Twenty-eight

2222 Words

Chapter 28 THEODORE... KANINA PA niya napapansin na ang tahimik ni Tin-tin sa tabi niya. Actually hindi lang kanina, ilang araw na itong nanahimik. Kasama nga niya ito pero hindi niya naman maramdaman ang presensya nito. "Baby," tawag niya dito. Nakatitig lang ito ng deretso sa harapan nila. Traffic kaya wala naman itong dapat na titigan sa harapan nila. He decided to hold her hand, doon lang siya nito nilingon. Ngumiti ito pero parang napipilitan lang at mukhang malalim talaga ang iniisip. "Nagugutom na ako," sabi nito. Huminga siya nang malalim bago tumingin sa paligid, ipit sila sa traffic. Mahirap mag-u-turn at mahirap din ang mag-exit na lang basta sa main road. May nakikita siyang mga restaurant sa gilid pero hirap na makapasok sa parking space ng mga ito. Rush hour kasi.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD