. Pagmulat ng mata niya mukha ni Nathan ang una niyang nakita na tawa nang tawa. "Good morning mama," bati nito ng makita na nakadilat na ang mga Mata niya. "'Morning baby," ganting bati niya dito. Agad niyang nilingon ang tabi niya para tignan si Theodore pero wala doon ang lalaki. "Saan si Papa?" Takang tanong niya sa anak. Saka naman bumukas ang pintuan ng banyo at lumabas doon ang bagong paligo na si Theodore. Nakatapis lang ito ng tuwalya, may tumutulo Pa na tubig mula sa buhok nito. Lumapit ito sa kanilang mag-ina para halikan siya sa labi at halika naman sa ulo ang anak nila. "Good morning mga baby ko," masayang bati ni Theodore sa kanilang mag-ina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD